Kabanata 24

11.9K 181 12
                                    

Kabanata 24

Grecia, San Mateo


Mga ala singko lang hata ng umaga gising na ako dahil sa pagpasok nila Lucy and Gaile sa kwarto ko. Ginising nila ako pero nakahiga lang ako sa kama ko habang kinukuha 'yung gamit ko para ilagay na sa van. May sinabi sila hindi ko naman naintindihan kasi inantok na naman ako.

Okay, 5 minutes muna. Sagli—"Leigh! Gising na! 6 tayo aalis! Dalian mo na!" binato sa akin ni Gaile 'yung damit na susuotin ko papuntang San Mateo. Napatayo naman ako dahil sa sakit ng zipper na tumama sa mukha. Kakainit ng ulo talaga ang dalawang 'yun. No choice na ako pumuntang banyo para maligo. Pagkatapos ay sinuot ko na 'yung short shorts at hanging blouse na binigay ni Lucy sa akin. Napairap ako sa iksi ng shorts na binigay ng pinsan ko. Pagkalabas ko ng banyo ay bumungad sa kama ko 'yung sandals na susuotin ko.

Bumaba na ako pagkaayos ko sa sarili ko. Wala ng tao sa sala kaya napalabas na ako ng bahay. Nakaready na 'yung van na sasakyan namin.

"Buti naman lumabas ka na?!" angal ni Gaile. Nasa labas na silang lahat. Tatlong babae lang kami ngayon. Wala hata 'yung iba. Sina Cid, Zeke, James at si 'yung kambal ko 'yung mga lalaking kasama namin ngayon. Pito lang kami—

"Na-late lang naman ng gising si Leigh Scarlett," napairap ako sa nagsalita. Di bali walo pala kami kasama pa 'tong si Yuan.

"O Yuan ikaw pala," ani Lucy at nginisian ako. Pumunta siya kay Yuan at kumapit sa braso nito. Nasusuka ako sa shades niya...ni Yuan para matakpan ang singkit niyang mata sa araw. O goodness, "tabi raw kayo ni Leigh, Yuan," tinignan ulit ako ni Lucy at tumawa na siya. Napayukom ako ng kamay at tinignan ko na ng masama si Lucy. Humanda talaga 'yung babaeng 'yan sa akin.

"Okay lang, Leigh. Tabi na tayo," napalaki ako ng mata kay Yuan. Teka nga ako ba ang nagdemand sa kanya?! Inirapan ko na siya at pumasok na ako sa loob ng van. Hindi ko alam kung maeenjoy ko talaga ang bakasyon na 'to dahil kay Yuan o kaya sa mga baliw mong pinsan.

Narinig ko pang humalakhak sila bago pumasok na rin sa van. Noong pumasok sila ay nagtulug-tulugan na ako. Pumwesto ako sa gilid at katabi ko ang bag ko. Atleast may bag na pagitan sa amin ni Yuan. Napadilat lang ako ng mata nang may kumalabit sa akin.

"You, okay?" tanong ni Chico. Tinanguan ko siya, "gusto mo rito?" inalok niya ang pwesto niya. Sa passenger seat. Umiling na lang ako.

"Hindi, okay lang. Pahiram na lang ng unan," sabi ko. Binigyan naman niya ako ng pa-U na unan. Itutulog ko na lang 'yung buong byahe papuntang San Mateo. Mga tatlong oras daw ang byahe at pinakamatagal na ang limang oras. Nakadepende daw kung traffic o may inaayos na daan. Yan 'yung sabi nila pero nagkibit balikat lang ako noong mga oras na iyon.

Nakita ko si Yuan na naghahandang magsalita pero tumagilid na lang ako. Bahala siya. Wala ako sa mood. At wala akong pasensya ngayong araw. Pinikit ko na lang ang mata ko at pinilit ang sarili kong matulog

Pero hindi naman ako makatulog sa daldal ng mga pinsan ko. Si Yuan nga hindi na ako pinakelaman pero 'yung bunganga ng mga pinsan ko ang nakakairita. Tinignan ko sila isa-isa ng masama pero iniwasan lang nila ako. Tumahimik naman ang naramdaman ko ang pagbigat ng mata ko. And I fell asleep.

**

May hangin na dumadating sa mukha ko. Napatagilid ako pero pinikit ko pa rin ang mata ko sa antok. Naramdaman ko na ang sakit sa likod at pwet dahil sa byaheng ito. May dumating ulit hangin sa mukha ko at napadilat ako ng mata. Napasigaw ako sa mukha na malapit sa akin at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na masampal siya.

"Judas!" sigaw ko at tinulak pa siya.  "Yuan! Ano ba?!" balak akong halikan ni Yuan at mabuti na lang naalis ko agad siya sa akin. Nagising naman ang mga pinsan ko. May sinasabi sila pero si Chico ang tinignan ko.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon