Kabanata 11

13.1K 198 12
                                    

Kabanata 11

Can’t be a rebound

 

Bigla na lang akong nagising dahil para mong kumirot ang ulo ko sa sakit. Napaupo ako pero nakapikit pa rin at humiga sa kama. Teka…bakit ang lambot ng kama ko ngayon? Pero pinilit ko pa rin ang sarili kong matulog at nagkumot pa talaga ako. Ang bango-bango at parang gusto ko lang matulog nang maghapon dito sa kwarto ko. Infairness, naiba ang amoy ng kwarto ko. Kakaiba ‘yung amoy na parang pabangong panlalaki ‘yung naamoy ko ngayon. Napatagilid pa ako at niyakap ko pa ‘yung unan.

Sinubukan ko ulit matulog pero kumirot na naman ang ulo ko kaya napaupo ako. Dinilat ko na ang mata ko pero parang gusto ko lang magtago sa kumot dahil nakikita ko ngayon! Wala ako sa kwarto ko! Bigla ko tuloy chineck ang damit ko kung nabago at kung may kumikirot ba sa akin. Mabuti na lang at wala naman. Napabuntong hininga ako at napakalma ko ang sarili ko.

Kalma Scarlett. Kalma.

Pero imbes na kumalma pa ako ay hindi ko na nakayanan ‘yung pumasok dito sa kwarto. “Benj!” bigla akong napatayo.

“Gising ka na pala,” lumapit si Benj sa akin kaya napaatras ako. Bigla kong naalala ‘yung nangyari kahapon. Mula sa pagpunta namin sa open area, ‘yung sinabi ko sa kanya at…a! Napapikit ako kasi naalala kong nawalan ako ng malay dahil sa ininom kong alak na ang lakas pala ng tama. Kaya pala parang kumikirot ang ulo ko. God! Ano na naman ba itong balak mo, Scarett?! ‘Yung sinabi mo…’yung sinabi mo kay Benj nung sinalo ka niya…’yung maling sinabi mo!

“I like you…Benj. I can be a rebound. I really really like….you,”

Umalingawngaw ang mga sinabi ko sa kanya. Napalunok ako nang idilat ko ang mata ko. At nakita siya agad. May hawak na paper bag si Benj.

“Masakit ba ang ulo mo?” tanong niya. Napaatras ako nang lumapit pa ulit siya sa akin. Saktong pagsabi niya ay kumirot talaga ang ulo ko. “Take this. Kukuha lang ako ng tubig,” may binigay siya sa akin na parang gamot. Nakabalik naman agad si Benj at inabot sa akin ‘yung tubig. “Go take, para mawala sakit ng ulo mo,” tumango na ako.

Ininom ko na ‘yung gamot. Pero bakit?...bakit? parang wala namang reaksyon si Benj ngayon sa akin? ‘yung sinabi ko?!

Baka naman guni-guni ko lang ‘yung sinabi ko sa kanya? Baka naman naghahallucinate lang ako? At hindi naman nangyari ‘yung talaga?

Ginala ko na lang ang paningin ko sa paligid. Bigla akong napatingin sa orasan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang oras!

It’s freaking 9:30 in the morning? What the hell?! At nandito ako sa unit ni Benj?! Nakitang kita ko ‘yung Quezon City dahil glass window siya?! God! Paano na? Ano nang gagawin ko?! ‘Yung paliwanag ko…lahat-lahat nang nangyari? Paano na?!

Bigla akong napaupo sa kama at napahilamos ng mukha, “sunduin ka raw ni Chico mamaya. May tinext daw siya sa’yo?” umupo sa tabi ko si Benj. At parang naramdaman niya ‘yung pagiging aligaga ko. Tinignan ko naman agad ‘yung text ni Chico.

From Francisco:

Don’t worry, papuntang NYC si lolo.  Enjoy at its finest, Leigh. :P Sunduin na lang kita ng mga anong oras ba?

Nanginig ang kamay ko sa sinabi niya. Pinakalma ko ang sarili ko kasi katabi ko lang si Benj. Mabuti na lang talaga nasa New York ngayon si lolo dahil alam ko malalagot ako ng tuluyan. Pero ang kinabwisit ko ‘yung oras na susunduin niya ako.

To Francisco:

NGAYON NA !!!!!

Nagreply agad ako. Naghintay ako ng sagot niya pero hindi naman siya nagrereply. Naririndi na talaga ako kay Chico. Pinagpipilitan niya ‘to! Kainis. E sa mali nga ‘tong gusto niya!

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon