Chapter Twelve

39 1 0
                                    

Travis' POV 

"Di ko napansin.. Nadala ako sa pagbabasa ko eh.." sinabi ni Lexi sa'kin.

"Oh tara na! Wag ka na mag dadadatdat diyan!" sabi ko naman sa kanya sabay hablot ng kamay niya para makalabas na kami ng secret room ko.

Tinakbo namin ang iilan sa mga pasikot-sikot na hallway dito at nang makalabas na kami nang tuluyan ay hindi ko namalayan na hawak ko pa rin pala ang kamay ni Lexi. Napatingin ako sa kanya. Humihingal-hingal pa siya dahil sa bilis ng pagtakbo namin. Pawis pa nga siya at medyo hinahabol yata ang paghinga niya. Kinuha ko naman ang face towel ko sa bulsa ko at pinunasan ang pawis ni Lexi.

"Pawis na pawis ka! Wala ka bang panyo?" tinanong ko sa kanya.

"Ah eh.. Di uso sa'kin ang panyo!" sinabi naman nito.

"Tsk tsk! Pasalamat ka at bestfriend mo 'ko. Palagi ako may dalang bimpo.." sinabi ko naman sa kanya.

"Eh di thank you po dahil bestfriend kita!" natawa naman ito sabay irap nang pabiro. Tumingin naman siya sa relo niya. "Eh?! Matagal pa pala time eh!!"

"Oo nga! Hahaha!" sinabi ko naman kay Lexi.

"Eh ba't mo 'ko hinila paalis eh, nagbabasa pa 'ko?! -.-" sabi naman nito na medyo naiinis.

"Wala lang! Hahahaha!" nang sinabi ko ito ay hinampas ako ni Lexi at parehas kaming natawa.

"Oh, anong gagawin natin ngayon?!" tanong naman ni Lexi sa'kin.

"Tara sa garden! Mag-usap tayo tungkol sa mga bagay-bagay.." sabi ko naman.

"Okaaaay!" hinila ko na naman si Lexi at tinakbo namin ang buong campus hanggang sa mapunta kami sa garden.

Umupo lang naman kami sa madamo na lupa nang pa- Indian seat. Magkatapat kaming dalawa ni Lexi. Hanggang ngayon, medyo pawis pa rin si Lexi at hinihingal ulit dahil nga tumakbo na naman kami. Let's just say na kapag naging kaibigan niyo 'ko, palagi kayong mapapagod dahil hindi ako sanay na nagste stay sa isang lugar lang. Halata naman di ba? Palagi akong wala sa secret place ko. So ayun.. Nag usap kaming dalawa ni Lexi.

"Oh, ano na pag uusapan natin?" tanong ni Lexi.

"Hmm.. Tanong ko lang.. Crush mo ba si Lance?" tinanong ko dito para magsimula ng isang topic.

"Ha?! Anung pinagsasabi mo? Hindi 'no! Loko ka ba? Ang weird kaya nung lalaking yun.."

"Pero bakit mo siya palaging sinusundan?" biglang napaseryoso ako nung tinanong ko yun.

"Eh? Di ko din alam eh. Bakit ko nga ba siya sinusundan?" tanong nito sa'kin.

"Hala?! Ba't sakin mo tinatanong 'yan? Dapat ikaw ang nakakaalam niyan!" sinabi ko naman sa kanya.

"Eh sa hindi ko alam eh. ><" napatingin si Lexi sa lapag at napatingin nang diretso sa mga mata ko. "Travis.. Pa'no mo ba malalaman kapag nagkakagusto ka na sa isang tao?"

"Ayooon! Naamin mo na rin na may gusto ka sa kanya!" pabiro naman na inasar ko kay Lexi.

"Ha?! H-Hindi ah! Napatanong lang ako IN GENERAL." sinabi ni Lexi na iginiit ang IN GENERAL.

"Well.. Palagi mo siya iniisip. Hindi ka makatingin nang diretso sa kanya. Mauutal-utal ka sa tuwing kausap mo siya o sa tuwing pinag uusapan siya. Ta's palagi kang lutang dahil sa kanya. At, kahit minsan nakakainis siya o kaya naman may iba siyang gusto, patuloy mo pa rin siyang ginugusto.." naging seryoso ako sa pagkakataong ito. "Parang ako sa'yo.."

"Ano?" tiningnan ko si Lexi na medyo confused.

"W-Wala! Joke lang! Hindi ka naman mabiro! Hehehe!" sinabi ko naman. FACEPALM. Ba't ko pa yun binawi? Bigla namang nagbell.

"Uy, bell na! Tara na!" napatayo na si Lexi at tatakbo na sana nang napalingon siya sa'kin at tinanguan ako para tumayo na din. Ngumiti naman ako at napatayo na din. Tumakbo na si Lexi pero napasteady ako for a moment sa kinatatayuan ko.

"Hayy.. Lexi. Kung alam mo lang.." napabuntong-hininga ako.

"...Gusto na kita." 

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon