Chapter 1

86 0 0
                                    

I keep on praying before I took the examination, and now that the results will be coming, I am still praying, hoping that I'll pass my Mathematics examination. Please, please, please!

I don't want to fail my parents' expectations, kahit na alam din nilang mahina ako sa Math simula ng tumungtong ako ng grade one, but being supportive as always, they keep on believing me. They are my number one supporter, ever, and I'm thankful for them.


Nakatungo akong nagpunta sa classroom ko, patuloy pa rin sa pagdadasal ng maramdaman kong tumabi sa akin si Desiree. "Nes, huwag ka ng mag-alala. Pinagdasal na kita nung Biyernes sa Quiapo, kaya makakapasa ka na. Tiwala lang." oo, tiwala lang talaga. Math lang naman talaga ang problema ko.

Nilingon ko siya. "Wow, thank you Des." hindi ko pa naibubuka ang bibig ko para kausapin ulit siya, pero dumating na ang adviser namin. Sandali kong nakalimutan ang problema ko, dahil sa discussion at seatwork namin. Pero nang magpa-assignment si Ms. Jatico hudyat na malapit na matapos ang oras niya ay bumalik ang kaba ko. Sht ah, Math na pala ang next subject. Ang sakit sa ulong isipin. How to compose yourself?


We're all quiet while waiting for Sir Salazar's Math class, siguro ay kagaya ko, taimtim na nagdadasal na rin ang iba. Susmaryosep po, nanlalamig na ang kamay ko.


My eyes suddenly opened when I heard footsteps. Kasabay ng pagtayo namin para batiin siya ng "good morning" ay ang pagsimangot niya na parang kahit kailan ay hindi naging good ang umaga sa kanya pagdating sa amin.

"Seat down" lang ang sinabi niya sabay kuha ng marker. Nilingon ko ang nasa second row na si Desiree, na mukhang nagdo-drool na naman kay Sir Salazar. Well, okay, Sir Salazar is a hot Mathematics teacher dito sa school namin, tall, dark, and handsome siya kung idescribe but aside from his looks, he's good at teaching Mathematics. But once you failed his subject, make sure that you're getting your ears ready, grabe pa naman ang boses niyang galit.

"There's really nothing good in this morning, lalo na kapag nakikita ko yung mga bumagsak sa subject ko. Second grading pa lang pero hirap na hirap na kayo." nakakunot noo niyang sabi.

"Is there something wrong, Andrade?" he called my classmate, na nasa likod ko nakaupo. Ito kasi ang pinakamakulit at pinakaloko-loko sa batch namin.

"Ha, Sir?" My classmate asked, parang nang-iinis pa, dahilan para lalo pang mawalan ng good sa umaga ni sir.

"Get out of my class, Andrade."

"Hala si Sir, nakikinig nga 'ko dito."

"Get out of my class, carry your bag with you! Huwag kang papasok sa klase ko hangga't hindi ka nakakagawa ng excuse letter!" sigaw niya dahilan para mapabalikwas si Andade at dali-daling kinuha ang bag niya.

"Yung mga gustong magaya kay Andrade, pwede na kayong lumabas. The door is always open." banta niya as he scanned the test papers again. "Nawala na tuloy ako," Inayos niya ang salamin niya.

"Okay, yung mga una kong tatawagin, iyon ang nakakuha ng highest scores, as I call their names, give them applause. Again, from highest to lowest ang tatawagin ko." Paalala niya pa.

Isa-isa niyang tinawag ang mga highest, susme kailan kaya matatawag ang pangalan ko? Tinawag na nga ang katabi kong si Rena na nakakuha ng 75, pero hindi pa rin ako tinatawag. Wha--

"Desiree Dael" ngiting-ngiti pa ang kaibigan ko ng makuha niya ang test paper niya. Saan ba siya nakangiti talaga? Dahil nakapasa siya o dahil kay sir?

"Mike Irnaez, sayang ka. Study harder next time." tawag niya at ng makita ko ang test paper ni Mike na kaharap ko lang, ay mas lalong nanlamig ang kamay ko. Sht ah, hindi nga ko nakapasa?



Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon