chapter 1
hi :) i'm Stephanie Abbigail C. Abellana. Gail for short at incoming freshman student sa isang university sa college. well, halata naman na kaka-graduate ko palang ng highschool di'ba? haha. gusto nyo ba malaman kung bakit dito ko gusto mag-aral? uhm, dahil kasi kay Alec Gino B. Alcaraz, gino for short. siya ang soulmate ko.
FLASHBACK
(third year highschool ako sa NorthRidge College)
well, hindi ako sikat sa school namin, you can easily describe me as a commoner tas si gino, well, mvp ng school.
OCTOBER 17
uwian na. wala pa din yung service ko. bakit kaya ang tagal? nakakainis naman. teka, wala nga pala si Charie (si charie ang BFF ko at ka-service ko din) kasi sinundo siya ng mommy niya kasi susunduin nila yung dad niya sa airport. teka nga muna, nasan na si manong guard?
"Manong guard!"
"oh, bakit andito ka pa! kanina pa dumaan yung service mo a"
"HA! naiwan na ko! eh bakit kasi di mo ko tinawag! di'ba sabi ko mag-cr lang ako!"
"sinabi ko naman yan sa kundoktor nyo eh, nakalimutan na siguro nun"
haaaaay naku. si kuya errol talaga. makakalimutin. BTW; si kuya errol yung kundoktor namin.
"hala! eh pano na ko uuwi niyan!"
"mag-tricycle ka nalang, kung wala kang pera, dun mo na bayaran sa inyo pagdating"
"eh manong i-tawag mo ko ng tric, ang layo eh!"
"ikaw na! di ko pedeng iwan 'tong school"
"oo na. sige. bye manong!"
"ingat ka"
"che!"
hahaha. ganyan talaga kami ni manong, close kasi kami simula ng first year pa ko hanggang ngayon. tsk. ang layo pa naman ng sakayan ng tricyle. bv! mukhang uulan pa yata! buti nalang may dala kong payong! habang naglalakad ako papunta sa pila ng mga tricycle, may huminto sa kotse sa tabi ko. my gash! sino kaya to? kikidnappin niya kaya ako? tatakbo na sana ko nang makita ko na bumukas yung pinto at nagulat ako kung sino ang nagbukas.
"bakit ka naglalakad? paulan na sakay na"
what the! si gino!? bakit siya naka-kotse? 16 pa lang siya ah. nung sasagot na ko kay gino, biglang bumuhos ang malakas na ulan. badtrip naman oh.
"sakay na bilisan mo, ang lakas ng ulan"
so sumakay na ko sa sasakyan niya kasi wala na kong choice. sa totoo lang dapat di na ko sasakay kasi mejo malapit-lapit na naman ako sa my pila ng tric tsaka nakakahiya naman kung makikisabay ako sa hindi ko kakilala o ka-close lalo na kay GINO pa! tsaka infernes, ang ganda porma ng sasakyan niya! sigurado akong pinang-cacarshow niya to.
"di mo pa nasasagot tanong ko kanina, bakit ka naglalkad? naiwan ka ba ng service mo?"
"ah, oo. uhm, salamat nga pala, diyan nalang ako sa may pila ng tricycle."
"di na, hatid na kita. san ka ba nakatira?"
"wag na po! nakakahiya! mag-cocommute nalang ako"
"hindi na, tsaka lagpas na tayo sa pila. san ka ba nakatira?"
oo nga no, di ko namalayan na lumagpas na kami.
"ah, sige po, diyan lang po ako sa Quinn's executive subdivision"
"ah, tamang-tama nadadaanan ko yan."
"salamat po. salamat po sa paghatid at pagsakay niyo sa'kin dito, salamat po"
"tsk. wala yun. tsaka kawawa ka naman kanina eh. tsaka.........."
"po? ano po yun?"
"ah wala"
ano kaya ang sasabihin nun? bakit kaya niya pinutol? sakto andito na kami sa gate ng subdivision namin. ngayon ko lang napansin na ang bilis niya pala mag-maneho. yung tipong parang nasa roller coaster ka. msayado akong nadala sa usapan namin eh. hehehe
"san street niyo dito?"
"ah, kanan lang, tas kaliwa, yung bahay na may kulungan ng aso sa labas, dun na"
"ah, malapit lang pala"
"oo nga po eh, buti di tayo sinita ng guard"
"ah, nakapunta na kasi ako dati sito eh, gamit din tong sasakyan na to. taga-dito yung ninong ko eh. si architect alvarez"
wow! ninong niya pala yun! tsaka nakapunta na pala siya dito. sabagay, di kasi ako masyado naglalalabas ng bahay eh.
"eto na ba bahay niyo?"
"opo. uhm, salamat po!"
"you're welcome! sa uultitin!"
tas nagtawanan kami. hahahahahaha. tas binuksan ko na yung payong ko at lumabas ng kotse niya.
"thank you po uli! ingat po!"
"you're always welcome! haha. salamat din!"
pagpasok ko ng gate, di muna ko kaagad pumasok sa bahay, tiningnan ko yung sasakyan ni gino hanggang sa mawala na yung sasakyan niya sa paningin ko. first time ko lang maransan na may maghatid sa'kin sa bahay, si gino pa! buti nalang at ako palang ang tao dito sa bahay, kundi kukulitin nila ko kung sino yung naghatid sa'kin at baka isipin pa nung mga yun eh boyfirend ko si gino, which is napka-imposible mangyari.
END OF FLASHBACK
hay. kilala pa kaya ako ni gino? may girlfriend na kaya siya? sa fb kasi single nakalagay eh. goodlcuk sa college life ko! at goodluck sa love life namin ni gino! WAHAHAHAHAHAHAHA

BINABASA MO ANG
i'm in-love with GINO
RomanceAng crush ay crush. Pero kay Gail, hindi lang niya basta crush si Gino, soulamte niya! Noon, panay stalk siya kay Gino, eh ngayong college na siya, mapansin na kaya ni Gino?