Lexi's POV
Nang magkahiwalay na kami ni Travis at bumalik na ako sa classroom namin ay napaupo lang ako sabay simula ng pagbabasa ng The Fault in our Stars sa kung saan ako natapos kanina. Wala pa naman ang teacher namin kaya okay lang na magbasa ako dito. Pagkalipat ko naman ng mga iilan pang pages dahil sa mabilis na rin naman ako magbasa ay nakakita ako ng isang papel na nakatiklop na nakaipit dito. Mukhang ang papel na ito ay napilas lang sa isang maliit na notebook. Pakiramdam ko, galing ito sa notebook na sinusulatan ni Lance.
"I want to discover infinity within a number of days. -Lance Del Rosario" binasa ko nang malakas ang nakasulat dito.
Nang binasa ko ito ay nalaman ko kaagad kung ano ang gustong ipahiwatig nito. Sa hindi ko lang malaman na dahilan ay gusto kong matulungan si Lance sa problemang ikinahaharap niya na ito. He wants to discover infinity within a number of days. Somehow, I feel obligated to help him.. But at the same time, I'm willing to do it.
Makalipas ang 30 minutes ay wala pa rin ang teacher namin kaya nagsilabasan na kaming lahat ng kwarto. Napadaan ako sa bulletin board namin na may nakasulat na importanteng announcement:
"ATTENTION:
100 Days from now, we will have our YEARLY Prom!
Theme: Do You Believe in Magic?
Where: Diamond Hotel
Attire: Formal wear (Girls: Gown; Boys: Tuxedo)
Start preparing now! ;)
See you there!
-SCC Staff"
Binasa ko ito nang malakas at biglang napangiti nang malaki. Alam ko na! Within those 100 days, tutulungan ko si Lance na makaexperience ng infinity. Well, at least, yun yung gusto niya.
PUSO: Wooh! Parang ikaw, di mo gusto.. Gusto mo rin yan eh. Hihihi!
Manahimik ka.
PUSO: Sorry po.
Pinicturan ko gamit ang cell phone ko ang announcement na ito at agad-agad na pumunta sa library. Kasi sigurado akong nandoon si Lance. Pagkadating ko dito ay tama nga ang hinala ko. Nandoon nga si Lance at binabasa ang binigay kong libro sa kanya kahapon. Lumapit naman ako dito at medyo binagsak ng mahina ang cell phone ko na nakabukas pa rin sa picture na kinuha ko kanina about the 100 Days before ng prom.
"Ano na nama--" napatingin siya sa cell phone ko at kinuha ito mula sa akin. "Ano 'to?"
"Cell phone. Picture. Di ba halata?" kumunot naman noo ni Lance at pakiramdam ko, umuusok na ang tenga nito.
"Ano ba talaga 'to?! At bakit palagi mo na lang ako binabagabag? Azar ka ah!" sinabi 'to na naiinis na nga. Kinuha ko naman ang papel na nakita kong nakaipit sa librong hiniram ko at inabot sa kanya.
"Oh!" kinuha naman niya ito mula sa akin at napatingin sa akin ulit habang binabasa niya.
"Ano naman meron dito?!" tanong naman nito. Napairap naman ako sabay buntong-hininga.
"Sa tingin mo? Pinapakain ko sa'yo yan? Di naman, di ba?!" sinabi ko sarcastically.
"Tss! Nandito ka ba para mang-insulto, mang-inis o ano?!" tinanong nito habang mas lalong nag uusok pa rin ang tenga niya. "Kasi.. Marami pa akong mas importanteng gagawin kaysa makipag-usap sa'yo."
BINABASA MO ANG
I'm Your New Stalker
Novela JuvenilPaglipat mo sa bagong eskwelahan, matatawag kang "new student". Pero paano kung maging "new stalker" ka na din?