Chapter Nine Point One

41 1 0
                                    

Wala pa tayo sa kalingkingan ng dapat ninyong malaman sa kung bakit ayokong ayoko sa b*tch's daughter na si Lexi na yan. Kaya sa pamamagitan ng pagkukwento at pagchichika ko sa inyo nito, malalaman niyo kung bakit. So, asan na ba ako sa kwento ko?

Ayun na nga. Umalis si Daddy at naiwan ako sa bahay. Pero sa totoo lang, sinundan ko si Daddy. Sinundan ko siya gamit ang bike ko na medyo nangangalawang na dahil sa tagal na di ko pa nagagamit. Kahit na hindi ko na sundan si Daddy, alam ko naman ang way papunta sa bahay ng other niya eh. Pero para may effect sa kwentong ito, sinundan ko pa din siya. Natunton ko si Daddy na tumigil na sa harap ng bahay ng other niya. May kotseng itim na nakapark sa harap nito. Hindi na ako lumapit pa at nanatili na lang ako sa tabi ng isang poste dito. Marunong Street. Same old poste.. Same old street. Pero kakaiba ang pangyayari..

"Siya ba? Is he the f*cking man that you replaced me for?!" nakarinig ako ng isang boses. Boses ng lalaki. Pero hindi si Daddy.

"Yes, he is! So what?!" nakarinig rin naman ako ng pagtumba ng isang nilalang. Pakiramdam ko, either sinampal o sinuntok nung isang lalaki yung babaeng nagsalita. I'm guessing na lang na yung babaeng nagsalita is yung another ni Daddy at yung lalaking nagsalita is the original husband of the other ni Daddy.

"Pare, wag naman sana tayo magsimula ng gulo dito.." narinig ko si Daddy magsalita.

"At ikaw pa talaga ang may ganang sabihin yan ah?! After all, ikaw rin naman ang nagsimula ng lahat ng gulong ito! If it wasn't for you, isang buong pamilya pa rin kami ng mga anak ko ngayon! Kung 'di dahil sa'yo.." nakarinig ako ng pagbagsak. DADDY! "..Hindi mapapalayo sa'kin ang mga anak ko. Lalong lalo na ang panganay kong si Lexi.." 

Boom panes! Gets niyo na ba yung situation? Kasi ako, gets na gets ko na talaga! Kung hindi niyo pa gets, eto ieexplain ko. Ang kinikilala ni Lexi na Tito Michael niya is my father. Kaya mainit at kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil inaagaw ng pamilya ni Lexi si Daddy from me.. And also, my mom! My mom may be dead but she lives within me. Alam kong hindi rin gugustuhin ni Mommy na mangaliwa si Daddy kaya ngayon pa lang, ayaw na ayaw ko na talaga kay Lexi na yan.. That b*tch's daughter.. That... That... SOON TO BE WHORE. Speaking of soon to be whore, here she comes. -___-

"TAMA NA!" narinig ko ulit yung other na magsalita.

Nakita ko namang kumukuha ng isang bagay si Lexi sa loob ng bag niya. Ano 'to? Hero? Coming to save the day? Pshh. Pabida much. Nakakainis lang..

"PRRRRRRRRRRT!" oh di ba? Pabida? Nagpito ba naman ng malakas dun sa SOS whistle ba yun? Ta's sabay takbo. Huwaw.

Ngayon, alam niyo na kung bakit ako naiinis kay Lexi? Very good. Mainis din sana kayo sa kanya ah. Please lang. Kailangan ko ng kakampi dito sa story na 'to. Dahil alam ko na iilan sa inyo ay may sariling karanasan sa mga ganitong bagay. Zzz.

"Lea..?" nakarinig naman ako ng boses sa likod ko.

"Oh, Angel? Nandito ka?" nagulat naman ako nang makita ko si Angel dito. Sa pagkakaalam ko, sa kabilang lupalop pa ang bahay nila ah? "Don't tell me.. Bibisitahin mo si Lexi?!"

"H-Ha?! Why on earth would I do that? At tsaka, hindi ko naman alam na dito siya nakatira ah. Dito nga ba siya nakatira?"

"Ugh, yes. Dun oh.." tinuro ko naman sa clueless kong bestfriend ang bahay ni Future Whore.  

"Ohh.."

"Bakit ka nga pala nandito?" tinanong ko sa kanya.

"Eh.. Nagbabike kasi ako. Napadpad lang naman ako dito and then, I saw you." sinabi niya sa akin. "Ikaw? Ba't ka nandito?"

"Ahh.. ehh.. Sinundan ko si Daddy."

"Nandito rin siya? Where?" tinuro ko naman kay Angel ang same bahay na itinuro ko kanina na ang siyang bahay nina Future Whore.

"Ohh.. Wait! Don't tell me na ang mom ni Lexi ang..?"

"Yes.." sinabi ko shortly. Ayoko na rin naman kasi patagalin pa. "If you'll excuse me.. Kailangan ko lang umalis."

Nagbike na ako pabalik sa bahay namin without coming near Daddy na hanggang ngayon siguro, kinakalaban pa rin ang father ni Le--Este! Future Whore. Pagkadating ko sa bahay ay kumuha lang naman ako ng baso mula sa cabinet namin at binuhusan ito ng tubig. Uminom ako mula dito at dumiretso sa sala para maupo at manuod ng TV. Nakita kong palabas na pala ang The Legal Wife. Jusmeo marimar! Right timing lang? -.- Bigla namang bumukas ang pinto at nakita ko si Daddy na medyo nanghihina at may black eye.

"Daddy! Anung nangyari po sa'yo?!" lumapit ako kay Daddy agad agad at tiningnan ang black eye nito. "Sino pong gumawa sa inyo nito?!" oo na. Galing kong umarte. Idol niyo na 'ko, 'no? Yiie.

 "W-Wala 'to, 'nak. Napasabak lang ang daddy.." sinabi naman nito.

"Daddyyy.." tiningnan ko si Daddy na awang awa at nanghihingi ng tamang kasagutan.

 "Shhh.." hinalikan ni Daddy ang noo ko at inakbayan ako nito. Hindi na ako umimik. Alam ko naman kung ano nangyari. Ayoko lang ipaalam sa'yo, Daddy.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon