chapter 34

42 1 0
                                    

Chapter 34

Ilang oras na ko dito sa kwarto ni sam. Natutulog siya ngayon.  Habang tinititigan ko siya, parang halata sa mukha niya na problemado siya kahit natutulog na. gwapo naman si sam, mayaman, matalino, mabait, pero bakit nga ba hindi na lang siya ang minahal ko para hindi na siya nahihirapan ng ganito. Pero ayoko din naman na piliin lang siya dahil sa sitwasyon niya. haaaaaay!!! Nahihirapan na ko!!!

Siguro sa ngayon, mas mabuti kung lumayo muna ko kay gino. alam kong masaki yung gagawin ko, pero kailangan. Kailangan ni sam ng karamay ngayon. Kailangan niya ng kaibigan. Mas mabuti muna siguro kung isang tabi ko muna yung nararamdaman ko kay gino. tsaka kung talagang mahal niya ko, makakapag-hintay naman siya di’ba? Haaaaaaay!!! Ano ba yan!!! Parang di ko yata kaya!!!!!

Bigla pumasok si kuya shawn. Ang dami niyang dala! Tumayo ako para tulungan siya pero sabi niya wag na daw. Nang malapag na niya yung mga dala niya sa table, humarap siya sa’kin.

“gail, I’m glad na nakapag-usap na kayo ng kapatid ko”

“uhm, di ko rin naman po siya makaka-usap kung hindi dahil sa inyo eh”

“uhm gail, kakapalan ko na mukha ko ah, pero kung okay lang sana sa’yo, pwede bang wag mo ng iiwan yung kapatid ko? oo alam ko na hindi naman kayo, pero kung ok lang sa’yo, sana muna yung pagbigyan mo ng pansin”

Tas hinawakan ni kuya shawn yung kamay ko. grabe, parang maiiyak na naman ako!!! nararamdaman ko yung nararamdaman ni kuya shawn. Grabe, mahal na mahal niya kapatid niya! pero kahit ganun, mas natatak sa isip ko na wag muna si gino……. pero pag naiisip ko yung salitang yun, parang di ko kakayanin! Ang sakit!

tas napatingin ako kay kuya shawn, shit namumula mata niya!!! paiyak na yata siya!!!

“hala kuya shawn! Wag na po kayo umiyak, wag po kayo mag-alaala, kaibigan ko po si sam, hindi ko siya pababayaan”

“salamat gail! salamat at di mo iniwan ang kapatid ko! sige gail umuwi ka na muna, kanina ka pa naman nandito eh, magpahinga ka na, don’t worry ako na lang mag-eexplain kay sam pagka-gising niya. maiintindihan naman niya yun eh”

“sige po kuya, uhm, bye po, salamat po uli”

Haaaaaay. Pag-pasok ko sa kwarto, naiyak na naman ako. kailangan ko muna layuan si gino para kay sam pero, masakit sa’kin eh! ang tagal na panahon kong hinintay na mahalin din ako ni gino. mahal na mahal ko si gino. gusto ko araw-araw na nakikita siya at nakakasama pero sa kondisyon ni sam, baka lalao pang lumalaa sakit niya. kahit inaaway niya ko parati noon, nagging mabuti siyang kaibigan sa’kin. Haaaaaay! Ano ba yan!!!!

I’m sorry gino.  sana maintindihan mo.

i'm in-love with GINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon