Kabanata 32

11.7K 181 8
                                    

Kabanata 32

I’ll be your comfort

 

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari iyon. Dalawang linggo na rin akong nasa presong ito. Dalawang linggong may bantay sa labas ng kwarto ko at sa likod ng bahay sa tapat ng bintana ko. Dalawang linggo na akong sakal na sakal sa nangyayari.

Kapag sinabi ni lolo na grounded ako, ang ibig sabihin: bawal akong lumabas ng kwarto, may bantay ako, bawal akong kausapin ng kahit sino maliban sa kanya at kay Yuan, at nasa kulungan ako.

Nalaman na niyang nakikipagkita daw ako kay Sebastian. Na pinipilit namin ni Sebastian na ibalik ang dating sa amin. Ang sarap sapakin ni Yuan para gawin itong hindi totoong kwento na ‘to! Pero hindi ko magawa dahil sinusubukan kong maging mabait sa kanya para mawala ito. Para hindi na ako grounded at mapakiusapan niya si lolo. I need to be close at Yuan. Gusto kong maging malaya ulit. Kasi gusto kong magsorry kay Benj at makausap si Sebastian.

“Leigh,” napatagilid ako sa pagkakahiga nang marinig ang nakakairitang boses na narinig ko sa buhay ko. Si Yuan. Siya, ang lahat sa kanya nakakainis. Pero kailangan kong maging mabait sa kanya. “Should you eat, please?” hindi na ako umarte at napaupo na ako. May dalang siyang pagkain para sa akin. Napairap ako ng sikreto.

Be nice to him, Scarlett!

“Salamat,” nilahad ko ang kamay ko sa kanya. Nagulat naman si Yuan sa ginawa ko. At dahil na rin siguro sa pekeng ngiting binigay ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko.

“You’re not mad at me?” nagtataka niyang tanong. Umiling ako sa kanya at kinain ‘yung dinala niya sa akin. Pinagmamasdan niya ako habang kumakain. I’m mad, Yuan…so mad at you. But I am using you right now. Gagamitin lang kita para makalaya ako ngayon. Para maayos ko ang gulong ginawa ko. “Okay ka na?” tumango ako habang ngumunguya. “Gusto mo bang kausapin ko ang lolo mo tungkol dito?” Damn, sabihin mo na.

“Ikaw,” napayuko at napakagat ng labi sa sinabi niya.

“Okay.  I’ll talk to your lolo,” napatayo si Yuan pero hinawakan ko ang kamay niya.

Napalunok ako sa sasabin ko sa kanya, “thank you,” ngumiti si Yuan na na nagpawala sa mata niya.

“Anything for you, Leigh.” Lumiyad siya at hinalikan ang pisngi ko. I blinked many times. Pero hindi ko siya sinigawan. Lumabas siya ng kwarto at ako, napahiga na lang. O damn, sorry Yuan.

**

Noong hapon ding iyon kinausap ako ni lolo na hindi na ako grounded. Bumalik ako sa kwarto ko na  wala nang nagbabantay sa tapat ng pinto ko. Sumilip din ako sa bintana para tignan kung may tao pero wala na. O God, thank you Yuan. Alam ko namang makikinig si lolo kay Yuan. Noong hapon din iyon ay nakalapit na ang mga pinsan ko sa akin. Nakapasok na rin sina Gaile at Lucy sa kwarto ko.

“Party?” bungad nila Gaile at Lucy sa akin pagkapasok. Napairap ako sa kanila.

“Sapak?” pinakita ko ang kamao ko sa kanila. “I need...Sebastian. I need to talk to him,” napayuko ako sa sinabi ko.  Pumunta naman sina Gaile sa pwesto ko.

“Leigh, hindi ba mali ‘yun? Huwag na. Text mo na lang o kaya tawagan mo. Huwag ka nang makipagkita,” suhestyon ni Lucy. Napatingin ako sa kanya. Wala akong phone. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin.

“Mas mabuti na ‘yun. O kaya kausapin mo na lang si Yuan na samahan ka para kausapin si Sebastian. Pero I don’t know…if you need to lie. Do you still you know love Sebastian?” napailing agad ako sa sinabi ni Gaile. Nag-aalangan pa siya noong sinabi ito dahil baka masaktan ako.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon