chapter 39
Pumunta kami ni charie sa paborito naming tambayan dito sa campus. Buti na lang wala ng mga studyante ngayon, class hours na kasi eh.
“nga pala chabs, pano mo nalaman na nasa clinic ako?”
“nakita ka ni joseph tas sinabi niya sa’kin”
“ah, ganun ba,”
“yup yup. Ano nga pala yung sasabihin mo sa’kin?”
Hay. kailangan kong sabihin kay charie ang totoo. Masyado na kong madaming iniisip. May promise din kami sa isa’t isa na walang magtatagon ng sikreto sa isa’t isa. Hay. hinga muna ng malalim. Tas tumingin muna ako sa paligid para ma-sure na walang makakarinig sa sasabihin ko kay charie.
Sam, I’m sorry.
“may leukemia si sam”
Nanlaki mga mata ni chabs. Natulala pa ang batang to ng bahagya.
“HA??!!! !leukemia?!! are you sure??!!! Panong…???”
“yes chabs. Sinabi niya sa’kin. Nung bakasyon palagi ko siyang dinadalaw sa hospital. Chabs and tamlay tamlay na niya! ang putla putla na din ng kulay niya. araw araw, pahina siya ng pahina. Chans ang sakit sakit Makita si sam sa ganong sitwasyon. Lalo nan g inamin niya sa’kin na matagal na niya kong mahal”
Di ko na napigilan umiyak. Ngayon ko na lang kasi nalabas lahat ng nararmdaman ko. at alam ko na matutulungan ako ni charie sa sitwasyon ko ngayon.
“ARAAAAYYYY!!!! Bakit mo ko sinabunutan!!??”
“eh ikaw kasi eh! bakit di mo kaagad sinabi sa’kin?! Nag-away pa tuloy tayo! Nakadagdag pa tuloy ako sa problema mo!”
“gaga!!! Umiiyak na nga gaganyanin mo pa ko!!”
“oy bababe, may tanong ako”
“ano yung bakla?”
“che! Ikaw bakla jan!”
“oh bili na ano tatanong mo? Saying tong luha ko oh?”
“pano na si gino?”
“pano na si gino?”
Natigilan ako. magagalit ka ba chabs sa ginawa kong desisyon?
“pinatagil ko muna si gino na manligaw sa’kin”
“HA?! Bruhilda to! Bakit???!!! Ang tagal mong hinintay tong pagkakataon na to! Tas papalagpasin mo lang?”
“oo alam ko chabs! Pero ayokong makitang ganun si sam na naghihirap sa sakit niya tas ako lumalandi lang”
“gail, hindi paglalandi yun. Pagmamahal. Bakit, sinabi ba ni sam na layuan mo si gino at dalawin mo siya araw araw?”
“hindi”
“o di’ba? Hindi naman niya hiniling sa’yo yun eh”
“pero kahit na. nasasaktan ako. tsaka sabi ng kuya niya nakakatulong daw ako kay sam”
“gail, ganun naman talaga pag in love di’ba? Tamo ikaw, Makita mo lang si gino kilig na kilig ka na di’ba? Ganun din si sam, masaya siya kasi palagi kang nasa tabi niya”
“eh kasi……”
“kasi ano? Gail kung awa lang ang nararamdaman mo, mas masasaktan si sam niyan”
“oo sinabi na rin yan sa’kin ni sam. Ayaw niya na kinaaawaan siya, na mas lumalapit ako sa kanya ngayon kasi may sakit siya tsaka…”
“see? Kita mo. Sa kanya na mismo nang-galing”
BINABASA MO ANG
i'm in-love with GINO
RomantizmAng crush ay crush. Pero kay Gail, hindi lang niya basta crush si Gino, soulamte niya! Noon, panay stalk siya kay Gino, eh ngayong college na siya, mapansin na kaya ni Gino?