Kabanata 7

14.1K 228 16
                                    

Kabanata 7

I like him?

 

“Oh my God! Chico!” bigla kong hinatak ang kambal ko sa may gilid na walang gaanong tao at madilim. Napakapit ako sa damit niya at lumiyad liyad at tinignan ‘yung lalaking kumukuha ng litrato sa mga bisita. “Bakit ba kasi nandito ‘yan?” napatanong agad ako kay Chico. Alam ka niya? ‘Yung si Yuan?

“Trabaho hata ni Benj ‘to, Scar,” natatawang sabi ni Chico.

“Ha?!” napaawang ako ng bibig. Hinatak ko na siya palabas. At wala na akong pakelam kung sino man ang matamaan ko.

“Scarlett! Anong ginagawa mo?!” Babatukan ko na talaga ‘tong si Chico kung hindi pa siya titigil sa pagtawa.

“E di aalis?!” napairap ako. Huminto kami sa walang tao. Bakit ba kasi andaming bisita nitong si Yuan at kailangang ibroadcast pa niya ang birthday niya?! Si lolo nga noong nagpaparty mga close friends at mga business partners niya lang ang inimbitahan. Itong si Yuan na ‘to nag-imbita pa ng media…may photographer-photographer pang nalalaman! Letse siya!

“E bakit ka naman naaligaga, Leigh?!” Napasandal si Chico sa poste at nginisian ako.

“Aligaga? Hindi a!” sagot ko agad. Wala bang dadaan na kahit anong sasakyan dito at makasabay kami ni Chico palabas?!

“Jesus, Scarlett!” halos mawalan na ng hininga si Chico kakatawa sa akin at kakaturo sa mukha ko, “kilala kita. Natataranta ka kapag may gusto ka,” tinapik tapik pa niya ako sa balikat. “Remember?”

“Hindi a!” sinapak ko na sa panga. Bwisit. Nag-iimbento na naman siya. Napahawak naman si Chico sa panga niya at parang masakit hata ang ginawa ko sa kanya. “Sorry! Ikaw naman kasi!” lumapit ako sa kanya at tinignan ang mukha niya. Napangiwi siya nang hawakan ko ang baba niya.

“Don’t fool me, Scar. I know you,” inalis niya ang hawak ko sa kanya.

“Bahala ka! Basta! Wala lang ‘to!” I crossed my arms. Ano nang gagawin ko? Ayoko. Ayokong makita ni Benj ‘yung ito…si Yuan…lahat ng tungkol sa amin. At hindi ko alam kung bakit. “Alis na lang tayo. Punta tayo…kahit saan…kung saan mo gusto…sige na,” napakagat ako sa daliri ko. God! Di ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.

Napangisi si Chico sa sinabi ko, “your wish is my command,” Agad siyang tumakbo para kunin ang kotse niya. Nagtext naman ako kay Gaile na sumakit ang tyan ko at hindi ko kakayanin. Tinext ko na rin si Carmela na pumunta na sa kwarto ko. Pinasahan ko na rin siya ng recorded message ko kung sakaling kailanganin. Magkukulong lang kasi si Carmela sa kwarto ko.

Napuslit naman agad ni Chico ang kotse niya. Agad-agad akong pumasok sa kotse at minaneho naman agad ni Chico iyon.

“Wow! Ikaw na ngayon ang nag-aya!” napairap ako. Wala akong magagawa. Ayoko. Naiinis ako sa posibilidad na mangyayari kung nandoon man ako. “Mabuti na lang nasa Wine Lounge lang sina Newt at Conrad,” napatango ako. “Pero wala si Benj…Scar? Paano na ‘yan?” kung hindi lang siya nagmamaneho baka nabatukan ko na ‘to.

“Wala akong pake,” sabi ko at iniwasan siya ng tingin.

“Common, Scar. Ganitong ganito ka kay Sebastian—“

“Shut up!” hindi ko siya tinignan at napapikit na lang ako. Pinakalma ko ang sarili ko at hindi pinansin si Chico. Sebastian was a mistake…a trouble…a jerk.

Wala pa hatang kalahating oras ay nakarating na kami sa Wine Lounge. Maliit lang siya at siguro accommodated lang ng mga 20 na tao. Una na akong bumaba kay Chico kasi naiinis ako sa kanya.

Hindi ko na pinansin ‘yung dalawang nagbabantay at pumasok na ako sa loob. Namangha ang mata ko sa nakita kong ayos nitong Wine Lounge. Para lang siyang living room dahil sa mga couches nito. No waiters at ‘yung mga tao ang bahala sa inumin nila. Pero may bartender doon sa counter. Pumunta agad ako roon at kinuha ‘yung inumin. Agad kong nilagok at napalaki ako ng mata dahil…ang init niya sa lalamunan. Hindi ko alam pero ginugusto na ng katawan ko ang inumin dito.

Nanindig balahibo naman ako nang may humapit sa bewang ko at dinala ako sa dance floor. “Newt!” Napalunok ako nang alalayan ako ni Newt na sumayaw kasabay niya. Napairap ako at inalis ang hawak niya sa akin.

“Not me. Please,”

“Common, Scarlett! A dance can do!” aniya Newt at lumaki ang ngisi niya.

“No for a perv,” sabi ko at umupo na sa isa sa mga couch dito. Sumunod naman si Newt sa akin.

“Nadadalas ka hata sa pagsama kay Chico,” napatingin naman ako sa katabi ko. Si Conrad.

“Of course, for escaping,” napairap ako nang dumating si Chico at tumabi sa akin. May hawak na siyang beer at nilagok niya iyon habang tinitignan ako.

“Not for seeing me?” tanong naman ni Newt. “Akala ko , ako na ang pinupunta mo,” napahalakhak si Newt pero tinignan ko siya ng masama at natigil siya sa pagtawa. “Gustong gusto ko ‘yung mga babaeng mahilig sa pag-irap at masyadong iritable. Girls, good in bed.” parang masusuka ako sa sinabi ni Newt.

“Ako naman gustong gusto kong dumadapo ang kamay ko sa mga manyak. At walang tigil na sapakin sa mukha,” tinignan ko siya ng masama at napalunok si Newt.

“Nice one, Scarlett!” biglang napatawa si Conrad at Chico. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi nun kasi biglang lumakas ‘yung music.

Bigla namang umalis si Newt sa pwesto namin at pumunta sa isang babae. Napaiwas ako ng tingin nang maglampungan na sila sa gilid. Sina Conrad at Chico naman ay pumunta sa dance floor. Biglang naglapitan ang mga babae sa kanila at napaiwas na ako ng tingin.

Napasandal ako sa couch.  Napapikit ako para matukoy ko sa sarili ko kung bakit na lang ganito ako makaasta. Ganito rin si Chico sa akin noon kay Sebastian. Ganito niya ako inaasar kay Sebastian at sobrang nakakairita si Chico. Pero ngayon mas nakakairita siya.

Napadilat ako ng mata nang may tumabi sa akin. “You don’t need to deny it, Scar. You like Benj,” nanuyot ang lalamunan ko. Nandito na naman si Chico at mang-aasar sa akin. Pipilitin ko sanang magsalita pero naunahan niya ako. “The way you looked at him, Scar. Ganito ka rin kay Sebastian noon,” lalong nanuyot ang lalamunan ko. Gusto kong lumunok pero hindi ko magawa.

“Pero…” I ran out of words.

“But Benj is different. A loyal one. A good guy. A right guy,” napaawang ako ng bibig sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita. Maybe…maybe I like him? Maybe not? Or I don’t know?

Na-focus bigla ang tingin ni Chico sa pinto. Para bang slow mo akong tumingin sa tinignan ng kambal ko. Napalaki ako ng mata sa pumasok na tao rito.

“And now, he’s here,” aniya Chico.

Napatalon ako nang biglang nagdiretso ang tingin ni Benj sa amin. Lumakad siya papunta sa amin. At hindi ko…alam kung bakit naghuhurimentado ang puso ko. Umupo siya sa tabi ko at para akong naistatwa sa kinauupuan ko.

Benj is sitting beside me. Damn.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon