Kabanata 9

15.5K 223 26
                                    

Kabanata 9

Bagay kayo

 

Mabuti na lang bumalik si Chico kasi hindi ko na alam ang gagwin at sasabihin pagkatapos kong marinig kay Benj iyon. Bakit…bakit niya sa ‘kin sinabi ‘to?!

Napatayo ako bigla nang dumating si Chico. ‘Yung tingin ni Benj parang nagsasabing sabihan ko siya ng kahit ano…na bigyan ko siya ng comfort…pero ayoko…kasi pakiramdam ko…unti-unti akong bibigay.

“Chico…” agad akong napakapit sa braso niya. Umiling ako para makuha niya ang gusto ko. Napatango naman siya at kinuha ang phone niya. Pagkatapos ay tinignan si Benj. Nakakatakot tignan si Benj dahil parang naungkat ‘yung sakit na nararamdaman niya.

“Mauna na kami,” aniya Chico at tinapik sa balikat si Benj. Hindi na ako tumingin kay Benj at nagdiresto na palabas. Agad kong hinanap ang kotse ni Chico at sumakay roon. Napapikit ako. No, I won’t fall. No, I just like him…because he’s a good guy. Oo paghanga lang ‘to.

“What happened?” agad na tanong ni Chico pagkapasok niya ng kotse.

“Huwag mong ipilit ang gusto mo. Ayoko,” napadilat ako at tinitigan siya.

“Pero mabait siya at loyal,” aniya Chico at pinaadar ang kotse.

“Oo nga. Pero wasak na wasak siya ngayon,”

“So fix him,”

“I can’t. But shut up,” nanahimik naman si Chico at naging tahimik ang byahe namin pauwi sa bahay. Bakit sa akin sinabi ni Benj iyon? Dahil ba may nakikita siya sa akin na kaparehas nung minahal niya? Kitang kita ko sa kanya ‘yung pagkawasak ng pagkatao niya dahil sa babaeng nagngangalang AJ.

Siguro dumating na ako sa punto na paghanga sa kanya dahil iba si Benj sa mga lalaking nakilala ko. Mabait siya. Gentleman at iba sa lahat dahil sa pinapakita niyang asal. Hindi siya katulad nila Newt, Conrad o ni Chico man dahil parang seryoso siyang tao. Damang dama ko naman kung paano niya sinabi ‘yung mga salitang sinabi niya sa akin. Na may sinseridad at katotohanan. Pero…ayoko namang dumating sa punto na…mahulog talaga ako sa kanya. Ayoko.

“We’re here. Ikaw na bahala. Sabi ni Carmela, nagpapalamig pa raw si lolo kaya pumunta ka na sa kwarto mo,” hindi ko napansing nasa tapat na pala kami ng bahay. Pinagbuksan ako ni Chico ng pinto ng kotse. Lumabas naman ako at sumunod sa kanya sa likod bahay. Dahan-dahan kaming umakyat sa sarisarili naming kwarto at sa bintana na kami dumaan. Pero bago kami pumasok sa bintana ng mga kotse namin ay nagsalita pa si Chico. “Call me immediately. Okay? Kapag  may nangyaring hindi maganda,” napalunok ako pero tumango sa kanya.

“Okay,” at pumasok na ako sa bintana. Nang makapasok ako ng kwarto ko ay pawis na pawis na humarap si Carmela sa akin.

“Shit! Scarlett mabuti naman. God, muntik na! Muntik na!” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at parang naluluha na nang sinasabi ito. “Sige na! Alis na ko!”

“Salamat,” ani ko. Pumunta naman si Carms sa bintana. “Good luck, Scar,” ngumiti siya at dumaan na sa bintana. Napabuntong hininga ako nang mapahiga sa kama ko. Pakiramdam ko ito na ang pinakanakakapagod na araw na nangyari sa buhay ko.

Mabuti na lang hindi nabuko si Carmela. Pero ano namang sasabihin ko kay lolo kung bakit bigla akong nawala? Tapos nalaman ko pa kay Benj na kinansela ‘yung party ni Yuan? Na siguro ako ang dahilan kung bakit? Napahilamos ako ng mukha sa problemang ginawa ko. God, Scarlett!

Tumayo na ako at nagbihis na ng pambahay. My goodness, Scarlett! Natitiyak kong sinisisi na naman ni lolo si mama sa nangyari. O ano?! Ano nang sasabihin ko? Bakit bigla akong nawala?! Napahiga ako sa kama at napatakip ng unan. Grabe, ka kasi Scarlett! Grabe ka!

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon