Kabanata 14

12.7K 178 6
                                    

Kabanata 14

Asungot

 

Kahit wala akong lakas, hinatak ko pa rin si Benj hanggang sa makalayo kami sa dalawa kong pinsan. Napahilamos ako ng mukha bago ko siya tignan. Napatingin muna ako sa paligid at kita ko pa rin ang dalawa kong pinsan na nakangisi sa akin ngayon. God, ayoko talaga ng pinepressure ako sa ganito! Napapaamin tuloy ako.

“Benj…mali ‘yung pagkakarinig mo…na ganun nga…” I ran out of words. Napahilamos naman ulit ako. Hindi ako makatingin sa kanya. Nakakahiya. Kasi ako pa ang umamin. At hindi ko naman alam na nasa likod ko pala siya e! Nakakahiya! “’yung kanina wala lang…’yun—“ napalaki ako ng mata nang hawakan ni Benj ‘yung nanginginig kong kamay.

“Calm, it’s okay,” bigla akong napabuntong hininga nang maramdaman ang kamay niya sa akin.

“Hindi naman talaga gusto—“ dagdag ko pero napahinto ako nang magsalita siya ulit.

“Na hindi mo ako gusto? Na napilitan ka lang sa kanila na sabihin na gusto mo ako?” napatingin na ako kay Benj. Napaawang ako ng bibig dahil kumurba ang labi ni Benj na para mong pinipigilan lang niyang tumawa.

“Hindi!” napasigaw na ako. Napangiti na si Benj sa sagot ko. God! Scarlett, ikaw ang nagbibigay ng kahihiyan sa sarili mo. Napalunok ako nang maramdaman ang paghigpit ni Benj sa kamay ko. Nahihiya ako kasi namamawis ang palad ko sa kaba sa kanya. “Mali lang kasi dahil hindi ka paready. Mali, Benj. Ako…’yung mali,”  napalunot ng kilay si Benj sa sinabi ko.

“Paanong maling magkagusto, Scar? Tell me, bakit mali?” nawalan na ng lakas ‘yung kamay ko na bawiin sa kanya. Nawala na rin ako ng lakas na alisin ang tingin ko sa kanya.

“Kasi kapag nagkagusto, maaring maging masaya ka kasi pinili ka rin niya pero pwede ring maging sawi ka kasi hindi ka niya gusto…pero ngayon, ‘yung akin…mali. Kasi hindi mo ako gusto,” hindi ko alam kung ano ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin na sabihin ito.

“Did I tell that I don’t like you?” napaatras ako at kumalas na ako ng hawak sa kanya.

“Ha?”

Tumawa na lang si Benj sa reaksyon ko. “Let’s take it slowly. Gusto ko hindi ako ganito kawasak kapag nagmahal ulit. Unfair sa kanya kasi pagod ako. I want my love to be tireless again, Scar. ‘Yung kahit anong wasak ng iba hindi pa rin ako mapapagod para sa kanya,” titig na titig si Benj sa akin. Sinubukan kong lumunok pero hindi ko magawa kasi matatalo ako ng titig niya sa akin.

“He-he…ganon?” napapikit ako sa sagot ko. Nakakainis kasi hindi ko matumbasan ng kahit anong salita ‘yung sinabi niya. Ang awkward na bigyan ko ng kahit ano ‘yun. Kainis.

“Let’s just be friends first and we’ll never know,” napatunganga na lang ako sa kanya. Oh my God. Teka…teka…may sinasabi ba ‘tong si Benj?! “Sige una na ‘ko!” Benj waved at me. Pagkatapos ay tumalikod na siya. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Let’s just be friends first and we’ll never know

Oh my God! Umalingangaw ang mga salitang ito sa akin. God, we’ll never know! We’ll never know daw! Oh God! Napakagat na lang ako ng labi kaysa tumalon.

Handa na kaya ngayon si Benj? Na itry ‘yung bagay na nagpawasak sa kanya dati? Sa pinapakita niya kasi unti-unti na siyang bumabangon sa pagkakasira niya. Sana maging maayos na siya. Kasi alam kong kakayanin niya ‘yun.

Naglakad na ako pabalik sa mga pinsan ko. Agad nila akong sinalubong at ngiting ngiti. “Kunwari pa!” tinusok agad ako sa tagiliran. Inirapan ko naman.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon