Si mama ang nag-ayos ng buhok ko kaya naman feeling ko ang ganda ganda ko. Sabay-sabay kami nila Mama, at Nate na nagcommute papuntang school. Ngayon na kasi ang recognition day, sasabitan ako ni mama ng award.
Papunta na kami ng gym nang sumigaw ang isa sa nami-miss ko na ngayon. "Natasha!"
Nilingon ko siya at ngumiti. "Des!" Lumapit ako sa kanya.
"Hello po tita, hi cutie." Bati niya sa mama at kapatid ko.
"Ma, una na kayo ni Nate, sunod na lang kami." Nauna na sina mama habang itong si Des, hinatak ako.
Oo, maayos na kami ni Des, pero hindi na kami kagaya ng dati. Hindi namin sure kung maibabalik pa ba namin 'yong dati naming friendship pero at least 'di ba? Kinakausap na niya ako ngayon.
"Oo nga pala, congrats ah!" Nakangiti niyang bati at mahina akong hinampas. In fairness, na-miss ko ang hampas niya.
"Congrats din, iba talaga nagagawa kapag laging maaga, 'no?" I said.
"Syempre naman! I-congrats mo din si Mike." Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. "Kanina ka pa muntik matunaw kakatingin niya sayo. Sige na nga, kayo na mag-usap!" Umirap pa siya bago ako kawayan para umalis.
Hinanap ko naman si Mike na nakatingin sa akin, malapit siya sa mga halaman. Nginitian ko siya at lumapit sa kanya. "Uy, Mike!"
"Natasha," He smiled at me.
Nanibago ang tenga ko sa narinig. Tinawag niya akong Natasha? Really? Si Mike ba talaga ito?
"Akala ko fruta ang tawag mo sa akin?" Tumawa ako.
"Eh wala na akong taga-"Nes" eh." Napangiti na lang ako. Tuwing tinatawag ako ni Des ng "Nes", susulpot si Mike at saka sisigaw ng "fruta", ngayon kasi Natasha na lang ang tawag non sa akin.
"Pero hindi ako sanay, kaya sige, fruta pa rin." Natawa na lang ako. Tinap niya ako sa balikat. "Congrats pala ah, proud pa rin kami sayo, lalong-lalo na ako."
Natuwa naman ako sa sinabi niya, lagi siyang nandyan para sa akin. "Salamat, Mike. Sorry talaga ah, kasi, alam mo na, friendship lang 'yong kaya kong ibigay sayo ngayon." Nahihiyang sabi ko, oo, two weeks ago, friends lang 'yong inoffer ko sa kanya, hindi naman kasi pwede.
"Sige pa, ulit-ulitin mo pa." Sinamaan niya ako ng tingin at umarteng nasasaktan. Natawa na lang ako. "Saka kahit naman sabihin mong friends tayo liligawan pa rin kita, kaya lang hindi lang naman ako sayo may respeto, pati na rin sa mga magulang mo, sabi nga nila 'di ba, bawal muna ang manliligaw?" Tiningnan niya ako sa mata at hinawakan ang isa kong kamay. "Kaya ito, kung ito ang kaya mong ibigay sa akin, tatanggapin ko pa rin. Masaya na akong nagiging parte ako ng buhay mo."
Binawi ko ang kamay ko sa kanya. "Akala ko ba may respeto ka sa akin, bakit hinahawakan mo ang kamay ko? Cheetah!"
Nag-sorry siya at tumawa. "Pero hindi ka bumitaw, ibig sabihin gusto mo rin. Tama ba ako, fruta? Ano? Gusto rin!" Pang-aasar niya habang naglalakad na kami papuntang gym, malapit na kasi magstart ang awarding at program.
"Ano ba Mike Irnaez! Tumigil ka nga!"
"Sabihin mo na kasi fruta, pipilitin ko lang si tita't tito, liligawan na kita!"
"Friends lang muna, okay?" Pang-aasar ko pabalik.
"Aray ko! Kahit kailan talo talaga ako sayo eh. Oo na, oo na!" Sabi ko na eh, titigil din iyan kapag binaggit ko na 'yong pagiging friendzone niya eh. Natawa ako.
"Pasalamat ka, maganda ka." Sabi niya pagkatapos guluhin ang buhok ko.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Alam ko!"
BINABASA MO ANG
Stumbled Mistakenly
Teen Fiction"Is it wrong if I love her as a person, as a girl, and not as a student?" (Mistaken series #1) SasaCookieKeyk. 2017-2018.