Chapter Seventeen

55 1 0
                                    

Lexi's POV 

Pagkatapos namin kumain ni Travis sa Pho Hoa (which by the way, ang sarap ng pagkain!) ay nagbayad na si Travis at lumabas na kami dito. Medyo naging awkward na kasi ambiance sa loob nung restaurant kaya hindi kami nagtagal for a little more conversations. And also, nagkaroon ako ng weird feeling deep down inside of me. Just then, nag vibrate ang cell phone ko. Tiningnan ko ito at nakita ko na nagtext ang unknown number pero nagpakilala ito bilang si Lance. Kung paano niya nalaman number ko? Hindi ko rin alam. Maiksi lang naman ang text niya sa'kin: S.O.S.!!!!!!!! -Lance Oh, di ba? Maiksi lang pero pinakaba ako ng sobra. Ang alam ko kasi na ang ibig sabihin ng SOS ay kapag kinakailangan mo ng tulong in the most quick and possible way.

"Balik na tayo school. Kailangan ko na kunin yung bag ko ehh." sinabi ko kay Travis para agad-agad na kaming umalis.

"Osige." sinabi naman ni Travis nang walang angal.

Pagkadating namin sa school ay papalabas na ang iilan sa mga kaklase namin. Dumiretso ako sa locker ko habang sumunod lang si Travis sa akin. Kinuha ko ang bag ko sa loob ng locker ko at umalis na. Hindi na ako nagpaalam kay Travis. Kinuha ko ulit ang cell phone ko at tinawagan ko si Lance. Nakatatlong ring bago ito sinagot.

"Lance? Lance? Nasaan ka?" tinatanong ko.

"I need you.." sinabi naman niya. "Mommy, don't go! I need you!"

"Nasaan ka? Pupunta ako agad!" sinabi ko naman na medyo nagtataka sa nangyayari.

"AAAAAHHHHH!" narinig ko ang sigaw niya sa cell phone at sigaw niya sa nearest possible hallway.

"Hang on, Lance! Patakbo na ako diyan.." mas lalo ako kinabahan sa narinig kong pagsigaw niya. Ano ba ang nangyayari?! Hinanap ko kung saan nanggagaling ang sigaw at nakita ko na lang si Lance sa tapat ng SCC Office na mag-isa at nakahiga sa lapag.

"AAAAHHHHHHHH! MOMMYYYY!" biglang sigaw pa niya pagkadating ko.

"Lance!" nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya. Sinusubukan ko siyang itayo pero masyado siyang mabigat. "Lance, anong nangyayari sa'yo?!"

"Ayoko naaaa! Ayoko na, Mommy! Patigilin mo na yung sakit! Ayoko naaaa!" sinasabi nito habang umiiyak na siya sa kinahihigaan niya. Sinubukan ko ulit siyang iupo at nang magawa ko ito ay agad akong niyakap ni Lance.

"Lance, nandito lang ako.. Wag kang mag-alala.. Nandito lang ako. Shhh.. Wala na. Hindi na yan masakit. Shhh.." napatigil naman sa pag iyak si Lance at bumitaw sa pagyakap. "Dalhin kita sa clinic, gusto mo? O kaya sa ospital?"

"Mommy..?" tanong nito.

"Lance, di ako ang mommy mo. Tara na. Dalhin kita sa ospital." inakay ko si Lance patayo at nanghingi ng tulong sa mga teachers.

Dinala nila si Lance sa pinakamalapit na ospital habang ako, naghintay ako sa labas ng emergency room. Bigla akong kinabahan na hindi ko malaman. Anung nangyayari kay Lance? Bakit siya nagkakaganyan? May hindi pa ba ako alam sa mga kinuwento ni Miss Garcia? Kinakabahan tuloy ako. Baka kung ano na ang meron sa kanya. Feeling ko, nervous breakdown ito pero.. Bakit siya mag nenervous breakdown? Hayyy. Bigla ko naman nakita si Manong Guard.

I'm Your New StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon