Kabanata 18

13.2K 192 5
                                    

Kabanata 18

Binibigyang meaning

 

Nang makauwi ako sa bahay ay pinuntahan ko agad si Chico sa kwarto niya. Maggagabi na kami nakauwi at nagdiretso talaga ako sa kanya. Hindi ko na nakuhang kumatok at naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya. Tulog na tulog siya at halatang puyat na puyat.

“Chico! Chico!” inalog alog ko siya pero tinakpan niya lang ang mukha niya ng unan. He groaned. Pero hindi pa rin niya ako pinansin. Napaupo ako sa kama, “gumising ka na! Napaoo kasi ako kay Benj. Inimbitahan ako ng kapatid niya sa birthday. Hindi ko alam gagawin—“ napatahimik ako nang biglang umupo si Chico sa pagkakahiga.

Napaawang ako ng bibig sa estado niya ngayon. Nakaboxer lang siya at ang gulo-gulo ng buhok niya pero gwapo pa rin. “Sinabihan ko na si Carmela, okay?! Sabay na tayo bukas. Kaya umalis ka na sa kwarto ko, please Leigh,” napatayo naman ako.

Grabe talaga ‘tong si Chico. Bakit kaya niya nalaman agad ‘to? Siguro sinabihan na siya ni Benj tungkol dito? Pero bakit naman ako inimbitahan ni Maggie? Hindi ko pa naman siya kilala ng lubos?

“Thank you Chico! Napilitan naman kasi ako,” sabi ko.

“Gusto mo rin,” tinignan ako ng masama ni Chico. Anong gusto? Baka napilitang gusto?! “Go! I need sleep, Leigh!” naaligaga naman ako sa sigaw niya at umalis na ng kwarto niya. Siya naman ang may problema kung bakit puyat siya! Siya alis ng alis syempre mapupuyat siya! Duh, Chico!

Tumungo na ako sa kwarto ko. Hindi na siguro ako magdidinner kasi kumain naman kami nila Gaile sa resto kanina. Napaupo ako sa kama ko at nag-isip. Ano naman kayang gagawin ko roon? Di ba ang awkward nun? Pumunta sa birthday ng hindi mo naman kakilala? Baka ngumanganga lang ako doon?

Hindi na lang siguro ako aalis sa tabi ni Chico. Iyon na siguro ang pinaka maayos na gagawin ko.

**

“Kilala mo ba si Maggie?” biglang napatingin si Chico sa akin. Mabuti na lang huminto na ang kotse at nasa tapat na kami ng condo. Sa unit ni Maggie gaganapin ‘yung party niya.

“Yes. Model siya sa states, Leigh,” inalis niya ang seatbelt niya pati na rin ‘yung akin. “I know her because of Benjamin. Nakilala ko naman si Benj kay Conrad. Pinsan kasi ni Conrad si Benj. And the rest is history,” bumaba na ang kambal ko sa kotse. Bumaba na rin naman ako. Hindi ako aalis sa tabi ni Chico hanggang sa matapos ang party.

“A ganun pala!” kumapit na ako sa braso niya. Bigla namang napatingin si Chico sa akin. “Tabi tayo all the time please, Francisco, please?” hinigpitan ko pa ang kapit sa kanya mapapayag ko lang siya. Ayoko namang ma-OP. Hindi ko naman kasi kilala ‘yung mga tao kung sakali.

“Fine,” he sigh defeated.

“Yey!” Pumasok na kami sa loob. Sumakay na kaming elevator at kinukwentuhan naman ako ni Chico. Nakakahiya nga kay Maggie dahil wala akong regalo. Sa susunod na lang siguro. Mabait naman daw si Maggie. So katulad din siya ni Benj na mabait? Nagkibit balikat na lang ako. Sa 3rd floor lang ang unit ni Maggie.

Pagkababa namin sa elevator ay nakita namin agad ‘yung unit niya.  Bukas naman ‘yung pinto kaya pumasok na kami ni Chico. Sinara na lang ng kambal ko iyon. Napalibot agad ang mata ko sa unit ni Maggie. Simple lang naman. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi sila sa same ng condo ni Benj. Di ba magkapatid naman sila? Bakit naman kailangan pang magkahiwalay?

“Scarlett! Omg! Buti naman nakapunta ka!” nanlaki ang mata ko nang bigla akong yakapin ni Maggie nang makita niya ako. “Ayaw nga ni kuya e. Buti na lang talaga!” kinalas niya ang yakap niya sa akin.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon