chapter 21

43 2 0
                                    

Chapter 21

(the torpe G)

“ang korni ko no? maypa-blog blog pa kong nalalaman! Haha. di po ako bakla ah? I made this blog so I can share my feeling with and to tell to all of you that being TORPE, SUCKS!!!!”

Ano daw? Tong si torpe guy maypa-sucks sucks pang nalalaman!!!!

“when I was in second year highschool, nagka-crush ako sa isang freshman. Ang cute niya kasi eh. para siyang bata lalo na pagna-pipikon. Nung una, akala ko wala lang yung pagtingin ko sa kanya. Kaso, pagdating ko ng fourth year highschool, dun na nagsimula yung pakiramdam ko na, mahal ko na siya”

Tulad tayo TG!!! Pero yung akin nagsimula ng third year hs. Haha. tama nga si chabs!!! Parng ako lang din tong si torpe guy!

“nag-ddrive na ko pauwi ng may napansin ako na naglalakad. Mukhang familiar sa’kin yung girl kaya hinintuan ko siya. Nung ma-confirm ko na si hmmmmmmmmm. Ano kayang maitawag sa kanya? Hhhmmmm, ah, si MC nalang short for MS. CUTE. Korni ko talaga! Back to the topic, sabi ko sa kanya hatid ko na siya kasi paulan na din naman eh sakto bumuhos yung ulan, so wala na siyang choice kundi sumakay sa sasakyan ko”

Teka! Parang kami lang to ni papa gino ah! MC? Miss cute? Ako lang cute no!

“habang nasa sasakyan kami, medyo kinakabahan ako kasi siyempre, ni minsan hindi ko pa siya nakaka-usap ng ganto, at, siya yung unang babae na isinakay ko sa sasakyan ko. ako nalang yung nagsimula na magtanong since ako naman yung lalaki. Grabe! Iba pala sa pakiramdam pag kausap mo ng malapitan yung crush mo no? ang saya-saya! Kaso siyempre, kailangan wag ipahalata masyado, mahirap nab aka mabuking tas i-reject niya lang. tssk. Masakit yun! After ko siya mahatid, ang laki ng ngiti sa mukha ko! lagpas pa nga yata sa tenga eh! haha. dun ko naramdaman na mahal ko na yata si MC”

Ganyan din naramdaman ko nung hinatid ako ni gino!!! baka naman kasi si gino to!!! Tas ako si MC!!! Tamang-tama cute ako! Haha. kaso, di lang naman ako ang may ganyang love story eh! madami.

“nakaka-tuwa lang kasi friend ko pala siya sa fb!? Haha. tas tiningnan ko yung mga picture niya. ang cute niya talaga! Tsaka kahit simple lang siya, ang ganda niya pa din. Wala siyang make-up sa mga picture niya. di gaya nung iba ang kakapal nan g make-up sa mukha tas kung minsan parang magcocover sa magazine yung mga pose eh! hay. Habang tumatagal, lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. May feelings din kaya siya para sa’kin? Baka naman may iba na siyang mahal. Tsk. Malas ko naman pag ganun.”

Hay. Tulad kami ni torpe g. ganyan din kasi iniisip ko pag kay gino eh. haaaaaaaaaaaaaaaaaay. Tas binasa ko lang ng binasa hanggang sa………

“this is it. Aamin na ko bukas! Magtatanong na ko kung pwedeng manligaw sa kanya. Kinakabahan tuloy ako! Papayag kaya siya? Grabe! Unang beses ko lang manliligaw ah. Haaaaay. Good luck sa’kin!”

Di  naman pala torpe ang TG na to eh. anon a kayang nangyari sa panliligaw nito? Basted kaya?

“grabe! Sobrang naiinis ako ngayon!!!! Ang tanga-tanga ko! badtrip! Alam niyo ba kung bakit? Nanligaw ako sa harap ng ibang babe imbis na kay MC!!! Grabe! Kainis!!! Ganito kasi yun, nag-ppractice kasi ako nun sa may isang room. Siyempre, first time ko manliligaw kaya nag-practice ako, mahirap na, baka mapahiya pa ko sa harap niya. at eto na, pagkasabi ko ng “I love you! Pwede bang manligaw” may biglang yumakap sa likuran ko!!! si hmmmmm, abc, abc yung codename natin! Takte naman oh! Kanina pa ba siya sa room na to?! Bakit di ko namalayan!! “yes G, pumapayag ako na manligaw ka”-abc, teka! Hindi ikaw ang nililigawan ko no! sasabihin ko n asana yan ng biglang lumbas yung iba niyang friends, “yieee! Ikaw g ah? May gusto ka pala kay abc!!” tas puro yie yung naririnig ko sa kanila. Grabe! Pano ko ba masasabi na nagkakamali lang siya? Kaso, baka magalit siya pag sinabi ko na hindi siya yun kasi baka isipin niya na pinahiya ko siya sa lahat ng mga kaibigan niya and to think na siya rin ang pinaka-sikat sa batch niya at sa school. Haaay. Bahala na! gagawa nalang ako ng paraan para ma-turn off siya sa’kin! And sana, mag-work ang plano ko na to.”

i'm in-love with GINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon