Habang papasok ako ng school, may ilang babae ang nag-aabot sa akin ng mga letter nila, ipinapabigay nila kanino pa ba? Kay Sir Morgann lang naman. Napangiti ako dahil ang sarap daw sa tenga kapag binabaggit ko ang pangalan niya. Inaasar ko tuloy siya kaya iyon na ang tawag ko sa kanya.
Tinanggihan ko ang mga sulat nila, sinabi ko na hindi na tumatanggap ng ganito si Sir at ayaw niya nito. Nalungkot ang iba, ang iba naman, nagtaray pa. Nakakainis lang, sila na nga itong nagpapaabot, sila pa ang magtataray o magagalit dyan?!
First day of examination namin ngayon. Three subjects ang ite-take namin per day. Inaalala kong Math nga pala ang second subject kaya may time pa akong tingnan ang mga notes at formulas ko na mismong si Sir Morgann pa ang gumawa para sa akin. Napangiti ako.
Mas napangiti pa ako nang makita ko si Des, kumakaway sa akin. "Nes! Kinakabahan ako, wala pa akong review sa TLE!"
Napailing ako. "Ayan ka na naman! Bakit ba hindi ka nakapagreview? Maaga na nga tayong pinauwi kahapon para makapag-review pa eh."
Tumawa siyang parang kinikilig. Inilabas niya ang blue na sobre at siya na mismo ang naglagay nito sa bag ko. "Pakibigay ulit, Nes ha? Naibigay mo ba ang sulat ko nang isang kahapon?"
Muntik na akong mapatulala sa pinaalala niya. Eh iyon nga eh, nakalimutan kong ibigay kay sir! Napatango na lang ako kahit na nasa bag ko pa rin iyon ngayon. Buti hindi niya nakita!
Kumapit siya sa braso ko. "Yes! Sana binasa ni sir."
Binalik ko na lang ang topic sa kanina. "Kaya hindi ka nakapag-review dahil sa letter na iyan? Ilang oras mo bang ginawa iyan?"
"Hindi ko alam. Namalayan ko na lang 10PM na pala." Tumawa siya.
Napailing na lang ako. "Last subject pa naman iyon, sa break time ka na mag-review."
Alphabetical order ang pila kasi iyon din ang seating arrangement namin mamaya sa room. Napatingala ako sa second floor, nagulat ako nang makita si sir. He said, "goodluck". Nginitian ko na lang siya at nag-thank you.
Nagulat na lang ako nang tinawag ako. "Natasha!" Pagtingin ko, wala na ang mga kaklase ko na nasa harap ko. Nakapila nga pala kami! Binilisan ko na lang ang lakad ko kasi naiinis na ang iba kong kaklase na nasa likuran ko.
Natapos na ang three subjects namin ngayong araw at kasama kong naglalakad si Des.
"Nakakainis, miss ko na 'yong lugaw dyan eh." Naiinis daw siya kasi binigyan siya ng service ng mama niya. Parehas kaming commuter dati kaya bago umuwi naglulugaw muna kami pagkatapos ng exam.
"Oo nga, miss ko na rin 'yong lugaw! Samahan mo pa ng tokwa't baboy!" Gusto ko tuloy bigla non.
"Ganito na lang kaya, sabihin ko sa service ko saglit lang tapos lugaw tayo!" Kumapit siya sa braso ko, excited na excited. Kailan pa ba kami huling nag-bonding ni Des?
Papayag na sana ako, pero naalala ko si sir. His face, his smile, and what he said.
If you feel like you didin't pass my exam, go here in the library.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko. "Sorry Des, kasi si—"
"Dael, sundo mo!" Sigaw ng ladyguard namin. Napairap na lang si Des at tiningnan pa ako, gusto niyang ituloy ko ang sinasabi ko.
"Si ano kasi, 'di ba, ibibigay ko pa 'yong ano mo." Ipapalusot ko na lang ang letter niya, dadaan ako ng library. Sa totoo lang, mas excited akong makita siya kesa sa pagkain ng lugaw kasama ang bestfriend ko.
Ngumiti siya. Bakit ganon ang ngiti niya? Nakakalungkot. Hinampas niya ako. "Nakakainis! Ganito na palagi. Next time na lang nga, ha Nes?"
Ngumiti ako. "Oo naman! Ikaw pa?"

BINABASA MO ANG
Stumbled Mistakenly
Ficção Adolescente"Is it wrong if I love her as a person, as a girl, and not as a student?" (Mistaken series #1) SasaCookieKeyk. 2017-2018.