Chapter 2

52 0 0
                                    

Oo, totoo talaga ito. Grade conscious ako, since pre-school, consistent honor student ako, pagdating ng elementary hanggang highschool, but things get harder and harder, lalo na sa grade 8, lalo ata itong grade 9? Ang hirap ng Math. Things get easy at first, but harder and harder as time goes by. Just like Mathematics, easy kapag tinuturo, hard kapag actual test na.

Kaya ngayon, ang isang 15 years old na kagaya ko ay tumutulo ang luha sa harap ng mga magulang niya, oo na, sige na, iyakin na! Masama na ba agad iyon? Eh naiiyak akong ipakita sa mga magulang ko ang bagsak kong score sa Math eh.

"Sorry Ma, Pa, promise mag-aaral pa ko ng mabuti sa Math, makikinig pa talaga ako ng maigi. Sorry na ma, pa." paulit-ulit kong sabi habang paulit-ulit din na pinupunasan ang luha ko. First heartbreak ko talaga lagi ang Math, sht.

Tumawa si Papa habang ka-video call namin siya. Sa ibang bansa kasi siya nagtatrabaho. "Anak, hindi naman kami galit ng mama mo. Anong sorry ka dyan?"

Muntik pa kong umiyak ng sobra sa sinabi ni Papa, bakit hindi siya galit? I'm so thankful to have him, whose father is this? Mine.


Tumawa din si mama at niyakap ako. "Anak, proud pa rin kami ng papa mo sayo. Yung iba nga dyan, hindi pa umaabot ng 70 ang score sa Mathematics eh, ikaw anak, malapit ka na. Nagsisikap ka pa, doon pa lang proud na kami ng papa mo sayo. 'Di ba, pa?" tumango si Papa sa cam. Niyakap ko pabalik si mama. Ngayon ko lang na-realize na ang drama ko pala talaga pagdating sa Math.

Tinitignan ko lang si mama na nakangiti habang pinipirmahan ang test papers ko ng biglang mag text sa akin si Des.

May status si sir salazar. Nabasa mo na? Is what the text says.

Eh ano naman kung may status siya? Hindi ko rin naman siya friend, loka talaga to si Des. Wala akong ibang friend na teacher bukod kay Ms. Cha at Ms. Jatico.

Hindi ko na lang nireplyan si Des, kaysa magbukas ng social networking site, mag-aaral na lang ako!








"Ilan ka sa Math?" tanong ng katabi kong si Rena sa akin. Malungkot kong pinakita sa kanya ang testpaper ko, tinap niya ang balikat ko na para bang sinasabing ''okay lang iyan''.

Biglang humarap sa akin si Mike, at tinanong ang score ko. "Fruta ilan ka?"

"Saan?" bored kong sagot sa kanya.

"Sa Math?"

"73 nga" medyo mahina ang boses ko nang sagutin ko siya, nakakahiya naman kasi talaga ang score ko, para sa isang consistent na top 2 gaya ko. Ewan ko nga kung matutupad ko pa yung pangarap ko na maging top 1 this year.

"Weh?" as usual, hindi na naman naniniwala ang isang ito. Labag sa loob kong inabot ang test paper ko sa kanya. Binalik niya iyon at sinabing, "Okay lang iyan Tasha, bawi next time." nginitian ko lang siya.


Nagpaalam na si Ms. Jatico dahil tapos na ang oras niya sa amin. Pero bago tuluyang makalabas ay tinawag niya ako. "Natasha, sumunod ka sa akin sa faculty, saglit lang ito." sumunod naman ako sa kanya agad.

"Bakit po, miss?"


"Natasha, you're one of an excellent students  here, kung tutuusin, puwede kang maging first honor simula pa nung grade 7 ka, but according to your report cards," nakapasok na kami ng faculty at pinaupo niya ako sa harap ng table niya. "yung mathematics mo lang talaga."


"Since grade seven ka pa naman dito, hindi ba? Alam mo naman yung scholarship sa isa sa mga prestigious schools kapag straight first honor or second ka, makukuha mo iyon 'di ba?"

Tumango ako. Saan ba pupunta ang usapan na ito? Sht ah=cheetah!

"Natasha, may tiwala ang buong faculty sayo, at alam naming deserving kayong dalawa ni Elen. Pero ija, kung hindi mo maaayos ang Math mo, bababa ka sa top 3, wala ng scholarship pagdating doon."

Tiningnan niya ako ng mabuti. "Natasha, may I ask you a question?" tumango lang ako. "Do you want the scholarship?"

Walang pag-aalinlangan akong sumagot. "Syempre po, gusto."


Ngumiti siya. "Good, nakausap ko pala si Sir Salazar last time about you and Elen, you are the only problem, mahina ka ba talaga sa Math?"

Nahihiya akong ngumiti. "Opo, mahina na po ako since then, pero sinusubukan ko naman pong mag-aral ng mabuti, promise ko po na hindi na ako babagsak sa Math."

Ngumiti lang siya. "Talaga? But Sir Salazar is volunteering about giving you a personal tutorial about Mathematics. Mas maiintindihan mo kapag mismong teacher na ang nagtuturo sayo."

Tutor? Ano ako, bata? Elementary? Nakakatawang isipin! Agad kong iniling ang ulo ko. "Ms. Jatico, hindi na po. Kaya ko pong mag-aral mag-isa, saka pagbubutihin ko naman po ang pag-aaral ko eh, kahit wala na pong tutor."

"Sure ka ba dyan? Ito ang letter, siguradong papayag ang parents mo sa idea namin. Papirmahan mo itong letter na ito, ha?"

Saglit kong tiningnan ang puting sobre pero ibinalik ko alng ito sa kanya. "Miss, hindi na po talaga."

Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko, sabay abot ulit ng letter. "Natasha naman, libre lang naman ito at walang bayad. Saka tinutulungan ka lang naman namin. Sige na, ha. Ipakita mo sa mama mo, okay ba iyon? Sige na, may next class pa ako." Iniwan ako ni Ms. Jatico na mainit ang ulo, gusto kong punitin 'yong sulat! Hindi ko ito ipapakita!




Bumalik ako sa classroom at nag excuse kay Sir Salazar kung pwede na bang pumasok, pumayag naman siya. Naisip ko ulit yung tutor thingy, natatawa na lang ako!

Tiningnan ko ang pagtuturo niya, oo, magaling naman, hindi ba pwedeng pag aralan at kailangan pa talaga ng personal tutoring? Bakit siya nagvolunteer? Sabi ni Ms. Jatico iyon 'di ba? Na nagvolunteer siyang i-personal tutor ako?



"Makinig class, huwag tumunganga okay? Number 6 na tayo." Nakuha ang atensyon ko at napabalik ako sa real world. Nakinig na lang ako kay Sir Salazar, papatunayan ko na hindi ko na kailangan ng personal tutor no, I'm not a kid! 

Tungkol lang naman sa properties of radicals at addition and subtraction of radicals ang lesson namin ngayong araw.

Nag seatwork kami after niya magdiscuss, sus, easy! Perfect twenty nga ang score ko.

"Who got a perfect score? Raise your hand." proud na proud akong nagtaas ng kamay, actually dalawang kamay pa nga ang tinaas ko eh.

"Legaspi, I said raise your hand, not your hands." he said that made the whole class laugh, and him?

Tumawa saglit si Sir Salazar.

Tumingin ako kay Des, ang babae, mamamatay na ata sa kakatawa, o sa kilig?

Napangiti ako.

I secretly texted Des, nagrerecord pa naman ng score si Sir eh.

Na-inlove ka lalo kay sir?

Tiningnan niya ako at nag-form ng 'O' ang bibig niya kaya saglit akong natawa sa kalokohan niya kay sir Salazar. Hindi ko nga alam kung totoo ba siyang na-inlove kay sir gaya ng sinasabi niya o na-attract lang siya dito eh. Anyway, natatawa ako kapag nakikita ko si Des na todo kung makatitig kay Sir Salazar, kagaya ngayon.

"Okay, since madali lang ang topic natin ngayon, we will move to the next lesson tomorrow. Goodbye, class." tumayo kaming lahat at nagpaalam sa kanya. Nang madaanan niya ako ay ngumiti siya sa akin.

Hala ang gwapo ni Sir kapag nakangiti. Kaya pala patay na patay ang kaibigan ko. Saglit na naisip ko ulit ang ngiti ni Sir Salazar ng magsalita si Des na nasa gilid ko na pala. "Nes, kain na tayo!" she said in a cheerful way.

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon