Chapter Four

129 5 5
                                    

"Kamusta na? Mag sesecond sem na kami dito, kayo rin ba?" kausap ko ngayon sila Allie, Mel at si Jade sa Skype dito sa school habang break time. Iba na talaga nagagawa ng technology enhancement ngayon 'no? Kahit na one phone call away lang kami or one taxi away lang naman kami, nagagawa nilang kausapin ako with matching video. Pa'no kasi, libre sa Skype. Tss.

"Oo. Mag sesecond sem na nga rin kami." sabi ko naman sa kanila habang siksikan sila para magkasya sa video.

"Eh yung bruhang Chloie naman?" tinanong sa'kin ni Jade habang sumisiksik pa rin siya sa video dahil nasa medyo gilid siya.

"Ayun.. Bruha pa din. Araw araw, hell day dahil sa kanya. Zzz. Buti na nga lang, absent siya ngayon eh." oo, tama ang sinabi ko. Absent siya ngayon!!! Wooh! Party party tayong lahat with matching balloons and streamers! Nagkaroon daw kasi ng tigdas! WAHAHAHA! Matuluyan nawa siya! Yan ang tinatawag na karma!

"WOOH! ILABAS NA ANG LECHON!" sinabi naman ni Jade. Silang lahat naman, nagsisayawan at tawa lang ako ng tawa. Mukha kasi silang tanga! HAHAHA.

"Oy, guys! Alalahanin niyo, nasa school pa din ako! Makikita kayong sumasayaw nang ganyan sa Computer Center dito! HAHAHA." sabi ko naman habang nananakit na yung tiyan ko sa kakatawa sa kanila. Pinagtitingnan na nga ako ng mga tao dito sa kakatawa eh!!

"Osige! Nakakahiya nga naman. Psst oy! Time na namin! Pagkauwi na lang natin tsaka ulit tayo magchikahan!" sabi naman ni Mel.

"Okay, guys! Bye! I love you all! I miss you all!" sinabi ko sabay bigay sa kanila ng imaginary hug and kiss. "Aantabayanan ko yung lechon na ilalabas niyo ah!"

"Hahaha! Bye, Lexi! Ingat ka diyan!" sabay sabay nilang sinabi.

Sa tinagal-tagal ko ba naman dito sa school na 'to, miss ko pa rin mga besties ko?! Huhuhu. Maluluha na naman yata ako dito eh. Ayan na! Ayan na! Tutulo na ang luha ko! Oops! Wait lang! May naaaninag ako! May naaaninag akong shadow mula sa bintana dito sa Computer Center! Agad-agad akong lumabas at sinundan ang shadow na 'to. Oha! Pa- mystery effect na ako ngayon! Dati, drama seryes lang ang nais ko. Ngayon, pinepeg ko na rin ang mystery solving.

Sinundan ko ang shadow na ito sa isang unknown part ng Goodwill Academy. Ang dami kong pasikot-sikot na dinaanan bago makarating dun sa mismong lugar. Bakit ko nga ba sinundan ang shadow na ito? Malay ko din ba sa sarili ko? Basta naging interesado lang ako dun kasi parang binibigyan ako ng sign. Isang sign na tumutungo sa isang bagay na dapat kong malaman tungkol sa school na 'to. Agad agad kong nakita na bumukas yung isang pinto sa dulo ng isang hallway na dinaanan ko at possibly, dinaanan rin nung taong may-ari nung shadow. Palakad na sana ako nang hindi ko namalayan ay.. Nakaapak ako ng bubble gum. Jusko po. Kawawa naman yung sapatos ko. Hinarap ko yung ilalim ng sapatos ko sa mukha ko at sinandal ko ang sarili ko sa pader para hindi matumba. Sinusubukan kong tanggalin yung bubble gum sa ilalim ng sapatos ko. Lumalaban naman ang bubble gum na ito at ayaw magpatalo. Ayaw umalis sa ilalim ng sapatos ko!!! Grrr! Bakit ba ako pinaparusahan ng school na 'to?! T_T

Hindi nagtagal ay natanggal ko na rin ang Warrior Bubblegum na ito. Bad news nga lang, napatumba ako. Sa lakas ng impact ko sa lapag, pakiramdam ko, naistorbo ko yung shadow na sinusundan ko kanina. Haluhh. Lagot.

"Sino yan?!" sigaw naman ng isang lalaki mula sa may pintuan sa mahabang hallway na ito.

"MEOW! MEOW!" sabi ko naman sabay takbo ng mabilis papaalis sa misteryosong lugar na ito.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon