Kabanata 26

10.8K 176 11
                                    

Kabanata 26

I’m not cool

 

Si Benj na ang kumalas sa hawak niya sa akin at kinuha na niya ang kamay ko. It was like I was walking in ages. Hindi ko alam pero parang ang tagal-tagal nung lakad namin hanggang sa makarating kami sa puting buhangin. Umupo agad si Benj. Ako nakatayo pa rin at niyakap ang sarili ko. Ngayon ramdam na ramdam ko ‘yung lamig at pinalilibutan ako. Nanginig na nga ang tuhod sa sobrang lamig.

“So?” sabi ni Benj. Napayakap pa ako ng mahigpit sa akin. Na saan na ba ‘yung sundress na suot ko? Napalibot ako at nandoon siya sa malayo. Nagkakaugat na nga ang paa ko rito dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Nagsalita lang si Benj dumoble na ang kaba ko! Paano pa kaya kung madami ng salita iyon?! Wala na siguro. “So Scar…” biglang tumingin si Benj sa akin. I blink. Ano namang gagawin ko? Ano namang pag-uusapan namin?

“Ba-bakit?” nanginig ng pang-ibabang labi ko. Saglit lang ‘to. Hindi ko namang ipapahalata na iiwasan ko siya. Tumayo naman siya at pinulot ‘yung puting damit niya. Napaatras ako ng lumapit sa akin.

“Here…” napalunok ako. Pinagmasdan ko lang ‘yung damit niya na inoffer sa akin, “…wear it,” kinuha ko naman agad ‘yung damit pero biglang dumestino ang mata ko sa kanya. I hold my breath when he swallowed and intently looked at me. Kita ko ang maliit na pag-awang ng bibig niya noong tinignan niya ako. Nayakap pa ako ng mas mahigpit sa katawan ko. O God. And I swear that he blushed. Hell! Ano ba ‘tong nakikita ko?! Namamalikmata lang naman ako. Sinuot ko na lang ‘yung damit niya sa akin.

I closed my eyes for a second when I smell his scent to me. Goodness! Ang bango-bango ng damit na suot ko! Amoy Benj!

“So?” ani ulit ni Benj. Grabe, ‘so’ siya ng ‘so’ kapag gusto niyang bigyan ko siya ng pansin. Benj has that quirky mouth that always curves into smile. Goodness! Napansin ko talaga ‘to?!

“So,” matamlay ko naman na sagot.

I blink when his lips turn into hardline. Sumeryoso na ang mukha niya at napaupo ulit siya sa buhangin, “you’re beautiful, Scar,” biglang kumabog ang dibdib ko, not for the beautiful word but for my nickname to him. I liked the way his says my name like a perfume that lingers around my system. I like it…no God, I love it. Gusto ko siya lang ang tatawag nito sa akin. Ayoko ng mayroon pa na tumawag sa ‘kin na Scar.

Pero mali. Mali siya. Maling mali.

“He-he. Salamat,” napaupo naman ako sa buhangin. Kapag ganito?! Hindi kaya napapansin ni Benj ‘yung epekto niya sa akin. That I feel awkward everytime when I’m with him!

Isang minuto siguro ‘yung lumipas at ingay lang ng alon ang bumalot sa aming dalawa. Ang tahimik. Sobrang nakakabingi sa katahimikan na mayroon ngayon. “May sasabihin ka ba?” ako na ang unang nagsalita kasi gusto ko ng umalis dito at magpahinga. At syempre iwasan siya. “Kasi…gabi na. Matutu—“

“We’re not okay,” bigla niyang sabi. Umiwas agad ako ng tingin. Oh God, napansin na niya hata?! Napansin na niya nga! Kailangan makapag-isip. Kailangan kumportable lang ako sa kanya.

“We are cool, right? We’re not just okay, we’re cool,” sana kumagat siya sa sinabi ko. At mapalagay siya na kumportable pa rin ako sa kanya. Damn, kumagat ka Benj.

Napabuntong hininga si Benj dahilan ng pagtingin ko sa kanya, “But I’m not cool—“ napaawang ako ng bibig. Siya naman pala! Siya naman pala hindi maayos at hindi ako, “—Not cool without you…without any attention coming from you. I’m not cool because you’re ignoring me,” wala na pakiramdam ko wala ng lalabas pang salita sa bibig ko dahil nanuyot na ang lalamunan ko at tuluyang lumamig na ang pakiramdam ko.

