Travis's POV
Operation: Ayaing maging girlfriend si Tin is a go! Matapos namin mag usap ni Lexi tungkol sa dapat kong gawin para kay Tin ay agad kong sinimulan ang pagpaplano ko. Tinawagan ko na ang tito ni Lexi na si Tito Alfred para ipareserve ang top floor ng condominium unit na siya ang may-ari. Pinuntahan ko ang condominium unit na ito at tinawagan ko si Tita Jane--ang tita ko na party planner. Pinaayos ko sa kanya nang madalian ang top floor ng condo na ito. Hinanda ko na rin ang kakainin namin ni Tin (kinuha ko ang catering service ng pamilya ng isa sa mga kaklase ko sa school). Kapag hindi pa ako sasagutin ni Tin neto, ewan ko na lang kung ano ang mag wowork! Bigla namang tumawag si Lexi sa akin at kinamusta ang ginagawa ko.
"Okay naman ang lahat, Lexi. Everything is going as planned." sabi ko naman sa kanya.
"Hindi mo ba kailangan ng tulong ko? I'm free na. Nandito na kasi mga iba pang kamag-anak nila Lance. Sila na daw magbabantay." sabi naman ni Lexi sa akin.
"Actually.. Meron pang isang trabaho na vacant. Kung okay lang sa'yo." sabi ko sa kanya.
"Ano yun?" tanong niya sa akin.
Inexplain ko naman kay Lexi ang kailangan niyang gawin. Nung una ay tumanggi siya nang tumanggi dahil miski ako, ayoko gawin yon pero kasama sa sinabi niyang plano eh. Kailangan kong sundin. Ayan tuloy, siya yung nadamay! Hindi naglaon ay umagree na rin siya sa binigay kong task para sa kanya (bahay ni Kuya lang ang peg. May patask task pa). At pagsapit ng 8pm ay tinawagan ko si Tin.
"Hi, Tin!" sabi ko sa kanya na confident na confident.
"Oh, Travis?" sabi naman niya sa akin.
"Pwede ka ba tonight?" tanong ko.
"Oo naman, Travis. Saan ba tayo? Ice skating ulit?" tanong nito sa akin.
"Hindi. May pupuntahan lang tayo. Sandali lang. May gusto sana akong sabihin sa'yo."
"Ahh, okay. Sige. Mag aayos na ako." sabi niya sa akin.
"Sige. Sunduin kita ng 9:00pm sharp?"
"Okay."
"Okay, bye." binaba ko na ang cell phone ko.
Grabe. Nangangatog na ako sa kaba ko ngayon. Hindi ko alam kung handa na ba talaga ako o hindi. May something sa tiyan ko na parang pinupuno ako ng sobrang kaba. Oh dear, Lord.. Help me sa gagawin ko!
BINABASA MO ANG
I'm Your New Stalker
Ficção AdolescentePaglipat mo sa bagong eskwelahan, matatawag kang "new student". Pero paano kung maging "new stalker" ka na din?