Chapter Six

80 5 6
                                    

Nakakabagabag. Nakapagtataka. Meron nga talagang tinatago si Lance sa pagkatao niya. Pero paano ko kaya malalaman kung ano? Hmm. Di bale na nga. Sa kasalukuyan, naglalakad na ako pauwi. Sumakay lang ako sa bus at bumaba na ako nang malapit na ako sa bahay namin. Pang exercise din 'to. Nauna na ang mga kapatid ko pauwi kasi hindi kami magkaparehas ng oras ng uwian. Malapit na ako sa tapat ng gate namin nang mapansin ko ang itim na Montero Sports na kotse sa harap nito. Si Daddy. Nandito si Daddy. Biglang nagbalot ng kaba ang dibdib ko dahil sa pagkakaalam ko, ngayon din ang bisita ni Tito Michael--ang other one ni Mommy--sa amin. Biglang nakarinig ako ng sigaw mula sa loob ng bahay namin.

"TAMA NA!" sigurado akong si Mommy yun.

Napatakbo ako sa loob ng bahay namin at nabungad ko si Tito Michael at si Daddy na nagsasapukan ng mukha sa may garden. Para bang nasa sabungan kami ta's may dalawang manok na panabong at nilalaban pareho. Wooh! Go Daddy! Este.. Anong gagawin ko?! Nakita ko si Mommy na pinapatigil pa rin sila habang umiiyak pero walang effect. Kinuha ko ang SOS Whistle ko sa loob ng JanSport bag ko at umihip dito.

"PRRRRRRRRRRT!" tunog ng SOS Whistle.

Napatigil naman ang dalawang manok.. Este, dalawang lalaki sa pakikipagsapukan at napatingin sa akin. Napatingin din si Mommy sa akin na para bang gulat sa pagkapito ko. Hindi ko alam na alam kung ano ang dapat na susunod kong galaw. Bigla ko na lang napansin na napapatulo na ang mga luha galing sa mata ko. Nararamdaman ko ito sa pisngi ko. Napalapit naman si Daddy sa akin at yayakapin sana ako pero iniwasan ko siya.

"Anak.." sinabi niya nang mahina habang nirereach out niya ang kamay niya.

Napatingin ako dito habang umiiyak pa din ako. Umiling-iling ako at napatakbo ako. Tinawag ako ni Daddy. Hindi ako lumingon. Tinawag din ako ni Tito Michael. Hindi ako lumingon. At higit sa lahat, tinawag ako ni Mommy. Pero.. Kahit si Mommy, hindi ko nilingunan. Nang medyo mala-malayo na ako sa bahay namin ay napaupo muna ako at ibinaba ang bag ko sa lapag, sa tabi ng isang poste na may nakasulat na street. Matalino Street. Ang layo na pala ng narating ko? Kaya pala pagod na ako eh! Galing ba naman ako ng Marunong Street ta's umabot ako ng Matalino Street sa pagtakbo lang! Mga 5-10 minutes din yun ah! Nabawasan na kaya ako ng excess fats? Este! Saan ba ako papunta ngayon? Zzz. Nang tatayo na sana ako at babalik na sa bahay namin ay may nakita akong lalaking pamilyar na nakasakay sa bike. Si Travis ba yun?

"Travis!" napalingon siya at napakaway. Si Travis nga! Tumakbo naman ako papalapit sa kanya.

"Oh, Lexi? Tiga dito ka rin?" tanong niya sa akin.

"Oo pero medyo doon pa.." tinuro ko sa kanya ang medyo malayo na bahay namin. "Sa Marunong Street. Hehe."

"Ahh. Ako naman, dito. Dito mismo." tinuro niya ang bahay na nasa tabi lang namin.

"Woooowww.. Ang laki naman ng bahay ninyo! Sa inyo na lang kaya ako tumira?" pabiro kong sinabi sa kanya.

"Hahaha! Sige ba! Pero correction lang: Bahay ko. Hindi namin." sabi niya.

"Weh? Nakatira ka dito mag-isa?!" tanong ko naman. Swerte naman ng nilalang na ito.

"Oo! Sila Mommy at Daddy kasi, nasa Paranaque. Pinalipat ako dito para mas malapit ako sa school ko at sa trabaho ko."

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon