Kabanata 10

15.1K 199 12
                                    

Kabanata 10

Rebound

 

Napakagat ako ng daliri sa naisip ko. Sinabi ko na sa sarili ko na gusto ko si Benj. I like him.  Dahil mabait siya. Dahil gentleman siya. Dahil iba siya. Hindi ko man siya kilala pero nararamdaman kong maayos talaga ang ugali. At napapalagay ako roon. God, anong nangyayari sa akin?

Pero mali…basta mali. Mali kung patuloy akong mahuhulog dahil alam kong mali. Mali tungkol sa kanya at mali tungkol sa akin. At saka walang kasigaraduhan kung pwede. Paghanga lang naman, anong mali doon? Kung hanggang doon lang naman?

Napalakad na ako palabas at pinuntahan ‘yung kotse. Agad na sumalubong si Yuan sa akin.

“Wala ka namang bag na dala,” nakasimangot na sabi ni Yuan.

Kunwari nagulat ako sa sinabi niya, “talaga?! Akala ko meron?” umirap ako ng sikreto sa kanya at pumasok na ng kotse. Aligaga namang pumasok si Yuan at tumabi sa akin. Napasandal at napapikit ako.

Utang na loob Yuan, huwag ka munang mangulit. Naguguluhan ako.

“Scarlett ulitin natin ‘to next week o kaya bukas,” bigla akong napadilat at humarap sa kanya. Napakagat ako ng labi sa inis ko sa narinig sa kanya. Kung sana ikaw si ano!

“Ha?!” inismiran ko siya at natawa lang siya sa akin.

“Talaga? Bukas?!” para bang wala siyang narinig at hindi niya nakita na nagtataray ako sa kanya. Oo pwede kong kalimutan ‘yung sinabi ni lolo sa akin na ayusin ko ang pakikisama rito kay Yuan dahil baka masapak ko na ang mata niya at mawalan siya ng mata ng tuluyan.

“Hindi. Pagod ako,” ilang beses na akong kumakalma rito kay Yuan. Sumagot lang ‘to ngayon makakalimutan ko na ang salitang kalma. Mabuti na lang at hindi sumagot si Yuan. Nanahimik na lang siya hanggang sa makauwi ako sa bahay.

Unang bumaba si Yuan ng kotse. Sumunod lang ako sa kanya. Hinatid pa niya ako hanggang sa makapasok ng bahay. Pero bago pumasok ay binigay ko sa kanya ‘yung regalong binigay ni lolo sa akin at ibigay ko raw kay Yuan.

“Thank you! Next week! Hindi rin pala ako pwede bukas dahil may meeting sa company. Pero Scarlett, thank you!” Bigla akong napaatras nang halikan niya ako sa pisngi. Napahawak ako sa pisngi ko at napatulala kay Yuan. I blinked many times as I composed myself.

Gagawa na sana ako ng reaksyon pero biglang may nagsalita. “You guys are sweet!” napatingin ako roon. Tita Nicole. Mama ni Jezel. Nakauwi na siya galing New York? Kaya ba nakauwi na rin si Jezel? Bigla siyang lumapit kay Yuan at hinalikan ito sa pisngi. “Kailan ba ang kasal?” tanong niya kay Yuan. Napalunok ako. No, tita is evil like her daughter.

Napakamot ng ulo si Yuan. “Wala pa pong date,” aniya Yuan at niyakap si tita Nicole.

“Ganon ba? My daughter Jezel will be the maid of honor. Right, Scarlett?” napataas ng kilay si tita Nicole sa akin para mapa-oo ako. Hindi naman ako kinakausap nito. Kakausapin man ako, paparinig at hindi diretsahan.

“O-opo…” ani ko.

“Pagpaplanuhan na lang po namin ni Scarlett,” napalapit si Yuan sa akin at naramdaman ang paghalik niya sa ulo ko. Napapikit ako sa pagkakakulong kong iyon. Ganito ba talaga? Na lagi na lang akong oo? At tatango sa kanila?

“O, okay!” aniya tita Nicole at ngumiti sa amin.

Bigla naman akong hinarap ni Yuan sa kanya. “Alis na ko, bye. I love you,” hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Bigla akong napakalas kasi baka kung saan pa mapunta iyon.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon