Chapter 13

31 0 0
                                    

Nag-aral ako. Sa lahat ng subject, nag-aral ako. Para mags-scan na lang ako next week. Pati ang last week na lessons ni Sir, pinag-aralan ko na rin. Puyat na puyat ako.

I slept for about four hours? Ang hirap talagang mag-aral. Pinagalitan na tuloy ako ni mama.

"Gusto mo ba na madagdagan iyang sakit mo?" Ilang beses na akong napagalitan kasi ilang beses akong humikab sa harap niya, at ngayong naghahain siya sa harap namin ni Nate ay dumadada pa rin siya.

Tiningnan ko siya. "Pa-check up tayo." I said. Sumimangot siya. "Bakit may nararamdaman ka ba?"

"Wala, feeling ko wala na akong anemia." Ngumiti ako. Piningot niya naman ang tenga ko. "Aray!"

"Anong wala? Namumutla ka nga dahil dyan sa pagpupuyat mo! Huwag ka nang  pumasok ngayon." Oh no, galit na siya, wrong move ka talaga lagi, Natasha. Nakita ko pa si Nate na nakataas ang hintuturo, sinasabing 'lagot ka'. Loko itong batang ito.

"Mama, umiimom nga ako ng gamot 'di ba po? Saka hindi pwede, may quiz kami ngayon sa Science at English." Depensa ko at kumain na. Nilagyan ko ng kanin ang plato ni mama. "Kain na po ma, umagang umaga eh."

Dahil doom nakatanggap na naman ako nang pingot sa tenga. "Iyon nga, umagang-umaga Tasha eh binu-bwisit mo ako!"

Tumayo na lang ako para yakapin siya. Hindi ko naman masyadong ramdam ang antok ko, mas excited nga akong pumasok eh, feeling ko uminom ako ng energy drink. Kapag naalala ko ang sinabi ni Sir Salazar kahapon, napapangiti na lang ako.

Nagpaalam na ako kay mama at bumyahe na. Baka ma-late pa ako.

"Nes!" Niyakap ako ni Des kaagad. "Ano, binasa ba ni sir 'yong sulat ko kahapon?"

Tumango ako. "Oo, binasa niya, nakita ko nga eh. You are my happy pill." Qinuote ko pa talaga. "Arte!" Inasar ko siya.

Tumawa siya bago ako hampasin. "Bakit mo tiningnan!"

"Eh binasa niya sa tabi ko eh, syempre makikita ko." Sabi ko habang tumatawa.

Inilabas niya ang bagong sobre mula sa bag niya. "Like what I said sa letter, I'll make more. Pakibigay ulit, Nes. Please?"

Inilayo ko ang sulat sa akin. "Ay Des, sorry. Ayaw niya daw ng mga sulat. Sorry talaga." Hindi ko sinabi kung ano ang pwedeng gawin ni sir doon, baka kasi masaktan si Des.

Napatingin ako sa second floor, nagulat ako nang makita si Sir Salazar na nakatingin sa akin. Nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya ngumiti siya sa akin, ngingiti rin dapat ako pabalik, pero tumalikod na siya at niyugyog na ako ni Des.

"Hindi nga? Eh anong gusto niya?" Hinampas niya ako. Aray. "Pinagana ko pa naman ang pagiging creative ko doon. Nakakainis." Hinawakan niya ang dibdib niya. "Ang sakit, bakit feeling ko na-reject ako. Bakit? Bakit niya tinapakan ang feelings ko!" Hinampas niya pa ako ulit.

Kahit gaano ko kagustong maapektuhan sa pagiging 'brokenhearted' niya, hindi ko magawa. Natawa na lang ako. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko makalimutan ang sinabi ni sir. Na I should make letters for him, he would love to read it kesa sa ibang letter na natanggap niya kahapon.

Tiningnan ko si Des na nagmumukmok habang naglalakad kami papuntang room. Kawawang bata, why not give her a chance? Bakit susundin ko ang sinabi ni Sir? Eh gusto siya ng kaibigan ko! The only way para mapasaya siya ay ang pagbibigay ko ng sulat kay sir, ayoko ng ganito si Des eh.

Kinuha ko ang bagong sulat ni Des. "Akin na nga."

Mangiyak-ngiyak na siya. "Bakit mo kinuha? Akala ko ba ayaw niya ng sulat? Akin na nga!"

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon