Chapter 12

30 0 0
                                    

Bakit ang sarap pakinggan ng "Pinaalis ko nga nga sila para sayo, 'di ba?" ni Sir Morgann Salazar?

"Uy, ngumingiti na." Pang-aasar niya kaya mahina akong napatawa.

"Kasi naman eh! Madami na ata siyang natanong sayo." Sabi ko, eh ni isa nga ata wala pa akong alam tungkol sa kanya.

"Tinanong lang ako ni Libidad tungkol sayo." He said sincerely. Gusto kong tumawa nang tumawa sa saya. Hindi niya naman kailangan sabihin ang totoo sa akin eh, pero ito, sinasabi niya.

"Kinuwento ko lang kung bakit ka nagpapa-tutor. Nakakairita nga eh, ang dami na nilang lumapit." Inayos niya ang kwelyo niya, binuksan ang isang butones, nasisikipan ata. "Ang daming nagsasabi na ang swerte mo raw, hindi nila alam, mas swerte ako."

Ano daw? Hanggang 'hindi nila alam' lang ang narinig ko! "Ano po ulit, sir?"

Ngumiti siya sa akin. "Sabi ko, ang daming nagsasabi na ang swerte mo raw, do you agree?"

Nagkunwari akong nag-isip. "Of course, ikaw si Sir Salazar eh, it's a privilege!" Nag-bow pa ako ng ulo na parang isa siyang prinsipe sa isang magandang castle. Tingnan mo naman, tall, dark, handsome, nasa harap ko everyday, swerte talaga ako.

Tumayo siya, at tingnan ang paligid, ginaya ko siya, tiningnan ang paligid at nakitang wala ng mga tao. Nagulat ako nang mag-bow siya sa harap ko na parang isang prinsipe. "My princess, it's an honor to teach someone like you." My princess daw? Ginawa niya ito sa harap ko! Sa harap ko lang!

Tumawa kaming dalawa nang may naalala akong nagpainit na naman ng ulo ko. Nakaupo na siya sa harap habang nakatingin sa akin, inilagay ko ang apat na sulat na natanggap ko kanina, oo apat na, may sumingit pa na isang babae kanina eh. Syempre, inuna ko ang kay Des kagaya nang sinabi ko.

Umirap ako. "Mga sulat nga pala ng mga babae mo para sayo."

"May sulat ako? Talaga? Uso pa pala ang sulat ngayon?" Nakangiti niyang tiningnan iyon isa-isa. So nag-e-enjoy pala siya?

Tahimik lang ako pero naiinis na naman ako. 'Yong reaksyon niya kasi eh! Binuksan niya ang kay Des. "Sabi ko na nga ba," Tumingin siya sa akin at tinaasan ko ng kilay. "Your friend likes me."

"Bakit, feel mo ba?" Tanong ko. Napakagaling ng isang ito mag-assume. Assume? Totoo namang gusto siya ni Des eh.

Tumango siya. "I know a lot of girls. Everyone of them likes me. Kakaiba ang tingin ng isang tao sayo kapag gusto ka niya. Pati ang ngiti niya, iba." Tumingin siya sa akin, tapos ngumiti. 'Yong kakaiba niyang ngiti sa akin. I don't want to assume pero bakit ganon? "Masaya na siyang makita ka, lalo na kapag masaya ka, masaya na rin siya."

Binasa niya ng malakas ang sulat ni Des, gusto niya din iparinig sa akin, natatawa-tawa nga ako minsan. Ang kaibigan ko, dalagang dalaga na! "Sometimes, I hope you're in my dream. Always smile, kasi you are so gwapo everytime you smile. I'm so happy kasi frequent na ang pagngiti mo ngayon. Sana, forever na. I just want you to know that you are my happy pill, without you I'm just a sad song. My letter ends here, don't worry, I'll give you more. Lovingly yours, Desiree Dael."

Hindi naman talaga malakas ang pagbabasa niya kasi library pa din ito. Naririnig ko kasi super lapit namin sa isa't-isa. Nakaakbay kasi siya sa upuan ko. Medyo tumawa siya pagkabasa niya sa sulat ni Des. Ngumiti lang ako, ang ganda nga kasi talaga ng ngiti niya! "Bakit ka tumatawa?"

Tinanggal niya muna ang eyeglass niya, pinigilan na ang tawa saka umiling-iling. Sunod niyang binasa ang kay Princess, isang grade 10. "Sobrang saya ko po nang malaman na kayo po ang math teacher namin, sana po, kapag dito ako nag grade 11, kayo pa din po. Wish ko po ang lahat ng makakapagpabuti at makakapagpasaya sa inyo." Huminto siya at tumingin sa akin.

"Para namang birthday ko kung makapag-wish itong si Princess." Tumawa lang ako, huminto nang nagsalita siya ulit. "Halata na ba talaga ang pagngiti ko?"

Nag-isip ako. "Oo, madalas ka nang ngumiti kapag nginingitian ka ng iba, kaya ang dami nang lumalapit eh, ang bait mo na kasi, tsk, tsk tsk."

Tiningnan niya muna ako. "Sige, hindi na."

Tinusok ko ang tagiliran niya. "Bakit naman hindi? Papanindigan talaga ang Sir sungit?"

Umiling siya. "Hindi, sayo lang ako dapat maging mabait." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong alamin mung bakit, pero wala na, hindi ko na alam!

Nagpatuloy siya na parang walang nangyari. Nakakainis. "Sir, gusto ko po kayo, simula ng dito ako pumasok, ewan ko po eh. Sobrang gwapo niyo, medyo masungit lang po hehe. Godbless po always, we love love love you po!" Itinupi niya ulit ang sulat matapos basahin, binasa niya pa ang isa. Hanggang sa kinuha na niya ang huling sulat. Naalala ko, galing ito sa grade 8, kulay blue na colored paper.

Tiningnan niya muna ang papel, nangiti pa siya. Anong meron dito sa sulat na ito na nakakapagpangiti sa kanya? "Ano yan? Patingin!" Sabi ko at pilit tiningnan ang sulat pero inilayo niya.

"Oo, wait lang! Makinig ka, ito maganda." He cleared his throat. "Dear Sir Morgann Salazar, I am Trisha Kalasin in grade 8 section C I am willing give a letter to have tell you my feelings." Huminto muna siya, nang magkatinginan kami, sabay kaming tumawa. 'Yong grammar talaga eh! Hindi ko alam kung napapalakas na ba ang tawa naming dalawa. Basta alam ko, masaya ako, iyon ang nararamdaman ko sa loob ko.

Tinapik niya ako na parang pinapaawat na. "Library, library." Inayos niya ang salamin niya. "Buti na lang tayo lang ang nandito. Tsk, Legaspi." He called my surname kaya napaayos na ako ng upo at pinigilan ang tawa.

"Bakit last name?" Tanong ko.

Hinaplos niya ang buhok ko at ibinulong ang pangalan ko. "Edi, Natasha." Nang magtama ang mga mata namin, tumawa ulit kami. Mas mahinahon na nga lang. Para lang kaming magkaibigan, nakakatuwa.

Tinuloy niya ang binabasa. "I love you so much." OA siyang napatakip sa bibig kaya tumawa ako. Shocking, tumama ang grammar sa part na iyon. "You made realize me that everyday is a happy day and you makes me smiles and I am feels something weird. I will not take away my eyes of you, because happiness for me, is you. I wish that sometimes your willing to make notice me. I love you again. From, Trisha."

"Hay, natapos din!" Napasandal ako sa upuan. Naramdaman ko pa nga ang kamay niya, hanggang ngayon pala nakaakbay pa rin siya sa upuan ko. "Never kong pinagtawanan ang wrong grammars ng mga kaklase ko, kasi iniisip ko lahat naman tayo dumaan doon. Ngayon lang, ikaw talaga! Dinadamay mo pa ako!" Tinulak ko siya.

Tumawa siya. "Oo, bad iyon." Pero tumawa siya ulit. Grabe na talaga, ilang sides pa ni Sir Salazar ang dapat kong makita? Ginilid niya ang mga sulat, hindi pa nga nakapasok sa envelope ang mga iyon. "Ayoko ng mga iyan." Iritado na ang itsura niya. Ang bilis magpalit ng reaksyon ah!

"Ayaw daw? Sus! Mukhang nag-e-enjoy ka pa nga!" I crossed my arms.

"Hindi kaya, bakit mo ba kasi tinanggap iyang mga iyan?" Mukhang iritado na nga siya. Hala, ang cute lang!

Napangiti tuloy ako. "Pinapabigay sa akin, sabi ibigay ko daw sayo. Alam na ata ng marami ang tutorial thing na ito, kaya ayan, sa akin pinapabigay ng mga babae mo. Nahiya naman akong tumanggi."

Narinig ko ang 'tsk' niya. Parang bago na nga iyon sa pandinig ko. Hindi na siya madalas gumanon eh. Lumapit siya lalo sa akin, magkaharap kami. Dumidikit na ang tuhod niya sa tuhod ko. Isinandal niya pa ang mga siko niya sa hita niya, kitang-kita ko tuloy ang mukha niya. Iba ang epekto niya, parang gusto kong umayos nang upo pero ayaw ko din. Cheetah!

"Huwag mo sabihing 'mga babae ko', I don't like it." Kinuha niya isa isa ang mga sulat, bumalik sa ganong posisyon, nagulat ako nang i-crumpled niya ang lahat ng sulat. Kasama ang kay Des doon eh.

Hindi ko mapigilang mag-react. "'Yong sulat ni Des!" Parang napansin niya naman ang taranta ko kaya inayos niya ang kay Des, pero tinuloy niya ang pag-crumpled sa iba, medyo naawa ako sa mga sulat na iyon. "Sa susunod na may magpabigay ng sulat sayo, huwag na huwag mong tatanggapin. Sabihin mo, sabi ko." May authority niyang sabi habang titig na titig sa mga mata ko.

"Sabihin mo din sa kaibigan mo, ayokong makatanggap ng ganon. I hate it, but I would love it if it's from you." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Give me a letter, I would love to read it."

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon