Chapter Seven

56 3 0
                                    

Matapos naman ako inisin at pag intrigahan ni Travis, nag aya na itong umuwi. Sinuggest niya sa'kin na ihatid na niya ako pero sinabi ko sa kanya na wag na lang. Pero dahil mapilit siya ay hinatid pa din niya 'ko. Best friend ko daw siya at may responsibilidad daw siya sa'kin dahil siya rin naman daw nag aya sa akin na magpunta dito. Eh ano ba naman magagawa ko, di ba? Eh di umangkas na rin ako sa bike niya at hinatid niya ako pauwi. Pagkadating namin sa tapat ng gate ng bahay namin, nag babye na ako kay Travis at umuwi na din siya. Wala na ang sasakyang itim na kanina'y nakapark dito. Binuksan ko ang gate namin at sinigurong wala nang nagsasapukan sa loob. When the coast was clear, dumire-diretso na ako hanggang sa nadatnan ko si Mommy na nakatulalang nakaupo sa sala.

"Mommy?" sinubukan kong kunin ang atensyon niya pero ang simpleng pagtawag ko sa kanya ay hindi gumana para mapansin niya na dumating na ako.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Nakakita ako ng mga tuyong luha sa magkabilang pisngi niya. Pinunasan ko ito gamit ang panyo ko sa bulsa ko. Inakbayan ko siya at humalik sa pisngi niya habang hinahawi-hawi ko ang buhok niya. Yung itsura niya, parang ako nung bata pa ako. Nung nabigo ako sa isang competition na sinalihan ko. Muntik na akong hindi marecover nun pero buti na lang, nandun si Mommy na cinomfort ako. Ngayon, ako naman ang cocomfort sa kanya. But first, kailangan kong alamin kung ano ang nangyari kanina.

"Mommy..." pagkasabi ko nito ay napalingon siya sa akin. "Ano po ba ang nangyari kanina..?"

"Lexi.." napabuntong-hininga siya at medyo napa fake smile din siya.

Tinanggal naman niya ang pagkakaakbay ko at siya naman ang umakbay sa akin. Humalik siya sa noo ko at sumandal ako sa kanya. Naramdaman kong napabuntong-hininga ulit si Mommy at mas hinigpitan pa ang pagkakaakbay sa akin. Hinawi niya ang side bangs ko at inipit ito sa tenga ko. Napangiti naman ako. Hinalikan ulit niya ako pero sa pisngi naman.

"Ano na po..?" tinanong ko sa kanya since hindi pa niya sinasagot ang tanong ko.

"Wag mo nang intindihin yun, dear. Wala lang yun.." humalik ulit siya sa noo ko. Napabuntong hininga rin naman ako.

"Mommy.." tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. "Alam kong hindi wala lang ang nangyari po kanina. I should know too 'cause I'm old enough. At harap harapan kong nakitang nag aaway at nagbubugbugan sina Tito Michael at Daddy. Please, Mom.. Tell me."

"Shh.." humalik ulit siya sa noo ko at sinandal ko naman ulo ko sa balikat ni Mommy. Hayy. Alam ko namang hindi niya sasabihin kahit anung pilit gawin ko eh.

Maya-maya ay nagsapalaran na kami ni Mommy at pumunta muna ako sa kwarto ng dalawa kong kapatid. Bago ko pa man buksan ang pinto ay alam kong tulog na silang dalawa dahil sarado na ang ilaw sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi makaistorbo sa tulog nila nang biglang narinig ko na umiiyak yata si Nicole.

"Nicole..?" lumapit ako sa tabi ng kama ni Nicole. Tinanggal ko ang talukbong ng kumot niya. Bigla naman napaupo si Nicole at niyakap ako nito.

"Ate..." hirap na sinabi ni Nicole dahil umiiyak ito. "Why... Are... Bad things... Happening to.. Us?"

"No bad thing is happening to us.. Just.. Trust me. Everything is alright." hindi ko na pinahaba pa ang pagkakasabi ko kay Nicole kaparehas na rin ng ginawa sa akin ni Mommy. "Balik ka na lang sa tulog mo. I'm sure na inaantok ka na."

"Yeah, I am." sabi naman ni Nicole.

"Then go to sleep." hinalikan ko noo ni Nicole at paalis na sana ako pero hinigit ako nito papalapit ulit sa kanya.

"Tell me a story first." sinabi nito ng pa-demand. Hindi naman ako nakatanggi at nagsimula akong magkwento.

"May isang mabuting prinsesa na ipinagkait ng tadhana. Nawala siya sa kagubatan at nakakilala ng isang archer.."

"Archer? Parang si Katniss Everdeen?"

"Oo. Pero lalaki yung nakilala niya. Naging mabait naman yung lalaki sa kanya at unti-unting naging mag best friend sila ng mahal na prinsesa. Isang araw na naglakbay patungo sa ilog ang prinsesa para maghilamos ay nakabunggo siya ng isang masungit na troll. Isang troll na bato ang puso at hindi marunong magmahal. Siya ang nagmamay-ari ng ilog. Nakiusap naman ang mahal na prinsesa upang makapaghilamos sa ilog ng troll pero hindi siya pumayag. Inirapan na lang ng mahal na prinsesa ang troll na ito at bumalik na lang sa tahanan ng archer..." napatingin ako kay Nicole at napansin na nakatulog na ito. Hinalikan ko na lang ito sa noo at sinabi. "Sa susunod ko na lang itutuloy.. Mukhang inantok ka na kaagad, wala pa ako sa climax." 

Unti-unti ay umalis na ako sa loob ng kwarto nina Nicole at dumiretso na sa kwarto ko. Humiga ako sa bago kong kama at napatingin lang ako sa dingding. Hindi ko mapikit ang mga mata ko dahil sa mga pangyayaring naranasan ko ngayon. Simula sa pang aasar sa'kin ng puso't isip ko hanggang sa pagkwento ko kay Nicole na somehow related sa sarili kong kwento. Iniisip ko ang lahat nang ito hanggang sa puntong nakatulog na talaga ako.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon