Kabanata 1

19.4K 322 17
                                    

Kabanata 1

Ang init

“What? Bakit?!” bigla akong napaharap ulit sa pinto, “buksan niyo ‘tong pinto! Hindi niyo alam ang ginawa niyo!” Paano na lang kung malaman ni lolo ‘to? Na umalis akong bahay na hindi kasama ang bodyguards? God! Masisi na naman si mama. Napapikit ako at kumatok ng malakas. “Please…” humina ang katok ko. Hindi naman ako ang masisi kung hindi si mama. Siya ang sasabihing may pakana nito kahit hindi. Shit.

Biglang nanginig ang kamay ko nang maramdaman ang kamay niya sa balikat. Dinikit ko ang sarili ko sa pinto para maramdaman niyang ayoko ng hawak niya sa akin. “Stop now,” sabi niya. At inalis ang kamay sa balikat ko, “ganito lagi ang trip nina Newt at Conrad. Mamayang umaga na tayo makakaalis,” mahinahon niyang sabi. Bakit? Bakit hindi naman siya naaligaga ng ganito katulad ko?!

Naigting ang inis ko ng hindi man lang siya kumikilos na makalabas kami, “ba-bakit?!” napakagat ako ng labi nang maramdaman ang pagngatog nito sa inis. Napaharap na ako para makita siya ulit. Napalunok nang magtama ang mata namin. Agad akong napaiwas. God!

“Because this is their game,” aniya. Naramdaman niya sigurong ayaw ko ng presensya niya kaya siya lumayo sa akin ng kaunti. Napatitig ako sa likod niya nang tumalikod siya, “Newt and Conrad are assholes.” Bumaba taas ang balikat niya dahilan ng pagpako ko ng tingin sa likod niya.

Bakit ba ako napapatitig ng ganito? Hindi naman iba ang likod niya Scarlett! Bakit ka napaawang ng bibig sa likod niya na parang gusto mong hawakan?! God!

“Ba-bakit?” napapikit ako ng mariin. Narinig ko ang yabag niya. Mabuti na nga lang madilim dito sa kwarto at nagbibigay liwanag lang ‘yung lamp kasi kung maliwanag dito makikita niya ang mukha ko. Napabukas ako ng mata nang marinig ko ang tunog ng string na nanggagaling sa kama. Nakaupo na ‘yung lalaki sa kama. Tumingin ako sa paanan niya hanggang sa umakyat ang tingin ko sa mukha niya.

“Kasi gusto nilang may mangyari sa atin,” aniya at tinitigan ako. Napalunok ako nang pagmasdan niya ako at napalunok ulit nang titigan ko siya. Parang bumigat ang paghinga ko nang makita ko kung gaano kaganda ang mata niya…kung gaano nito titigan ang mukha ko.

Napaiwas ang mata ko sa titig niya at nakita ko ang maliliit ng buhok sa baba niya at sa paligid ng panga niya.

Pero teka? Anong sinabi niya? Mangyari? Anong may mangyari sa amin?!

“Ha?!” napaawang ang bibig ko ng ngayon ko lang nanguya ang sinabi niya sa akin. Napaatras ako at naramdaman ko ang malamig na pinto sa likod ko. “Ba-bakit?” nanginig ang pang-ibabang labi ko sa tanong ko. Bakit? Bakit?!

Napakapit ako sa door knob nang kumurba ang labi niya sa akin at naging isa itong ngisi, “i don’t know. Maybe because we have problem and they want us to have fun,” niluwagan niya ang polo niya pagkatapos niyang sabihin ito. Napalunok ako ng tanggalin pa niya ang isang butones nito. Na nagbigay pagkakataon sa akin para makita ang maliliit ng buhok niya sa taas ng dibdib niya. God! Scarlett! Bakit mo ba inoobserbahan itong lalaking ngayon mo lang nakita?! Tumigil ka! “ang init,” napangiwi siya nang sabihin ito. Napalaki ako ng mata nang tanggalin niya unti unti ang butones ng polo niya…lahat ng butones ng polo niya hanggang sa makita ko na ang dibdib niya. Naramdaman ko ang butil ng pawis ko sa noo na unti unting bumabagsak sa mukha ko. Unti unting bumagal ang paghinga ko noong parang nag slow mo siyang tumingin sa akin. At ngumisi. God!

Don’t tell me…gusto niyang may mangyari sa…amin?!

Napayakap ako sa sarili ko ng mahigpit. Inayos ko ang dress ko pababa. God! Nanginig na ang tuhod ko nang tumayo siya, “anong gagawin…mo?” napalunok ako sa huling salitang sinabi ko. ‘Yung pagtulo ng pawis sa likod ko unti unting bumabagsak. God! Ang init sa kwartong ito. Sinadya nilang maging mainit ang kwartong ito para mangyari ang gusto nila. Humanda talaga si Chico sa akin!

Namamawis na ang buong katawan ko sa init ng kwarto. At lalong pang namawis nang unti unti siyang maglakad papunta sa akin, “tek-teka…anong…ga-gawin mo?! Tumigil ka ano ba?!” Humigpit ang yakap ko sa katawan ko.

Tinitigan niya lang ako at pasikreto siyang ngumisi noong iiwas niya ang tingin sa akin. Nakalagay ang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya habang lumalakad papunta sa akin, “tumigil ka!” sumigaw na ako. Pero hindi pa rin siya humihinto sa paglakad. Napapikit ako noong malapit na siya sa akin, “hu-huwag…” God! Huwag niyang gawin ‘to! God!

Pero minuto ang lumipas, panyo ang lumapat sa pisngi ko. Napadilat ako at bumungad ang mukha niya sa akin, “pasensya ka na. Wala sigurong magawa ang dalawang ‘yun at nadamay ka pa,” napabuntong hininga siya at patuloy na pinupunasan ang  noo ko dahil sa pawis. Ramdam ko ang pag-awang ng bibig ko habang pinupunasan niya ako. Mali. Mali ang iniisip ko sa kanya, “ako na lang ang magpapaliwanang sa magulang mo kung bakit ka naumaga o kaya mag-iisip na lang tayo ng sasabihin mo sa kanila para hindi ka mapagalitan,” bigla kumabog ang dibdib ko sa ngiting binigay niya sa akin. Hindi ko mapakalma ang puso ko sa sobrang bilis. At hindi ko alam kung bakit, “here,” inalok niya ang panyo sa akin. Nanginginig ang kamay ko nang damputin ito sa kanya. Hindi naman ako makapagsalita sa kanya. Hindi ko alam kung bakit? Siguro’y dahil malapit siya sa akin?

Ha?! Scarlett?! Naririnig mo ba ang sarili mo?!

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa humarap siya sa kama, “ikaw na lang sa kama sa baba na lang ako,” tinignan niya ako over his shoulder. Damn, nakakainis na itong kaba ng puso ko sa kanya.

“O-okay,” sabi ko at pinunasan ang pawis ko.

Pumunta naman ‘yung lalaki sa kabilang side. Napalapit naman ako sa kama. Nang makahiga na siya sa baba ay humiga na ako sa kama. Agad akong nagtalukbong ng kumot pagkahiga ko.

“I’m not what you are thinking. Hindi ko naman magagawa ‘yung bagay na iyon. So sleep now, bukas na lang tayo mag-isip ng sasabihin mo,” sabi niya.

Why I have this feeling of being comfortable with him? God, no. He’s a stranger. Pero napapikit ako at naging komportable sa pagtulog.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon