Kabanata 22

11.8K 183 6
                                    

Kabanata 22

Close

 

Tatlong araw ang lumipas pagkatapos na nangyari sa shop nila Benj. Nakonsensya ako noong araw na iyon dahil baka nga nainis si Benj sa akin dahil lagi na lang mali ang posisyon kong ginagawa. Hindi naman kasi ako model o ano pa man. Imbes na mainis siya ay nag walk out na lang siya.

Guilty na guilty ako kaya nagsorry ako sa text pero hanggang ngayon wala pa rin siyang reply. Baka nga ito na ‘yung sign na iwasan ko na talaga siya. Kaya ngayon hinayaan ko na lang. Ngayon nakahiga na naman ako sa kama at dalawang araw na nahindi naliligo sa sobrang katamaran. Hindi naman ako lumalabas ng bahay bakit pa ako maliligo?

At ngayong araw hindi ko papakelaman ang phone ko, wala namang magtetext na importante. Kaya tinago ko na lang siya sa cabinet. ‘Yung mga naiisip ko kapag katabi ko si Benj napakaimposible. Kaya dapat maaga pa lang pigilan na ‘yung dapat kasi wala namang patutunguhan.

“Cous!” biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at tumabi naman sina Gaile at Lucy sa akin. Napakunot ako ng kilay nang tumabi pa talaga sila sa akin. Medyo makapal ang mukha, alalalang ako noong umalis ako sa tabi nila dahil baka nag-aalala na sila sa akin. ‘Yun naman pala umuwi na sila. Mag-isa akong umuwi dahil iniwan na pala nila ako. God, pigil na pigil lang ako sa kanila dahil ayokong malaman nila ang ginawa ko kung bakit ako nawala na lang.

“Bukas na pala tayo pupuntang Grecia!” biglang umupo sa pagkakahiga si Lucy at tumingin sa akin na nakagat labi dahil sa pagpipigil ng tili.

“Beach, please! Beach!” napaupo na rin si Gaile at tumili tili na.

“Akala ko mga next week pa?” napapikit na ako ng mata at kumuha ng unan para takpan ang mukha ko.

“Sabi ni kuya Cid, bukas na raw. Pumayag na si lolo,” ani Gaile. Napatanggal naman ako ng una at napaupo.

“Talaga?!” ang bilis namang pumayag ni lolo.

Nagkatinginan naman ‘yung dalawa at sabay na tumingin sa akin, “thanks, Leigh!” niyakap nila ako ng mahigpit at parang sinasadya nilang hindi ako makahinga sa yakap na ‘yun.

“Ang bilis pumayag ni lolo,” sabi ni Lucy at kumalas.

“Thank you cous, dahil kay Yuan mo,” kumalas na rin ng yakap si Gaile. Bigla silang tumayo at lumayo sa akin. Pumunta na sila sa may pinto.

“Paano?” napayukom ako ng kamay. Nag-iigting na talaga ang inis ko kung paanong paraan ang ginawa nila masabi lang kay Yuan ito at mapadali ang pagbabakasyon nila sa San Mateo.

“Kinausap nila kuya Cid at Zeke si Yuan kahapon. Tapos may natanggap na tawag si Yuan kay lolo kung pwede raw bang kasama ka, nandoon naman si Yuan kaya pumayag na si lolo,” napabukas na lang ako ng bibig sa narinig kong paliwanag.

Ako? Ako talaga ang pinain nila para lang mapabilis ang pagpunta nila sa San Mateao? Ganon? Ako talaga?!

“Huwag ka ng umarte, makakasama ka nam—“ tumayo na ako at binato ko na sila ng unan.

“I love you Leigh!” sigaw nila at sinara na ang pinto ng kwarto ko. Binagsak ko na lang ang sarili ko sa kama sa sobrang inis sa kanila. God, ako na talaga ang pinain. Ano na lang ang bakasyon ko kung nakabuntot naman si Yuan sa akin doon? Paano na?

Naalala ko nung dating pumunta kaming Palawan walang oras na hindi ko katabi si Yuan. Kahit saan nandoon siya sa akin. At pilit na sinisiksik ang sarili sa akin. Isa ‘to si worst vacation na naexperince ko. Na baka mangyayari naman dahil kasama pala siya bukas?!

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon