Kabanata 6

14.9K 234 5
                                    

Kabanata 6

He’s here

 

Magkakaroon din ng oras ‘tong si Chico sa akin at makakaganti rin ako sa mga maling binibintang niya tungkol sa nararamdaman ko. Kasi ngayon kailangan kong maging sigurado sa lahat ng kinikilos ko at  nararamdaman ko.

Walang tao sa likod bahay kaya nagmamadali kaming pumasok. Pinauna na ako ni Chico para siya ang titingin sa likod. Mabuti na lang nasa loob hata ang buong kasambahay namin at kausap siguro si lolo o kaya ‘yung head maid.

Nang makapasok kaming loob ay naghiwalay na kami ng landas. Siya, pumunta sa kwarto niya. Ako naman sa kwarto ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto dahil baka nandito na si lolo sa kwarto. Mabuti na lang madilim ‘yung kwarto ko pagkabukas at ibig sabihin wala pa si lolo sa loob. Nakahinga ako ng maluwag. God.

Pumasok agad akong loob at binuksan ang ilaw.

“Oh my God! Scarlett!” napatayo bigla si Carmela at pumunta sa akin. “Akala ko mabubuko na ako kanina!” Yinakap niya ako at napaistatwa ako. God, mabuti na lang talaga nakauwi na kami. Bwisit na Francisco na ‘yan nagbiro pa kasi na lasing siya.

“Pasensya na, Carmela.” Kumalas na ako ng yakap. “Thank you talaga! Pagsabihan mo ‘yang bestfriend mo,” Binuksan ko ang pinto.

“Sige. Sige,” aniya at lumabas na ng kwarto ko. Hay, grabe akala ko mabubuko na ako na umaalis nang hindi nagpapaalam. Kumuha na ako ng damit pantulog sa cabinet para magpalit. Baka kasi biglang may kumatok at si lolo na talaga. Ewan ko ba kung bakit niya ako bibisitahin sa kwarto ko.

Nagbihis na ako at humiga na sa kama ko. Medyo nahihilo ang paningin ko dahil sa halo-halong inumin nainom ko ngayong gabi. Napapikit ako at saktong pagpikit ko ay may kumatok sa pinto. Napatayo agad ako.

“Scarlett,” si lolo. Kumabog ang dibdib ko sa nang marinig ang boses ni lolo. Nagmamadali akong binuksan ang pinto. “It’s Yuan’s birthday tomorrow. Buy him a gift or whatever you want. Dapat nasa Wong tayo bukas,” Hindi na nakuha ni lolo na pumasok sa kwarto ko. Pagkasabi niya nito ay naglakad na siya paalis sa pwesto niya. Naiwan naman si manang Linda na may hawak na kahon. Siya ‘yung head maid namin.

“Pinabibigay ni sir Yuan ma’am Scarlett,” inabot ni manang ang box sa akin. Pagkatapos ay yumuko na siya at naglakad na palayo. Napasarado ako ng pinto at binaba sa kama ‘yung kahon. God, ano na namang balak nitong si Yuan?

Napahilamos ako ng mukha at binaba ang kahon. God, iba na naman ang nararamdaman ko.  Bahala na kung anong mangyari sa birthday. Bahala na kasi haharapin ko na namang mag-isa iyon.

**

“Bakit kasi ang sikip-sikip ng dress na ‘to sa’yo?!” inis ni Lucy.

“Conscious kasi si Yuan sa katawan niya,” napairap naman ako sa sinabi ni Gaile.

“Sirain mo nga para hindi na ako makapunta,” untag ko at inalis ang kamay ni Gaile sa dress. “O ako na lang magsira?!” hinawakan ko na ang dress at napakagat ako ng labi sa inis.

“Leigh Scarlett!” sigaw nilang parehas ng aktong sisirain ko na ang dress ko.

“God! You’re 20 but still stubborn!” aniya Gaile at inalis ang hawak ko sa dress.

“Kahit anong gawin mo. Pupunta ka pa rin sa party ni Yuan. Ikaw nga lang gustong makita nun,” inismiran naman ako ni Lucy.

