Chapter Ten

37 0 0
                                    

Lexi's POV 

Tatlong araw na din ang nakalipas matapos ang araw na nag-away sina Tito Michael at Daddy. Medyo tumahimik na rin ulit ang kapaligiran namin at hindi na dumayo sa amin si Daddy. Pero kasabay naman nito ang pagiging mas tahimik pa ni Lance. Napapalayo na nga din siya sa mga kaibigan niya eh. Tuwing nasusundan ko siya, diretso lang siya sa library. Palagi na lang siya nagbabasa about love. Ano ba talaga gustong patunayan ng lalaking ito? Kaya ngayon, gusto ko siya tulungan.. Kahit papano. Fast forward sa araw na 'to at pumunta tayo sa library ng lunch break!

"Good morning, Miss Garcia!" bati ko sa school librarian namin na nakabantay sa may pinto. "Umm, Miss, nandyan na po ba si Lance?"

"Si Lance Del Rosario? Ayun siya. In the same seat as before." nginitian naman ako ni MIss Garcia. Buti pa si Miss Garcia, hindi mahilig mang intriga. Di tulad ni Manong Guard. Hihihi!

Lumapit ako sa New Books Section at nagtingin-tingin ng mga libro. Kasabay nito ang pagtingin ko din kay Lance.. Err.. Hindi yung pagtingin na iniisip niyo ah! Yung pagtingin na sinasabi ko yung tumitingin ako sa kanya! No more, no less.. Okay? Hanggang ngayon, wala pa ding nagtatangkang tumabi o makiupo sa mesa niya. Pero bigla na lang ay may dumating na magandang babae na kabatch siguro namin. Maputi, matangkad.. Ala-dyosa siguro?

"Umm, may nakaupo ba dito?" tanong nito kay Lance. Asdfghjkl. Halata naman wala di ba? Zzz. Pero sinasabi ko sa'yo, wag na wag kang tatabi diyan!! -___-

PUSO: Uyyy! Nagseselos siya! 

Hindi ah. -___-

PUSO: Oo kayaaaa! Yiiie! Hahaha! 

Tumigil ka. Ipapatanggal na talaga kita. Ipapapalit ko sa'yo, metal steel na hard drive. =_="

UTAK: Ayaaaan! Lagot ka na! Satsat ka kasi ng satsat eh.. 

Isa ka pa. -_-

UTAK: Sorry, Lexi! Tatahimik na 'ko. Unlike yung isa diyan.. 

PUSO: Sorry na! Sorry na! (Pabida na naman 'tong si Utak) 

"May nakaupo na diyan." narinig ko namang nagsalita si Lance.

"Ha?! Eh, sino naman nakaupo dito?! Multo?!" sabi nung babae.

"Pwede.." sinabi naman ni Lance. Natawa naman ako ng konti nung marinig ko yun.

"Tss.. Weirdo! Sayang kagwapuhan mo!" sabi naman nung babae sabay alis. Boom Vaness!

Matapos naman yon ay tumahimik ulit ang paligid at naghanap na lang ulit ako ng libro. Nakakita ako ng isa na I'm sure magiging interesado si Lance. The History of Love. Agad-agad kong kinuha ito at nag ipon ng maraming lakas ng loob para lapitan si Lance. Bakit parang kumakabog dibdib ko habang papalapit ako sa mesa niya?

PUSO: Natotorpe ako kay Fafa Lance ihh.. :"> 

UTAK: Jusmeo naman! Uurong pa ba si Lexi niyan?! 

PUSO: Eh se neheheye eke eh.. 

UTAK: Go ka na nga, Lexi! Bago ka pa pigilan nitong malanding 'to.. 

Binalewala ko ang dalawang nagdadakdak ng kung anu-ano sa buong pagkatao ko at lumapit na talaga ako kay Lance. Binagsak ko nang medyo mahina ang librong hawak ko sa harap niya habang binabasa niya ang If I Stay ni Gayle Forman. Nagulat naman si Lance dito at napatingin sa'kin.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon