Nakatulog ako pero this time, parang hindi pa rin ako okay. Ano ba, papasok ba ako o magsasakit-sakitan na lang?
Pero bakit naman hindi ako papasok? Parang pinatunayan ko na din na tinatamaan ako sa mga pinagsasabi nila sa akin! Mas determinated akong bumaba at pinilit kong maging masigla sa harap ni Mama at Nate.
Sa school kagaya kahapon, pinagbubulungan pa rin ako, pinagtitinginan. Hindi ko na lang pinansin. Tiningnan ko ang nakaupong si Des. Nakikipagkuwentuhan sa mga katabi. Tumatawa.
Masaya ba siya na wala ako?
Napatingin ako sa humarap sa aking si Mike. Ngumiti siya sa akin. Nginitian ko rin siya.
"Para kang unggoy ngumiti." Napalingon ako kay Andrade na nakaupo sa likod ko, inaasar si Mike. Tinanguan niya lang ako kahit na nginitian ko siya.
"Hayop, inggit ka lang kasi wala kang ngingitian!" Pang-aasar din pabalik ni Mike. Natawa na lang ako sa asaran nila.
"Iyan, tumawa ka na rin. Mas bagay sayo ganyan." Sabi ni Mike bago siya tumalikod sa akin.
Napakabait na tao ni Mike, kahit na hindi siya ang pinili ko, kagaya pa rin ng dati ang trato niya sa akin.
Hindi pa nagsisimula ang first subject namin nang biglang sumulpot si Ms. Cha sa room namin, natahimik ang lahat matapos bumati sa kanya.
"Good morning grade 9, hindi papasok ngayong umaga si Ms. Jatico, pero may iniwan siyang gagawin niyo." Nagreklamo naman ang halos lahat ng kaklase ko.
"Quiet, bakit kayo nagrereklamo? Magkukwentuhan lang naman kayo dyan." Sabi ni Ms. Cha para mapatahimik ang lahat. Sinulat niya ang pages ng activity namin at humarap ulit sa amin.
"Class akala niyo ba hindi alam ng school admin at faculties ang mga pinagchi-tsismisan niyo? Starting from today wala na akong maririnig na bulungan tungkol sa classmate niyo." Tumingin siya sa akin, ngumiti naman ako.
"Gawin niyo na iyang activity niyo, Andrade kolektahin mo at ipasa mo sa akin sa guidance office ha. Legaspi, sumunod ka sa akin." Tumayo naman agad ako at sumunod sa kanya kesa makita pa ang mga tingin ng kaklase ko sa akin.
Nakaupo na ako sa harap ni Ms. Cha. Friendly naman siya sa lahat ng estudyante pero kapag seryoso siya nakakatakot. Nakahinga ako ng maluwag kasi 'yong seryosong tingin niya sa akin kanina, napalitan din ng ngiti. "So Natasha, kamusta ka naman? 'Yong totoo."
Umiling lang ako. Nasasaktan pa din ako hanggang ngayon, hindi ako okay.
"Anong sinasabi nila sayo? Huwag kang mahiya o matakot magsabi sa akin. Guidance counselor ako dito at lahat ng sasabihin mo safe sa akin."
"Thank you po, Ms. Cha." Nasabi ko na lang pero pinilit niya akong magkwento.
"Sabi po nila, malandi raw ako, mga ganon po." Mahina akong tumawa. Pampalubag loob lang. Nakakainis naman kasi, nagmo-move on na nga ako sa mga nangyari kahapon pero binabalikan ko na naman sila ngayon.
"Ano ba talagang meron sa inyo ni Sir Salazar?"
Hindi ako agad nakasagot dahil nagsalita siya ulit.
"Meron ba?"
Gusto kong sabihing meron, at masaya ako sa kanya pero iniling ko ang ulo ko. Baka may mapahamak sa aming dalawa.
"Oh, wala naman pala eh bakit ang tagal mong sumagot?" Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko din ang tubig sa mata ko.
Pakiramdam ko ang hina hina ko. Hindi ko manlang maipagtanggol kung anong meron kami sa lahat ng tao dahil alam kong maraming manghuhusga sa amin.
Alam kong mali ito. Pero mali pa rin ba kung doon ka masaya?
BINABASA MO ANG
Stumbled Mistakenly
Roman pour Adolescents"Is it wrong if I love her as a person, as a girl, and not as a student?" (Mistaken series #1) SasaCookieKeyk. 2017-2018.