chapter 12

56 2 0
                                    

Chapter 12

(orientation)

“gail! Bilisan mo, andito na sundo mo”

“po!? Wala po akong sundo!”

“andito na yung classmate mo, si sam!”

Ha!!!!!! What the! Sinundo nga ako nbg mokong! Takte talaga yun! Buti nalang ayos na ko, nagsusuklay na lang. baka isipin ni mama boyfriend ko ‘tong si sam! Hay. Maka-baba na nga.

“ma alis na ko!”

“sige, ingat kayo ng kaklase mo”

Paglabas ko, nakita ko yung sasakyan ni sam. Infernes maganda! Fortuner nga eh. Siya na. Pero galit pa din ako sa mokong na to.

“bakit ka ba andito?”

“di ba sabi ko susunduin kita”

“di ba sabi ko wag”

“ang sabi mo bahala ako sa buhay ko, edi sinundo kita (with matching evil smile)”

“che! Di ako sasakay jan”

“weh?”

“oo nga! Kulit nito eh”

“ah ganon….”

Tas binuhat ako ni sam! Bale yung tiyan ko nasa balikat niya tas yung mukha ko nasa likuran niya. Ok ako na magaan. Eh teka! Mali pa din to eh! Baka Makita pa kami ni mama.

“ano ba sam! Ibaba mo ko!”

“oo ibababa kita pag upo mo sa sasakyan”

Tas  binuksan niya yung pinto at nilagay ako sa passenger seat. Di na ko umanagal kasi baka kung ano na naman gawin sakin ng mokong na to. Grrrrrrrr. Takte talaga.

“sasakay ka din pala eh. Pakipot ka pa diyan eh”

“ang kapal ng mukha mo”

“siyempre hindi manipis :P”

“Whatever. Bilisan mo nga baka ma-late tayo”

“sure. Sabi mo eh!”

Tas hinarurot ni sam yung sasakyan niya! Tokwa talaga to! Badtrip! Nakaka-takot tuloy!!!!

“hoy bagalan mo nga! Mabangga pa tayo niyan eh! Mahuli pa tayo ng mga pulis diyan sa daan!”

“eh sabi mo bilisan eh!”

“oo nga, pero hindi ko naman sinabi na iharurot mo!”

“ay, ganun ba, sorry gail my love so sweet! Yieee! Kilig ka no!”

“asa! Kapal mo talaga no?!”

Hay. Bwisit talaga tong si sam! Di ko na nga lang kakausapin! Leche siya! Wala naman patutunguhan tong usapan naming eh. Tsk. Buti pa si gino J hahahahahaha.

Malapit na kami sa school, bale andito na kami sa loob, naghahanap nalang si sam ng mapag-paparkan at sakto! May nakita kaming bakante. Nung nag-stop na yung sasakyan ni sam, akmang bubuksan ko na yung pinto ng may biglang sasakyan na pumarada sa tabi. Teka! Sasakyan ni gino to ah!!!!!! Waaaaaaahhhhh! Pagkakataon nga naman!

“oh di ka pa ba bababa?”

“sasakyan to ni gino!”

“kilig ka na naman! Bumaba ka na, baka ma-late tayo”

Pagbukas ko ng pinto, sakto nagbukas din ng pinto si gino!!!!!!! Waaaah! Soulmate talaga kami ni gino! Tas nagkatinginan kami sa isa’t isa.

“gino?!”

i'm in-love with GINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon