Kabanata 30

11.4K 166 5
                                    

Kabanata 30

Isang sabi

 

Sumugod agad si Newt sa alon ng tao na mayroon sa tapat ng Grecia Tribe. Nakipag-unahan siyang makakuha ng number para sumalang na rin kami sa laro na mayroon ang Tribe na ‘to. Tinignan ni Chico at Conrad ang mechanics ng laro. Pinuntahan naman nila agad kami ng mabasa nila ‘yung game.

Kailangan may apat na pair ang sumali mula sa amin. By partner, isang lalaki at isang babae. May kung ano silang ipapakain at kailangang maubos ng dalawang tao iyon within 3 minutes. Napalunok agad ako. Ano naman ang pakulo ng Tribe na ‘to?! Para sa drinks nagpaganito na sila?! Goodness, kinabahan agad ako dahil baka bawang ang mapunta sa amin ng partner ko?! Grabe, hindi ko kakayanin! Hindi ako kumakanin ng hilaw na bawang. Ayoko. Ayoko talaga! Maamoy ko lang ‘yun hindi ko na kakayanin!

“May 4 na babae tayo at 8 na lalaki,” biglang napaisip si Cid. “Sure na ang girls. So sa mga lalaki na lang, sino ba magbo-volunteer?” tanong niya ni Cid. Napatingin agad ako sa boys. Unang una nagtaas ng kamay si Yuan at tumingin sa akin. Sumunod si Sebastian at tumingin din siya sa akin. Silang dalawa lang ang nagtaas ng kamay.

“Hayaan na lang natin ang girls ang mamili ng partner,” suggestion ni Zeke.

“Come on, girls. Don’t choose me, Gaile, Lucy, or Leigh. Hindi pa ba tayo nagsasawa sa isa’t isa?” nakangising sabi ni James.

“Sawang sawa na!” napatingin kami sa isa’t isa nila Gaile at Lucy. Sabay-sabay pa kaming sumigaw kay James. Napangisi naman si James sa amin at pumasok na sa Grecia Tribe. Sumunod din si Zeke sa kanya.

“Partner kami ni Benj!” bigla namang nagsalita si Gorg. Napatingin ako sa kanya hanggang sa nakapunta na siya sa pwesto ni Benj. Napairap ako  ng sikreto. Hindi na ako tumingin sa kanya at tinignan ko na lang si Chico. Si Chico na lang. Siya na lang.

“Wait nga! Kailangan lang ng walo!” ani Newt. “Lucy, Gaile, Leigh, and Gorg. Then me, Yuan, Sebastian at Benj,”

“Wait ba’t wala si Francisco?!” bigla kong sabi. Tinignan ko si Chico at umiling lang siya sa akin.

“We’ll go first. Good luck guys,” inakbayan na ni Conrad si Chico at pumasok na ng Tribe. Tekaaa?! Ang daya! Kami ang naghirap tapos iinom na agad sila? Teka? Hindi pa nga kami nanalo e!

Pumartner na si Gaile kay Newt. Napalunok naman ako ng tumingin sila ng sabay sa akin. Sina Yuan, Sebastian, at Benj. Pero naiirita ako sa pagkapit ni Gorg kay Benj na hindi naman napapansin ng isa! Goodness!

“Leighly tayo na lang!” ani Sebastian.

“No, go with me Leigh!” ani Yuan.

Nag-away pa ang dalawa. Wala naman akong pipiliin sa inyo. Pero ako, naglakad na ako sa pwesto ng gusto kong makapartner. “I go with Benj,” tumabi na ako kay Benj.

“Teka! Partner ko siya!” umangal naman si Gorgina. Inirapan ko siya. Naiinis na ako. Ayoko ng kumalma at makakasapak talaga ako ngayon.

“No!” sabay namang umangal si Yuan at Sebastian. Hindi ko na sila binigyan ng pagkakataong umangal pa dahil pumunta na kami sa tabi ng host.

“Right choice, Scar,” Hinawakan ni Benj ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya. Natunaw ako. “I want to kiss you for choosing me to be your partner,” bigla akong napalunok sa sinabi niya.

Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa akin, “Benj!” napakagat ako ng labi. Itutuloy ba talaga ni Benj? Maraming tao? Maraming makakakita! Lumapit ang mukha niya sa akin. Bigla akong napapikit hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa ulo ko.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon