Kabanata 42

8.6K 156 3
                                    

Kabanata 42

Safe

 

Helpless.

Wala akong magawa para makaalis sa kwartong ‘to. Hindi ko alam kung paano o kung ano ang gagawin ko rito. Kahit anong katok ko sa pinto parang wala namang nakakarinig. Kahit anong iyak ang gawin ko walang pumapansin. At kung makabalibag na ako ng gamit dito para wala lang sa kanila.

Balak ko ng sa bintana dumaan pero hindi ko makuhang buksan ito. At pagtingin ko sa baba may mga bodyguards na nakabantay. I don’t know what to do. Lahat na hata ng paraan naisip ko pero hindi umubra. Ilang oras na akong palakad lakad pero wala pa ring nangyayari. Halos mamanhid na ang mukha ko sa sobrang iyak. Sumasakit na ang mata ko at gusto ko ng pumikit sa sobrang pagod. Pero kapag napipikit ako nakikita ko ang imahe ni mama, ni Chico, at ni Benj.  Baka kung anong gawin ni lolo kay mama o kaya kay Chico. At paano na lang kung malaman ni lolo ‘yung kay Benj? Natatakot ako. Sobra, hindi ko alam. Kahit na si Newt ang nakita ni lolo natatakot din ako para sa kanya. Ayokong madamay sila rito. Ayoko.

Napahilamos na lang ako ng mukha. Binagsak ko ng sadya ang katawan ko sa kama. “Ano ng gagawin ko?” Pakiramdam ko nakatali ang buong katawan ko kahit wala naman. Damn everything. Damn the world. Damn it! Please stop being so unfair to me.  Please. Please.

Papikit na sana ako nang bumukas ang pinto. Napaupo agad ako nang makita siya. “Lo,”

“Sorry I’m not sorry, my granddaughter,” Lolo straightens. Nakatitig lang siya sa akin habang hindi ko siya binibigyan ng kahit anong emosyon. My hands ball into fist. Nag-iigting ang inis ko kapag nakikita ko siya at sa mga ginagawa niya sa amin. I hate him. At hindi ko alam kung paano ko mababago sa sistema ko ang inis na mayroon ako sa kanya. “Behave, Leigh. I just need you to behave and my plan will work well,” umiwas na ako ng tingin sa kanya. Ayoko siyang sagutin. Ayoko siyang bigyan ng walang karespetuhang sagot. “So, good night,” and I just heard the door closed and he’s gone.

Napahiga na lang ulit ako. And I fell asleep.

**

“Leigh,” may marahan na kamay ang humahaplos sa braso ko. Am I dreaming? Someone’s in my room right now? “Leigh, kuya’s here.” Awtomatikong bumakas ang mata ko sa narinig ko. Hindi ko na napigilang yakapin si Francisco. “It’s okay. It’s okay,” Chico rubs my back while I’m hugging him. God, thank you. He’s safe. My brother’s safe.

Kumalas si Chico sa akin at pinunasan ang pisngi ko. “I need you to calm and we’ll escape. Okay?” napatango ako sa sinabi ni Chico. Agad kong inalis ang mga posibilidad na naiisip ko. Na maaring mahuli kami ni lolo. Na maaring hindi kami makaalis. Hindi kasi makakatulong ‘to. At sobra lang akong mag-aalala. Kaya ngayon, ang iniisip ko makakatakas kami ni Chico. I don’t need to question him. Kung bakit siya nandito at kung paano siya nakapasok. I don’t need to. But I’m worried about our mother.

“Mama?” I said.

“She’s okay. You don’t need to worry,” said Chico and stood up. Napatayo na rin ako at inayos ko ang sarili ko. Napapikit ako nang maramdaman ang hangin na nanggagaling sa bintana ko. Galing si Chico sa bintana ko. Inakyat niya ako para lang dito. God, I love my brother.

I nod to him. Chico offers his hand to me. Kinuha ko agad. We both smile. Finally, I’m going to be safe. But I don’t know where we’re going. Hindi ko alam pero handa akong mapunta sa kawalan makaalis lang ako sa bahay na ‘to.

“Thank you,” ani ko. Chico pats my head.

“Anything for you, Leigh.”

Marahan akong tinulak ni Chico sa harap niya. Napatingin ako sa bintana. Walang tao sa baba. Walang bodyguards kaya makakaalis ako. Hindi ko alam kung anong ginawa ng kapatid ko mawala lang ang bodyguard sa baba.

Umabante na ako at tinaas ang paa ko. May hagdan na nakasandal at kinapa ng paa koi yon. Hindi naman naging mahirap sa akin at pagbaba mula sa bintana. Maingat at walang tunog akong bumaba. Kasunod ko lang si Chico. Patingin-tingin din ako sa paligid kung may tao. Mabuti na lang wala.

Hinintay ko si Chico na makababa bago ako kumilos.  Agad niyang kinuha ang kamay ko at tumakbo kami palabas ng mansion. Nakahanda na ang kotse sa labas ng mansion. Binitawan ni Chico ang kamay ko at pinagbuksan ng pinto ng kotse. Bago pumasok tinignan ko ang paligid. Nakakabingi ang katahimikan na mayroon ngayon. Pero gusto ko ng makaalis dito.

Pumasok na ako sa kotse. Pagkapasok ni Chico ay pinaandar niya agad ang kotse. Mabilis ang takbo ng kotse kasing bilis ng tibok ng puso ko. Kasing bilis din nito ang pag-alis namin. Walang nagsasalita sa amin. I look at Chico. His jaw tightens. Mahigpit din ang paghawak niya sa manubela. At naka-focus siya sa daan.

Lord, kayo na pong bahala. Everything’s in your plan. I don’t need to worry.

I closed my eyes when I said this prayer. God wants me to stay strong. Gusto niyang maging matagtag ako rito sa kung anong kinahaharap ko ngayon. I need to do this. I need to.

Sa pagpikit ko hindi ko napansing huminto ang kotse. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Chico sa balikat ko. “Go now. He’s waiting,” He’s waiting. He’s waiting. He’s waiting.

Biglang nawala lahat ng iniisip ko at itong linya na ‘to ang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko. Naghihintay siya. Naghihintay siya. And the only person I could think of is him. Napatango ako sa kapatid ko at niyakap siya ng mahigpit. “Thank you. Mag-ingat kayo. Please. Please,” my hug tightens when I said these words.

“I will Leigh. I will. Go now,” kumalas si Chico ng yakap sa akin. Binigyan ko siya ng isang tingin at bumaba na sa kotse. Humihip ang hangin sa paglabas ko. Madilim at madaling araw na. Hindi ko alam kung anong oras na. Nanginig agad ang katawan ko sa paglibot ng hangin sa akin. At mula sa pwesto ko may naaninag akong tao na papatakbo sa akin.

“Leigh!” she shouted. Napatungo siya agad sa akin at hingal na hingal na humarap sa akin. “Glad you’re safe!” Yinakap niya agad ako. “Akala ko kung ano nang nangyari!” mahigpit ang yakap ni Maggie sa akin. Napapikit ako sa yakap niyang iyon. Damn. Damn.

“Thank you,” ani ko. Kumalas si Maggie ng hawak sa akin.

“Go! He’s waiting,” ngumiti siya sa akin. Tinulak ako ni Maggie ng marahan. “Go,” she whispered. And I walk.

Naglakad ako hanggang sa makita ko ang condominium. Naglakad ako hanggang sa naaninag ko siya sa. Naglakad ako nang makita ko siyang nakasandal sa pader. Naglakad ako hanggang sa tumakbo na ako. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang paa ko. Hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Hanggang sa wala na akong maramdaman.

Yinakap ko siya agad nang makarating ako sa pwesto niya. Binuhat niya ako. And I wrap my legs on his. Hanggang sa hindi na ako makahinga at binaon ko na lang ang mukha ko sa leeg niya. I feel safe. I feel freedom. I feel Benj.

“It’s okay, I’m here,” hinigpitan niya ang yakap sa akin. Ramdam ko ang malakas na bisig ni Benj sa akin habang buhat-buhat niya ako. Nangingig ang tuhod kong nakayakap sa bewang niya. Nanginginig ang buong katawan ko. Ayoko nang umalis sa kanya. Ayoko ng bumaba mula sa yakap niya…mula sa buhat niya. “You’re safe, Scar. I’m here,” his low voice calms me. I feel his kiss on my hair.

And I’m safe.

 

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon