Travis's POV
"MAHAL KO SI LANCE, OKAY?" napatahimik ako ni Lexi. "S-Sorry.. Napasigaw ako."
"Sure ka na diyan?" tinanong ko sa kanya para makasigurado. Hindi ko na kasi alam ang susunod ko pang sasabihin dahil sa sobrang sakit ng puso ko. Buong stay kasi namin dito sa McDo, puro si Lance. Si Lance. Si Lance.
"Oo." sinagot niya sa akin. ARAY. DIRETSO TAMA SA PUSO KO.
"Okay." napatayo na lang ako. "Umm, una na ako ah. May importante lang akong gagawin. Sige."
"Sige. Ingat ka." tumalikod na ako at nagsimulang tumulo ang luha ko.
Dumiretso lang ako papaalis dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Kalalake kong tao, umiiyak ako dahil lang sa isang babae. Dahil lang sa minahal ko siya pero hindi niya ako mahal at may mahal pa siyang iba. Ang sakit. Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Lexi o hindi. I mean, sino ba naman ako para magalit, di ba? Isang HAMAK na BESTFRIEND lang naman ako. Ano naman karapatan ko? BESTFRIEND ko lang naman siya. Napatigil na lang ako sa paglalakad nang napagod na ako. Umupo ako sa isang bench dito sa park. Sinusubukan kong pawiin ang sarili kong mga luha pero patuloy pa rin ang pagtulo nito. Nang medyo tahan na ako nang konti ay naisipan ko na sanang umalis pero hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta.
"Kuya, may nakaupo ba dito?" tumingala ako at nakakita ako ng isang babae. Mahaba ang buhok, kumikinang ang mga mata at malakas ang dating ng ngiti. Mukhang kasing-edad ko lang.
"W-Wala." sinabi ko. Napaupo siya sa tabi ko.
"Umiiyak ka po ba?" tinanong niya ako habang nakatitig ako sa kanya.
"W-Wag ka na mag- p-po. Magkasing edad lang yata tayo." sabi ko sa kanya na medyo pinupunas-punas ko pa yung mga luha ko. Inabutan naman ako nitong babae ng panyo. Tinanggap ko ito. "Thank you."
"Ako nga pala si Cristin. Tin na lang, in short." ngitian niya ako at nagkamayan kaming dalawa.
"Travis. Travis Manalansang." sabi ko bilang pagpapakilala.
"Well, Travis Manalansang.. Bakit ka umiiyak?" tinanong niya sa akin.
"I fell in love with my bestfriend. But my bestfriend loves another. Now, I'm heartbroken." sinabi ko sa kanya na para bang matagal na niyang sinusubaybayan ang kwento ko.
"Well, people come and go in your life for a reason, right? Their either a happy memory or a lesson." sinabi niya. Napatingala naman ako sa kanya at nagkangitian kami.
"Aren't you something else?" sinabi ko sa kanya sarcastically. Natawa naman siya kasabay nito ang pagkinang ng mga mata niya. "Gusto mong manuod ng sine?"
"Kailan?" tinanong niya sa akin.
"Hindi ko alam. Kung kailan may magandang palabas?" sinabi ko sa kanya.
"Aren't you something else?" sinabi din niya sakin na halos kaparehas sa accent ng pagkasabi ko kanina. "How about ice skating na lang tayo?"
"Marunong ka?" tinanong ko.
"Nope. Turuan mo na lang ako." sinabi niya sa akin.
"At paano ka naman nakakasiguro na marunong ako? Hindi mo naman ako kilala?" sinabi ko naman sa kanya.
"Because I trust you. Also, nakikita ko sa bag mo na may keychain na nakalagay I Love Ice Skating." tinaasan niya ako ng kilay at natahimik ako. "And you say hindi kita kilala.."
"So, kailan ka pwede?" tinanong ko sa kanya.
"How about now?" sinabi niya sa akin.
"Now?" inulit ko ang sinabi niya.
"Yes, now! Let's go!" hinila naman niya ako at nag commute kami papuntang SM Megamall.
Pagkadating namin dito ay nag ice skating nga kami. At tama rin naman si Tin.. Marunong nga ako mag ice skating. Tinuruan ko siya at madali naman siyang natuto pero kahit na nakakalakad na siya ay ayaw niyang bumitaw sa akin kasi baka madulas daw siya.
"You told me you trust me, right?" sinabi ko kay Tin.
"Yes, but.."
"Trust me now. Let go.." sinabi ko sa kanya at unti-unti niyang binitawan ang mga kamay ko. Noong una, medyo nag doubt siya at muntik na siyang tumumba. Sinalo ko naman siya bago pa siya tuluyang matumba. "I told you.. Trust me. And trust in yourself too."
"Okay." sinabi niya. Binitawan ko na siya at bumitaw na din siya. This time, hindi na siya nahulog.
"Di ba?" sabi ko naman sa kanya in assurance. Nag eye roll naman siya. Hinila ko naman siya at dinala ko siya sa gitna ng rink. Sinayaw ko siya sa gitna ng maraming tao. Sa pansamantalang pagkakakilala ko sa kanya, napawi niya agad ang lungkot na dinanas ko kay Lexi. Eto na ba ang sinasabi nilang love at first sight? O baka naman hanap, usap, deal? OLX.ph?
BINABASA MO ANG
I'm Your New Stalker
Teen FictionPaglipat mo sa bagong eskwelahan, matatawag kang "new student". Pero paano kung maging "new stalker" ka na din?