“Pero Benj—“

“Is this because I walked out during the photoshoot, Scar?” kalma pa rin si Benj pero hindi ko kaya ‘yung mapayapaang konprotasyon na ginagawa niya sa akin. Hindi naman ako ang may kasalanan nun dahil mali-mali ang ginagawa ko.

“Hindi. At hindi kita iniiwasan,” napalunok ako para makapagsalita pa pero hindi ko na hata kakayanin pa dahil sa titig niya, “we’re friends. We’re cool. Maayos tayo. Naging busy lang ako dahil may inaakikaso ako,” sabi ko pa. God, sorry po dahil nagsinungaling ako. Sorry.

“You’re lying, Scar.” Napapikit ako sa sinabi niya at sa pagbanggit niya ng pangalan ko. “Nakakausap ko si Chico at ang laging sinasabi niya wala ka namang ginagawa,” napabukas ako ng mata. O God! Hindi man lang ako ginatungan ng kahit ano ni Francisco?! Goodness!

“Did I say or do something wrong to you, Scar?” I looked at Benj. And he was too.

Wala naman Benj! Wala kang ginawa. Hindi mo kasi alam ang sitwasyon ko at ayokong madamay ka pa kung anong gulo ang mayroon ako sa buhay ko. Maybe, dumating ka lang sa buhay to make myself free for just a day…you’re just here temporarily. I like you and I don’t want it turn to something I’ll regret in my life.

Umiling ako. “Wala,” ‘yung titig niya parang alon na kanina tumatama sa buong katawan ko. At halos lunurin na ang pagkatao ko.

“Bakit ka umiiwas?” tanong niya. Hindi ko alam kung anong sagot sa tanong niya. Para siyang math problem na ang hirap-hirap sagutin sa tanang buhay ko. “Kay Bast, siya kinakausap mo pero ako? You always walked away,”

Nahalata niya talaga.  Nahalata ni Benj na iniiwasan ko talaga siya. Anong sasabihin ko?! Ito na ang pinakamaagandang planong nagawa ko para hindi na maulit ‘yung dati. Tama na. I’m done with bullshit. Tama na.

“We’re still friends, right Benj?” Iyan lang ang nasabi ko. Hindi ko talaga alam kung paano dudugtungan ‘yung sagot niya. Nakakagulo. Nakakasakit ng ulo.

Pero umiling lang si Benj sa akin. Hindi siya nagsalita ng isang minuto siguro kaya tumayo na ako. Tama na. Napaliwanag ko na ang sarili ko. This is enough. Nagpagpag na ako. “Sige Benj una—“

“You were with Sebastian and I hate the jealousy that ran into my system. I’m not selfish but God knows I was jealous. Kinausap mo siya. You smiled, laughed with him and put all your attention to him,” para na naman akong isda dahil sa pagbukas sara ng bibig ko. God, tama ba ang naririnig ko? Nanaginip ba ako?! Kung hindi, bakit napipi ako ngayon? Hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Pero nabulabog ang buong pagkatao ko nang tumayo na si Benj at lapitan ako, “I told you about my love that becomes tireless when I am whole. And now, I am the whole Benjamin Salazar because of you,” Wala na. Yung puso ko na lang ang naririnig ko ngayon at wala ng alon pang maingay sa paligid. Hinaplos ni Benj ang pisngi ko at hindi na ako makakilos. “What if I court you? Is it okay with you, Scar? Coz I’m not cool just being your friend,” hindi na ako sa makahinga sa mga sinasabi niya. Gusto kong ulitin niya para maintindihan ko pero wala, parang sirang plaka ito sa isip ko at paulit kong naririnig.

Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Hindi pwedeng hindi ako sumagot. Ano na? Sa ganito ba pwedeng maybe? Or yes or no lang? Mayroon sa akin gustong gusto ko ng umoo pero…mali. Maling mali dahil sa sitwasyon ko.

Pero anong sasabihin ko?

“Leigh!” Napatingin ako sa sumigaw sa pangalan ko.

Napatingin kami ni Benj. Si Yuan. Oh my God! Tumingin ulit ako kay Benj, “let me think,” O God! Ang kapal ng mukha kong sabihin ito sa kanya. May paisip isip pa ako?! Pero wala na akong magagawa at tumakbo na ako sa pwesto ni Yuan na hindi nililingon si Benj.

Let me think. Damn.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon