Chapter 4

36 1 0
                                    

"Pagka-minus?" tinignan ako ni Sir na parang tinatanong ako kung anong next process.

"That's the answer." I answered and write it immediately on my paper.

"And?" He asked.

"Check it. Three plus n over five plus n is equals to four fifth." I answered while writing.

"Ayan, madali ka naman pa lang matuto. Asan na yung seatwork natin kanina? Sagutan mo 'yong mga mali mo." he said.

Marami akong hindi nasagutan. Kaya marami rin akong sasagutan ngayon. Busy ako sa pagsasagot nang mapansin kong nakatingin lang siya sa ginagawa ko.

Syempre, nakaka-pressure, tinitingnan ng teacher mo ang gawa mo eh, dapat hindi magkamali. Pero ako si Natasha Legaspi, walang Math ang hindi nagkaroon ng mali.

Sinita niya agad ang mali ko, na agad ko rin tinama. Malapit na akong matapos nang mapansin kong sa akin naman siya nakatingin. "Bakit Sir?"

"Wala, magsagot ka na." he said, kaya syempre, nagsagot na ako.

Nasa last number na ako ng mapatingin ulit ako sa kanya, tinitingnan niya ako eh, or should I say, 'tinititigan'? Napaka-uncomfortable kaya kapag tinitingnan ka ng isang tao. May dumi ba ako sa mukha? Ayusin ko kaya muna ang mukha ko?

Nakatingin lang din ako sa kanya, walang nagsasalita sa amin. Hanggang sa, I can't take it anymore, hindi ko siya kayang titigan, feeling ko ang bastos eh. "Bakit po, Sir?"

Tulad kanina, iyon pa rin ang sagot niya. "Wala, magsagot ka na." Since nasa last number na ako, sinulat ko na ang sagot at tumingin sa kanya. "Tapos na po."

Kinuha niya agad ang papel ko at nangingiti pa ng makitang tama lahat ng sagot ko. "Very good." he said, binalik ang papel sa akin na may check na.

"Tapos na po Sir? Pwede na po akong umuwi?" tanong ko habang inaayos ang gamit ko.

"Anong tapos na? May fifteen minutes pa. One hour tayo lagi."

Ngumiti lang ako. Cheetah, gusto ko ng umuwi. Naging awkward tuloy ako, kasi naman si Sir, panay titig sa akin kanina.

"Eh ano na pong gagawin natin?"

He smiled a bit. "Tanungin kita, sagutin mo."

Ang tanong ay ang moral story ng lesson niya ngayon. What? Posible ba na may moral lesson ang solving ng radicals?

Napakunot tuloy ang noo ko. "Meron po ba, sir?"

"Hindi lang story ang may moral lesson, pati ang Math ko, ano. Sige nga, anong natutunan mo sa lesson natin ngayon?"

Kaloka. Meron ba talaga? Sasabihin ko ba na natutunan ko ang tamang pag-transpose ng numbers? Hindi naman moral iyon eh!

Tumikhim siya. "Our lesson today taught you about?"

"Solving?" I asked.

Iniling niya ang ulo niya. "You must look at the numbers carefully. Tignan kung anong dapat unahin. Hindi ba?"

Tumango na lang ako.

"May isa pa akong tanong." he said.

"Po? Meron pa po ba?" Confuse na talaga ako, pinagtritripan lang ba ako nito ni Sir o meron talaga?

"Joke lang, sige na, umuwi ka na. Tapos na tutorial natin. Bukas ulit ah?" paalala niya saka inayos ang salamin niya.

Bakit biglang ang gwapo ng pag-ayos niya ng salamin niya?

"Sige po, thank you Sir Salazar." I said and opened the door, sabay labas. Hala, makulimlim na! Patakbo-takbo ako habang lumalabas ng school, baka mawalan ako ng sasakayan nito!



"Oh, Tasha, medyo ginabi ka?" tanong agad ni mama nang salubungin niya ako.

"Hirap sumakay, biglang bumuhos ulan eh. Bihis na po ako." Paalam ko at saglit na naligo at nagpalit ng damit. Muli kong nireview ang paper ko kanina na may check ni Sir Salazar. Perfect score. Sobra yung tuwa ko, yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko, first time kong makakuha ng ganitong score sa Math, ngayong highschool ako! I can easily be happy just seeing this perfect score all the time.

Masaya akong nahiga, no regrets naman sa first day ng tutorial, mas naiintindihan ko ang lesson, tapos okay pa si Sir Salazar kapag nagtuturo, focus talaga siya sayo. Sa sobrang focus, tititigan ka.

Medyo nakaka-bother pa rin para sa akin iyong pagtitig niya, ganon ba talaga siya or trip niya lang ako?

Mapang-asar din pala si Sir Salazar. Hindi ko alam kasi seryoso siya palagi. Nagjo-joke sya sa klase minsan pero minsan lang talaga.

Ang dami kong ngayon lang napansin, eh since grade 8, teacher ko na siya sa Mathematics.

Teka, bakit ba puro si Sir Salazar yung iniisip ko?

Binuksan ko na lang yung cellphone ko, na one week ko ng hindi nagagamit.

Ang dami agad notification ang nagsilabasan. Ang tagal ko ng hindi nag online eh.

Na-click ko tuloy yung FB ko. Pero isang bagay ang pinakapumukaw ng atensyon ko.

Morgann Salazar sent you a friend request.

Hindi nga? Bakit niya naman ako i-aadd?

Syempre, bago ko i-accept ang isang tao, titingnan ko muna ang timeline niya.

Naks, ang gwapo sa display picture niya! Anong sabi ng summer outfit niya with sunglass? Lakas ng dating ni Sir, teacher ko ito! I wanted to comment.

Madaming friends si Sir, 2k nga, tapos hindi siya pala-post ng picture, iilan lang din ang mga status niya, kagaya ng:

Happy teacher's day to all my co-teachers out there, cheers! 🍺

Ito, matindi!

Finally, I found you.

Feeling blessed pa daw siya.

May ilang nag-comment. Nang-iintriga, nang-aasar. Na-curious tuloy ako. Bukas nga, maasar si Sir.

Ay, bakit ko naman siya aasarin? Dapat kapag close na kami. Ay teka, bakit gusto ko namang maging close kami?

Ah basta, bukas ko na lang i-aaccept si Sir Salazar. Double n pala talaga ang Morgann niya, no?

Ito matindi, first time kong matulog ng ganitong oras. Promise, never in my life I checked someone's timeline like this, ang tagal ko na pa lang nagtitingin, 11PM na.

Dati kaya, sa pag-aaral lang ako napupuyat. Ah basta, matutulog na nga ako! Cheetah.

Pero hindi ako makatulog, naiisip ko kasi si Sir Salazar! Cheetah! Bad trip, bad trip! Binuksan ko ulit ang cellphone ko.

Accept
You are now friends with Morgann Salazar.

Ayan na ha, goodnight na talaga! Ito na, sana makatulog na ako!

Bago ako matulog, naisip ko, hindi naman pala masamang magbukas ng social media account paminsan-minsan.

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon