Pagkapasok ko pa lang ng gate ng school, ramdam ko na nay nakatingin sa akin, at hindi ako nagkamali, may lumapit na kaagad sa akin.
"Hi, Natasha!" Siya si Princess ng grade 10, section B, kung hindi ako nagkakamali.
Nilingon ko ang iba't-ibang estudyante. Hindi ko napansin si Des na palaging sumasalubong sa akin, nasaan ang babaeng iyon sa panahon ko ngayon? Absent ba siya?
Sinasabayan ako ni Princess sa paglalakad, hindi ko alam kung bakit. Kilala ko siya dahil minsan naging magkasama kami sa isang event sa school pero hindi kami sobrang close. "Kamusta maging tutor si Sir Salazar?" Ah, alam ko na ngayon.
Tipid akong ngumiti. "Ayos lang, magaling."
Ngumiti siya pabalik sa akin. "Bakit ka nagpa-tutor? Matalino ka naman, 'di ba?"
Napakamot ako sa likod ng tenga. Malapit na akong mainis. "Dahil sa scholarship, iyon, dahil doon." Isinukbit ko ng maayos ang bag ko. "Sige Princess, pupunta na ako sa room, baka ma-late ako."
Hinawakan niya ang braso ko. "Ay sandali Natasha!" Binuksan niya ang bag niya at ibinigay sa akin ang puting sobre. "Pwedeng pakibigay naman kay Sir?
Hindi na ako nakatanggi kasi siya naman ang nagmamadaling nagpaalam. Tiningnan ko ulit ang sobreng puti. Ano ito, love letter?
Natawa ako. Pero bakit ganon? Parang nakakainis? Huminga ako ng malalim at inilagay na lang sa bag iyon.
Bago ako makatapak sa room ay may isang grade 8 na lumapit sa akin at nagbigay naman ng blue na colored paper pero naka-sealed. Ibigay ko daw ito kay Sir Salazar. Cheetah naman! Marami na ba ang nakakaalam na ako ang tinu-tutor ni Sir Salazar?
Pagpasok ko ay nakita ko si Des, busy ata? Nilapitan ko siya at sinilip ang love letter na isinusulat niya.
"Dear Sir Salazar, I am—"
Tinakpan niya agad nag sulat. "Ay, shete! Nes naman!" Hinampas niya ako. "Huwag ka ngang maingay dyan."
Tumawa ako. "What's that? Gumawa ka din ng love letter for sir? I can't believe you." Umupo ako sa unoccupy chair, katabi niya.
"Oo na Nes, oo na. Parang alam ko na iyang sasabihin mo." Tinapat niya ang palad niya sa akin. "Ano, na maybe this is infatuation and I should stop crossing the line?" Tumawa siya, inilagay ang scented paper sa loob ng puting envelope, kumuha ng heart na sticker at iyon ang pinang-seal.
"Nes, please?" Itinapat niya ang envelope sa harap ko. "Pakibigay, please?"
Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niyang nagmamakaawa sa akin. "Nes, huwag mo nang pag-isipan." Kinuha niya ang palad ko at inilagay doon ang sulat niya. "We're friends, right?" Mahina niya akong hinampas, sabay yakap sa akin. "Thank you, Nes, I love you!"
Niyakap ko siya pabalik at hinawakan ang sulat para kay Sir. "Nakigaya ka naman sa iba. Dapat kakaiba ka!"
"Ha? Nakigaya?" Nagtataka siyang bumitaw sa akin.
"Oo, may nauna nang magbigay sa akin ng sulat. Ibigay ko daw kay Sir. Huwag kang mag-alala, i-uuna ko ang sayo." Nginitian ko siya.
Sumimamgot siya. "Naunahan na ako! Dati ko pa plano iyan eh. Talagang hindi lang ako magaling magsulat."
Tiningnan ko ang letter niya. "Patingin nga." Akmang bubuksan ko na pero pinigilan niya ako. Nagtawanan lang kami hanggang sa dumating na ang first subject namin.
"Nes!" Tumakbo papalapit sa akin si Des kaya huminto ako sa paglalakad. Papunta na dapat akong library eh.
"Akala ko ba hihintayin mo ako?" Nagpupunas siya ng pawis. "Ikaw ah!"
BINABASA MO ANG
Stumbled Mistakenly
Novela Juvenil"Is it wrong if I love her as a person, as a girl, and not as a student?" (Mistaken series #1) SasaCookieKeyk. 2017-2018.