Mababaliw ako sa mga pinsang kong ito. Hindi ko alam kung panig ba sila sa akin o hindi e! Hindi ko alam kung gusto ba nila ako kay Yuan at ganito na lang sila kung makareact! Napasimangot ako sa kanila. “Ano bang gagawin ko para ayawan niya ako?!”

Bigla namang natawa sina Lucy at Gaile sa akin. “Wala!” sigaw nilang parehas.

“Patay na patay sa’yo yun!” natatawang sabi ni Lucy at nakipag-apir pa kay Gaile. Lalo akong napasimangot.

Ayoko na. Hihiga na sana ako sa kama pero bigla nila akong tinayo. “God, Scarlett! ‘Yung buhok mo!” naaligagang sabi ni Gaile. Hinatak na nila ako palabas ng kwarto. Napabuntong hininga ako nang hindi nila ako pakawalan sa hawak nila. Pero bigla silang napakalas nang makita ang tao sa sala.

Nakababa na kami at nasa sala na ang mga pinsan kong lalaki, si lolo at ang kambal ko. Grabe, talaga ‘tong mga kalahating chinese na mga pinsan kong lalaki. Si Cid lang ang nagpaghahalataang chinese dahil sa mata niya. Pero si Ezekiel at si James hindi. At ‘yung kambal ko rin. Ang gagwapo nila ngayon a. Pero mga bwisit pa rin sila.

Lumapit si Chico sa akin, “ganda. Kaya patay na patay sa’yo si Yuan e,” sasapakin ko na sana pero nakatingin pala si lolo sa akin. Sikreto ko na lang kinurot sa bewang. Kainis. Magsasalita sana si Chico pero hinatak ko na siya.

Pero nahinto ako nang makita ang kotse niya, “Hinatid ni Benj kaninang umaga,” biglang nanuyot ang lalamunan ko sa sinabi niya. “Tinanong ka nga niya,”

“Talaga?!”

“Naexcite ka naman?! Syempre hindi!” napayukom ako ng kamay. God, kahit kailan talaga. Hindi lang ako makabanat dahil nakatingin sa amin si lolo. At sasabay hata sa amin itong si lolo kaya hindi na talaga ako makakaganti sa kanya.

Magkakasabay sina Gaile, Ezekiel, at Cid. Sina James at Lucy naman doon sa isang kotse. Tapos kami nina ako, si Chico at si lolo. Pinatabi ako ni lolo sa tabi niya dahil may sasabihin siya sa akin. Syempre si Chico ang magda-drive. Yung mga tito at tita namin nauna na raw sa party. Si mama ko naman hindi pinasama ni lolo.

“Puntahan mo siya agad pagdating natin doon. Then give this gift to him,” may inabot namang maliit na kahon si lolo sa akin pagkasakay ko sa kotse. Minaneho naman agad ni Chico iyon at nakita kong sumulyap siya sa amin sandali.

“Opo,” sagot ko at kinuha ‘yung regalo.

Naging tahimik ang byahe namin dahil nga kasama namin si lolo. Nangingiti na lang ako kasi hindi makapagsalita si Chico. At hindi niya ako mabara. O ano ka ngayon?! Sinulyapan ko siya at nginisian. Pero tinaas niya lang ang kilay niya. Hindi pa rin nagpapatalo!

Iniwasan ko siya ng tingin. Napalunok naman ako ng umubo si lolo. God!

 Kalahating oras lang ang naging byahe at nasa Wong na kami. Wong Village. Biglang nagsulputan ang media sa bintana ng kotse namin. May nagbukas ng pinto at unang lumabas si lolo. Bago siya tuluyang maglakad papasok ay tinignan niya ako. Tumango ako dahil pinapapaalala niya lang ‘yung sinabi niya sa akin.

“Bigay mo raw,” aniya Chico at lumabas na ng kotse. Napairap ako at lumabas na rin ako ng kotse. Sumabay na ako kay Chico papasok. Pero hahakbang na sana ako at pupuntahin si Yuan pero…pero may nakita akong pamilyar na tao. Biglang akong naistatwa. Napakapit ako sa braso ni Chico nang mahigpit. Napatingin naman siya sa akin at napangisi.

“He’s here,” aniya Chico. At bigla akong nagtago sa likod ni Chico.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon