CHAPTER 13

2.1K 20 0
                                    

Maaga akong gumising para maunahan kong magluto si Gerald. Naging maayos agad ang paa ko kaya babalik ako sa pag iinsayo di na kasi ako makapaghintay na bumalik sa pilipinas. Medyo madilim pa nung bumaba ako meaning to say wala pa si Gerald inumpisahan ko ng magluto Adobo,Sausage at itlog lang linuto ko sinamahan ko na rin ng sinangag na kanin inayos ko agad ang mesa para ready na pag baba ni Gerald pero matagal na akong naghihintay sa baba kaya napagpasyahan ko na lang na umakyat ako para gisingin si Gerald kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang eto pagtingin ko sa kama nandon siya mahimbing na natutulog. Yinugyog ko siya hanggang magising pero bigla niya akong kinabig papunta sa chest niya." Oh my God" Bulalas ko.Nagpupumiglas ako ng magsalita siya. "Dito ka lang. I love you" Nanigas ako ng sinabi niya yun ang lamig lamig dito sa Korea pero pinagpapawisan ako. Tulog pa pala siya baka hindi yun para sakin. Tatayo na sana ako ng mas hinigpitan pa niya akong yakapin at bigla niya akong hinalikan. Napalaki ang mata ko pati rin siya nagkatitigan kami. Awkward ang kalagayan naming dalawa bigla akong kumalas at napatayo.

"A-ahm sorry di ko sinasadya akala ko nananaghinip ako. Pasensya na" Aniya.

"No. It's ok ahm ready na pala ang breakfast bumaba ka nalang" At bigla akong tumakbo pababa. Nanghinayang ako kasi nag sorry siya sakin talagang di niya ako gusto. Umupo agad ako at hinihintay siya.

"Wow matagal na akong di nakakatikim ng lutong pinoy ang sarap nito segurado. Ahm sorry natagalan ako naligo na lang ako may pupuntahan kasi ako" Sabi niya.

"Ok lang tara kain na tayo. May pupuntahan rin kasi ako" Sabi ko sa kanya.

"Ha?! San ka pupunta? Ihahatid kita" Aniya

"No. Ok lang alam ko naman papunta kay Marian" Sabi ko sa kanya.

"No. I insist ihahatid kita pero wait ok na ba paa mo?" Tanong niya sakin.

"Oo ok na ako tnx pala sa pag gamot mo super effective" Sabi ko sa kanya.

"Tara kain na tayo para makaalis tayo ng maaga" Sabi niya sakin.
Sobrang tahimik naming kumakain walang kibuan seguro pareho kami ng iniisip about kanina.Haixt grabe talaga nakakahiya ang ginawa namin.

**

"Hi im back" Sabi ko kay marian.
"Oh buti naman nakabalik ka agad kumusta paa mo"? Tanong niya sakin

"Whaat?? Marunong ka palang mag tagalog?"Tanong ko sa kanya.

"Of course taga pilipinas kaya ako magkaibigan talaga kami ni Gerald. Halos dito kaming bagbabarkada mag aral lahat"Aniya.

"Ahm Marian shall we talk?" Tanong niya kay Marian.

" Sure" Sagot niya
Naghintay ako sa kanilang pagbalik. Nakita ko silang nagtatawanang dalawa medyo nag selos ako di ko ikakaila na maganda si Marian bagay silang dalawa.

"Tara start na tayo" Sabi niya sakin.
"Love babalikan ulit kita mamaya may puntahan lang ako" At hinalikan niya ako sa noo para talaga kaming magjowa sa ginagawa niya. Hindi na ako tumugon sa kanya at umalis agad ako sa harapan niya pero liningon ko siya muli parang malungkot ang mukha niya.

Natapos ulit ang maghapon naming pag iinsayo pagod na pagod akong sumalampak sa kama ko at pumasok na rin si Gerald sa kwarto niya.

Gerald's POV

Hindi parin ako makatulog hanggang ngayon iniisip ko parin ang nangyari kanina. Yun ang first kiss ko grabe nakakahiya talaga awkward moment pero aaminin kong gusto ko talaga ang nangyari kanina uminit agad ang buo kong katawan. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi kong kunware naming mag on gusto ko sanang tutuhanan nalang gusto kong ligawan siya yung totoo na walang kunware kaso parang hindi naman ako gusto ni Mirre. Sa pag iisip ko tuluyan na akong dinalaw ng antok.

***

Nagising ako ng maaga para ako naman ang magluto ng agahan gagawin ko ang lahat mahulog lang sakin si Mirre. Habang nagluluto ako bumaba naman agad si Mirre.

"Balak ko sanang ako ang magluto ngayon eh kaso naunahan mo nanaman ako. Bat ang aga mo pala ngayon di kaba nakatulog?" Tanong niya sakin.

"H-ha?? Nakutulog ako ng maayos nagising ako kasi nag alarm phone ko. Halika dito tikman mo to kung masarap" Sabi ko sa kanya.

"Hmmmmm masarap ang sarap mo talaga mag luto ako pagkaing pinoy lang alam ko" Sabi niya sakin.

"Wag kang mag alala sa susunod tuturuan kita by the way mapapa aga pala ang uwi natin sa pilipinas nangungulit na kasi si mommy kailangan na daw nating umuwi gusto kana niyang makilala" Sabi ko sa kanya.

Tinubuan bigla ako ng kaba "ready na ba ako" tanong ko sa sarili ko kailangan ko ng mag insayo ng mag insayo para pagbalik ko ibang Mirrw na ang makikilala nila.

"Mirre Ok ka lang ba?? Baka di ka pa ready sasabihan ko nalang si mommy na di lang muna tayo uuwi" Tanong ko sa kanya

"No !! I think im ready" Sabi niya sakin.

"Ok good ahm kamusta pala ang pag iinsayo mo?? Sabi ni Marian magaling kana raw. Totoo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm di naman masyado hehe!! Marami na akong natutunan mahirap pala pag mayaman ang kaharap mo no?! Kesa sa mga ordinaryong katulad ko. " Sabi niya sakin.

"Yan dapat ang matutunan mo para masagawa natin ang lahat ng plano natin!! Tara kain na tayo para magawa na natin ang kailangan nating gawin" Sabi ko.

Umupo na kaming dalawa para kumain. Nagtatawanan kami pinag uusapan namin ang mga nagawa naming kalukuhan nung bata pa kami "Sana ganito nalang kami lage walang problema puro kasiyahan lang.







"FAME"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon