Kabanata 21

12K 188 12
                                    

Kabanata 21

First time

 

Nakatingin lang ako ng diretso kay Sebastian at siya rin sa akin. Lumapit sa kanya si Benj. And Benj gave Sebastian a manly hugged.

“Bast, welcome back!” Benj beamed at Sebastian. Napaawang na lang ako ng bibig. Not because I was alarmed of his comeback. Dahil sa nakikita ko kung paano ka-close si Sebastian kay Benj.

Paano nangyari ‘to? Paanong naging model na lang siya? Sebastian really looked good now. ‘Yung built ng katawan niya ngayon mas gumanda pa sa dati. Dalawang taon lang ang lumipas naging ganito siya. Wow, pagkatapos nang nangyari sa amin wala na akong naging balita sa kanya.

“How’s Hawaii?!” kumalas na ng yakap si Benj at tinanong ito kay Sebastian.

“Sexy girls, beach, and making out. Damn, Franco!” umiiling na sabi ni Sebastian habang nakatingin sa akin. I swallowed hard with his smirk.

But Benj playfully punched Sebastian at his arm, “sinong niloko mo?” natatawang tanong ni Benj. I looked away. “Kilala kita Bast!”

“Fine! Okay! Mag-isa lang ako,” Ramdam na ramdam ko ang tingin ni Sebastian sa akin pero hindi ko na lang siya pinansin.

“Alright!” ani Benj.

Ewan ko kung bakit hindi ako makatingin kay Sebastian ng maayos. Kay Benj din ganon. All my muscles were terrified with the presence of Sebastian and Benj infront of me. Napapikit na lang ako nang  may yabag na papalapit sa akin.

“Leighly…” I open my eyes immediately and Sebastian is now holding my hand, “nice to see you,” napalunok ako. Napatingin ako sa kanya at inirapan ko siya. Tumawa naman siya.

“Jerk,” I mumbled.

“I know,” lumapit ang mukha niya sa tenga ko, “how’s life without me?”

“Asshole,” bulong ko ulit. He was the one who dumped me. Tapos ngayon parang okay lang sa kanya ngayon? No hard feelings pero o God, kaya niya talaga akong tignan ng ganito? Pagkatapos kong malaman ‘yun sa kanya.

Nakakainit lang ng dugo. Dammit.

“I know,” binitawan na ni Sebastian ang kamay ko at tinitigan ako, “happy?” nakangisi niyang tanong.

“Douchebag,” I mumbled again. I stared at my shoes. Umatras naman si Sebastian sa akin.

Nakalimutan kong may tao pa pala sa paligid. And they saw how closed I was to Sebastian. They knew Sebastian. Wala silang alam tungkol sa amin ni Sebastian pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng isang ‘to? Maraming mangyayari kapag sinabi ni Sebastian na naging kami. Maraming tanong na susulpot kung bakit kami naghiwalay. Maaring isipin nila na dahil naghiwalay kami ay siyang pasok ni Sebastian sa mundo na ‘to. Maaari ring maungkat ‘yung kay Yuan, si lolo, at ang pamilya ko. Ang kasal ko. No, ayoko. Ayoko.

Tumingin na ako kay Sebastian. Nakangiti na siya sa akin pero sinamangutan ko siya. “I miss you, Leighly,” he mouthed to me. I glared at him.

“Anong mayroon?” Biglang pumagitna si Marco sa amin. Kumapit siya kay Sebastian. “Anong mayroon?” tanong niya ulit pero nakatingin siya kay Sebastian. Hindi naman siya pinansin nito at nakatingin lang siya sa akin. He was about to speak when Benj came.

Kumabog na ang dibdib ko na parang mong maaalis na ang puso ko. He’s going to ask. Magtatanong siya kung anong nangyayari! Kung bakit kilala ako ni Sebastian! Paano na?! Ano na?!

“Kilala mo si Scar, Bast?” tanong ni Benj. Napako na ang titig ko sa kanya at nanginig na ang kamay ko sa pagkakayukom. Hindi naman ako makatingin kay Sebastian dahil nakatitig na rin si Benj sa akin.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon