Kabanata 36

12.1K 160 10
                                    

Kabanata 36

Property

 

Nagmamadaling sinuot ni Benj ang t-shirt na hawak niya at pumunta agad sa pwesto namin ni Gorg. Napapikit ako at nagpigil ng sarili sa sitwasyon na mayroon sa amin ngayon. I feel my heart in my throat…in my ears.

“Gorg…” naramdaman ko ang pawis ko sa noo. Napadilat ako at tinignan si Benj dahil tinawag niya si Gorgina at hindi ako. God, Scarlett! Don’t be irrational! Mag-isip ka naman kung bakit ginawa ni Benj iyon. “Tapusin na lang natin ‘to.” said Benj.

Teka?! Pansinin naman niya ko?!

Nakita ko ang pagngisi ni Gorg. “Okay,” biglang lumipad ang kamay ni Gorg sa dibdib ni Benj. At napalunok ako sa pangyayaring iyon. Malanding tono ang ginamit niya na parang inaakit si Benj. At parang sinasabi niya na dapat lumayo na ako.

Hindi naman ako matinag sa kinatatayuan ko. Napatingin na lang ako sa sapatos ko. Uuwi na lang ako. May tamang oras at araw ang tanong ko kay Benj. O baka…wala na rin kasi baka matapos na ang lahat. Maraming posibilidad ang lumilipad sa isipan ko ngayon. Sinasampal ako ng mga maaring mangyari.

“One more and we’re done. So I can help Scar to,” napaangat ako ng ulo sa sinabi ni Benj. Kumurba ang pang-ibabang labi niya at pinipigilan niyang ngumiti nang makita niyang tinititigan ko siya. I bite my bottom lip. Calm, Leigh. Calm.

“Anong problema niya?”

Nairita ako sa tanong ni Gorgina. Ikaw ang problema ko. Alam ko palusot lang ni Benj ito para hindi magtaka si Gorg kung bakit nandito ako.

Trust him. And wait.

“Si  Yuan? ‘Yung fiancée niya?”—Gorg looks at me—“Kamusta nga pala? Kailan ang kasal niyo?”

Hindi ko na hata mapipigilan ang sarili ko. At hindi ko na kayang hindi dumapo ang kamay ko sa bibig ni Gorg sa kadaldalan niya.

“Yes.” Benj’s jaw tightened. Napayukom naman ako ng kamay. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Let’s just finish this, Gorg,”

“Fine,” napairap na lang si Gorg sa akin.

Nakatitig pa rin ako kay Benj at siya sa akin. “Let’s go?” aniya. Napabuntong hininga lang ako na gusto kong umatras na lang pero nakikiusap ang mata ni Benj sa akin. Kaya wala na akong nagawa kaya pumasok na ako sa loob ng unit niya.

May gagawin lang sila. Sila ni Gorg. Importante at hindi nakakasira ng anuman. Naglakas loob na akong pumunta sa sofa at doon muna manatili habang may ginagawa si Gorg at Benj. Napasandal ako nang makitang papunta si Benj pero hindi sa akin dahil may kukunin lang siya. Katabi ko ang dslr niya. “May i?” he asks pointing the camera.

Pinagmamasdan niya ako kaya hirap na hirap kong kunin ang camera sa tabi ko. Ilang beses akong napalunok bago ko malagay sa palad ko ang tinuturo niya. Wala ng nagawa si Benj kung hindi lumapit sa akin at kusang kunin ang camera sa palad ko.

“Give me time to finish my work and we’ll talk,” he whispers. “Okay?” napatango ako.

“Benj! Come on!” Gorg shouted. Pero hindi natinag si Benj at pinagmamasdan lang ako. Umupo na siya sa tabi ko habang ako sinisilip kung nakadungaw ba si Gorg sa amin.

Benj’s lips part when looking at me. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya habang pinagmamasdan ako. “You don’t know what you do to me. You don’t know, Scarlett,” umiiling na sabi niya at kinuha ang kamay ko.

“Benj!” bigla akong napatalon sa sigaw ni Gorg. Dumungaw ako para tignan siya. At nakahinga ako ng maluwag nang wala naman pala siya at hindi kami sinisilip.

When Love Goes Wrong (Book 1 of WL Trilogy) (ML, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon