Kabanata 19

12K 172 6
                                    

Kabanata 19

How I wish

 

Wala man lang tanong-tanong na hinatak ako nila Gaile at Lucy para pumunta ulit sa shop. Wala akong nagawa kung hindi sumama dahil gusto nilang makita ‘yung design ng gowns. Ang hindi ko lang makuha ay bakit kailangan pa akong sumama sa kanila? E gowns naman nila iyon? At wala kaming kasamang bodyguards ngayon? Himala hata?!

Hindi na ako nakipagtalo dahil antok na antok ako at wala ako sa mood para sa kanila. Hindi ako nakatulog kagabi ng maayos dahil sa sinabi ni Maggie sa akin. Tama siya, may nabago kay Benj. Naging maayos na siya. Unti-unti nagiging buo na ulit siya kahit hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila ni AJ. Pero masaya ako dahil maayos na pala siya.

“Tara na!” tinapik naman ako ni Lucy. Nakababa na pala si Gaile ngayon.

“Baki—“ hinatak na ako palabas ni Lucy. Muntik na akong masubsob sa hatak na iyon buti na lang sa kanya ako kumapit. Bigla na lang tumakbo si Lucy sa loob ng shop nang makaayos ako ng tayo. O God, masasampal ko talaga ang babaeng ‘yun!

Okay, Scarlett kalma. Inhale! Exhale. Kumalma ka may sira lang talaga sa ulo ‘yang pinsan mo na ‘yan. Ikaw na lang umintindi.

Naglakad na ako papuntang shop pero biglang nahagip ko ng mata ko ‘yung katabing shop. Aba? Anong ginagawa ni Conrad sa tapat ng shop na ‘yun? Naninigarilyo siya at malalim ang iniisip. Napatingin naman ako sa shop.

Ericka’s

Ericka’s? Hindi ko na makita ‘yung susunod. Hindi ko makita ‘yung pangalan ng shop basta may Ericka’s. Naningkit ang mata ko at pinagmasdan ko lang si Conrad para mapansin niya ako pero iba ang nakapansin sa akin.

“Benj…” I muttered. He smiled at me and waved his hand. Bigla akong naistatwa at napaiwas sa kanya. Papatakbo na sana siya pero ako na lang ang pumunta sa pwesto nila. Napapikit ako nang makaalis agad.

I’ll text Gaile about this. I know Benj will ask me. Na ano ang ginagawa ko na naman sa shop ng mga gowns? Na baka tanungin niya ako kung ikakasal na ba ako? No. Syempre hindi. I don’t want him to know about this stupid wedding.

Napabuntong hininga ako, “hi,” I smiled at them. Tumango lang si Conrad sa akin at pumasok na sa shop. Si Benj naman nakatitig lang sa akin.

“So…” bigla akong napanguso kasi hindi ko alam kung bakit ako ang unang nagsalita.

“Thank you,” napanguso din si Benj. Bigla akong napahawak sa shirt ko pero hindi naman ako makaiwas ng tingin kasi gusto ‘yung atensyong binibigay niya sa akin, “about yesterday. My grasshopper was so happy, Maggie my baby sister,”

Mabuti na lang pwedeng umiling kasi nakakabigay ‘yung tingin niya, “You are very welcome, Benj,” Hindi mo alam sa iyo masaya si Maggie dahil nagiging okay ka na. Siguro, kitang kita ni Maggie ‘yung pagbabagong nangyari sa kanya. Sa wasak na Benj naging buo na siya ulit.

“She likes you,” napangiti ako sa kanya “so much. Gusto nga niyang makabonding ka minsan,” aniya.

“Sure…soon,” sagot ko agad kahit walang kasigaraduhan. Lumawak ang ngiti niya at nagbigay dahilan na makita ko ang isang dimple niyang hindi naman malalim. Everything about him glows with that freaking genuine smile. She loves Maggie so much. Na handa niyang gawin ang lahat para rito.

“I’ll tell her,” napatango ako. Then there is silence. He just stares at me. And i am too. He opens his mouth but closes immediately. His lips curve into a smile that melts me everytime. God, this is what I like about him.

“So…” napabuntong hininga ako para hindi madala sa kanya. Ako na ang naunang nagsalita.

“So…” napabuntong hininga rin siya at ginaya ang ekspresyon ko. I gave him a dirty look. He laughed and patted my head, “kidding. Honestly, you’re the only girl who looked at me that way. I liked the way you give all your attention to me and anything else about the world is just a crap,” I felt the rush of blood going to my face. Para akong isdang bubukas ang bibig pero wala namang sasabihin, “I like it…no…God, I love it.” pagpapatuloy niya at napapikit ng mata. Umiwas siya ng tingin sa akin. At nakita kong kung paanong magblush si Benj. God, I’m terrified. Hindi ko alam kung paano na…kung anong gagawin ko. He was just approaching me. He just liked my manner and nothing all. No more other meanings. He is your friend. This is Benj. Ganito siya makitungo. Honest lang si Benj. Ganito talaga siya. Walang ibang kahulugan!

“Ganun? May ganyan ka na?” I tried to be casual but my lips were shaking.

“Yeah, I love it,” His eyes glow again with the statement.

How I wish I can be his girl. How I wish I can chase him. How I wish I can choose. How I wish he liked me the way I liked him. How I wish we have the same feelings. The likes turn to something. To something I want in my dream…right now. Slowly, the like becomes something to me.

But this is not fantasy; I live in reality where I’ll be with Yuan soon… a reality that will turns to a nightmare forever. So I need to stop. I need to stop. I really, really need to ignore this…something. Kasi mali. Kasi bawal. Kasi masama. Kasi…soon magiging masakit para sa akin.

Bumuntong hininga ako. From now on, hindi ko na kailangang laliman ‘to. I care to him because he is a friend. I don’t need to cross the line. Everything now, about me is right. Hindi ko na kailangang maliin ‘yung bagay na dapat.

Benj is a friend. Hopefully, a forever friend to me.

Sana hanggang doon lang.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon