Lea's POV
Sa istoryang ito, hindi lang ang bida ang may karapatan para ipahayag ang sarili niyang karanasan. Paano naman ang mga helping characters at kontrabidas, right? Malay mo naman, makatulong kami sa pagpapaintindi sa inyo what this whole thing is all about, right? So ayun na nga. I'm Lea. Best friend ni Angel at ex-girlfriend ni Travis. Hindi ko na papahabain pa at magshe share ako sa'yo ng isang bahagi ng kwento ng buhay ko para mas maliwanagan kayo kung bakit ayaw ko kay Lexi na new student na yan! Roll playback!
"Daddy, saan ka na naman po ulit pupunta?" tinanong ko sa daddy ko.
Madalas na rin kasing palaging wala si Daddy at hindi ko alam kung saan nagpupupunta. Kung minsan, sinusubukan ko siyang sundan pero napapadpad lang naman ako sa karenderya sa tapat namin o di kaya sa mall dahil binibilan ako ng mga bagong gamit. Sa hindi niyo rin kasi alam, single-parent si Daddy. My mom died sa isang car accident when I was only four years old. Dad and I were lucky to survive. At ngayon, may phobia na ako na baka kapag umalis din si Daddy without me, tuluyang mangulila na ako. And I don't want that to happen!
"Just some place.." sinabi naman ni Daddy sa'kin.
"What place? To your.. Other one?" at sa hindi niyo rin alam, may girlfriend si Daddy. Yep! He's in a relationship with another woman na kasal rin naman sa ibang lalaki.
"Probably.. I'm gonna visit your soon-to-be half sisters.."
"You mean, step sisters?" cinorrect ko naman si Daddy.
"Yeah.." sinabi naman ni Daddy shortly.
Kinuha naman ni Daddy ang keys niya para sa motor niya at kinuha ang helmet niya na nakapatong sa mesa. Nakatayo lang ako dito at pinapanuod ang bawat galaw ni Daddy na para bang sa isang teleserye na kung saan, pampadagdag effect lang ang nanunuod sa background.
"I'll be back shortly.." sinabi niya sa akin bago lumabas ng pinto.
"Daddy!" napatawag ako sa kanya.
"Yeah..?"
"I love you.. And mom. You both. Always." sinabi ko naman na medyo pautal-utal. Napangiti naman si Daddy.
"I know.." sinabi ni Daddy sabay labas ng bahay at alis gamit ang motor niya.
BINABASA MO ANG
I'm Your New Stalker
Teen FictionPaglipat mo sa bagong eskwelahan, matatawag kang "new student". Pero paano kung maging "new stalker" ka na din?