Kabanata 37

10.9K 162 13
                                    

Kabanata 37

Alam na niya

 

“Sige na. Please, Carmy ko please, last na ‘to!” Tinaas ko pa ang kanang kamay ko para makita ni Carmela na talagang nagsasabi ako ng totoo.

“Last?! Last?! Noong isang araw ginamit mo rin ang pangalan ko kay Yuan para makagimik ka tapos ngayon kailangan mo ulit?! Aba sumosobra na hata?!” Nanlaki ang mata ko nang umirap si Carmela sa akin. Grabe, ngayon ko lang nakitang inirapan ako nito. Sumosobra na ba talaga ako?

“Pero kasi…” napakagat ako ng isang daliri dahil hindi ko na alam kung anong idadahilan ko sa kanya ngayon. Hindi naman gimik ang gagawin ko ngayong araw. Inaya ako ni Benj lumabas. Plinano namin kung saan kami pupunta kaya pumayag na ako. Pero kailangan maging maingat kami. “Okay,” hindi na hata kami matutuloy ngayong araw. Okay lang kung ayaw ni Carmela na pagtakpan ulit ako sa kanila na nasa bahay na naman nila ako ngayong araw. “Sige na. Okay lang kung—“

“Argh! Kainis! Sige na nga!” nanlaki ang mata ko at agad na lumipad sa kanya ang katawan ko. “Sige na! Basta sasabihin ko lang na nasa amin ka!” kumalas ako ng yakap at nakita ko ang pagkagat labi ni Carmela sa pag-iisip. Tumango tango naman ako.

“Sige! Sige! Thank you so much, Carmy!” nginusuan niya ako sa sinabi ko.

“Ano pa bang magagawa ko?” nakapameywang niyang tanong.

I rub the back of my neck. “He-he.”

Nginusuan niya ulit ako ng masama ang tingin. “Oo na,”

“Thank you! Sabihin ko ‘to kay Chico!” kinindatan ko siya. Bigla naman siyang napaubo sa sinabi ko. “By the way, kamusta na pala—“ bigla akong napatigil nang akayin na niya ako palabas ng bahay nila.

“Ewan ko,” hindi ko siya matignan ng maayos dahil humaharang ang buhok sa mukha niya. “Sige na. Enjoy ka!” tumalikod na agad siya sa akin at nagmamadaling pumasok sa bahay. Nagkibit balikat na lang ako at nag-umpisang maglakad palabas ng kalyeng ito.

Ngayon, maghihintay ako ng taxi para makapunta sa pinag-usapan namin ni Benj. Sinabihan ko kasi siya na sa harap ng coffee shop kami magkita.  Wala naman sigurong may kilala sa amin doon. At saka busy ngayon ang tao sa bahay dahil sa kung saan. Ewan ko na lang sa mga kaibigan ni Benj kung madalas dito. At saka napag-usapan naman namin na hindi papahalata kung ano ang mayroon sa amin.

Pagkalabas ko na kalye ay saktong may dadaan na taxi. Agad kong pinara iyon at huminto naman sa tapat ko. Sinabi ko naman sa driver kung saan ako paroroon. At habang pabyahe biglang lumipad sa isip ko iyong pinag-usapan namin noong pumunta ako sa unit niya.

“I’m sorry. Nasira ang contacts ko and I can’t even hold my phone.” I told him that I texted him. . Na papunta na ako sa unit niya.  Nakatayo lang si Benj sa harap ko habang ako nakaupo sa sofa. “And Gorgina came. Sinabi ni Ericka na ASAP agad. So, I don’t know if someone send me a text message or what,” biglang minasahe ni Benj ang noo niya. Napapikit siya agad.

“Kaya nakalimutan mo na pupunta ako—“

“No. No. Of course, no, Scar.” Dumilat na siya at dumiretso sa akin ang titig niya. Napalunok ako. “I won’t forget any single detail about you—about us—anything about you, sweetheart. Alam ko pupunta kaya minadali ko na agad pero ,” para akong nawalan ng hangin sa sinabi niya. Parang kailangan ko ‘yung hangin na hinihingahan niya para makahinga ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at biglang lumuhod sa akin. “I’m sorry if you waited too long, Scar. I’m sorry.” Nakikiusap ang mata niya na halos sambahin na ako. Kaya nga hindi ko dapat pag-isipan ng masama si Benj about sa hindi niya pagsagot sa akin sa text o anu pa man. Kaya siya gumagamit ng glasses ngayon dahil nasira ang contacts niya. Kailangan niya magsuot ng glasses. Hindi ko lang alam kung paano ang ginawa niya noong kumukuha siya ng litrato ni Gorg.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon