Chapter 15

32 0 0
                                    

Sabi ko dati, first heartbreak ko palagi ang Math, pero ngayon, happiness ko na siya.

Pero ano ba naman iyong ako daw ang reward niya? Pwede ba iyon? Ano ba namang ibig sabihin ni Sir Morgann doon? Napailing na lang ako. Alam ko naman talaga ang ibig niyang sabihin.

Gusto kong mainis sa kanya nang sabihin niya iyon. Parang ang landi ng pagkakatanong eh.

Pero gusto mo. Sabi ng isip ko. Argh.

Pero hindi ko magawa. Masyado akong masaya, na parang kinikilig? Ganito ba iyong feeling na iyon? Hanggang ngayon hindi mawala ang ngiti ko eh.

Seryoso ba siya sa sinabi niyang iyon? Am I special for him? Maitanong nga mamaya.

I looked around the school's hallway, para kasing may nakatingin eh, pero baka imagination ko lang iyon. Nagtataka lang ako, hindi ako sinalubong ni Des. Sasabihin ko pa namang binigay ko ang mga sulat niya kay sir, hindi ko nga lang sure kung binasa ba niya.

"Naiintindihan mo?" Napatingin ako sa nakaawang na pinto ng practice room. Pamilyar na boses. Sir Morgann? Sino iyong kausap niya?

Wait, si Des ba iyon? Nakayuko lang ito pero dahil kilalang-kilala ko na siya alam kong siya iyon. Pero bakit naman niya kausap si Des na parang naiinis pa siya?

Tumango si Des. Lalabas na siya kaya sumandal ako sa pader sa likod ng pinto para hindi niya ako makita. Nang nakalabas na siya, saka ko siya tiningnan. Nagmamadaling naglakad papunta sa room namin. Ano kayang pinag-usapan nila?

"Natasha?" Napatingin ako kay Sir na sinasara na ang practice room. "Good morning" Bati niya sa akin.

Tiningnan ko siya. "Good morning din, anong pinag-usapan niyo ni Des?"

"Tungkol lang doon sa mga sulat niya." Sagot niya. Bakit ganito, parang naiinis akong binasa niya ang sulat ni Des? Nagustuhan niya ba ang mga sulat ng kaibigan ko? Kailangan ko na rin ba gumawa non para sa kanya?

"Anong meron sa sulat niya?" Naitanong ko tuloy.

"Sabi ko huwag niya na akong bigyan, hindi ko gusto." Sagot niya sa usual masungit tone niya.

"Sinabi mo talaga iyon?" Kung sinabi niya iyon,  edi nasaktan si Des?

Tumango siya. Kinunutan ko siya ng noo. "Pinagalitan mo siya?" Sasagot na sana siya pero nagsalita ako ulit na napapailing. "Pupuntahan ko siya."

Nagmadali ako, hindi ko inintindi ang tawag ni sir sa akin. Lakad takbo na nga, gusto kong mag-alala kay Des, pero bakit ganito? Parang wala lang sa akin kung nasaktan na siya? Nailing ko ang ulo ko. "Des!"

Nakita ko siya sa usual armchair niya, naka-heads down. Niyugyog ko siya. "Des, okay ka lang ba?"

Kami lang ang nasa loob ng room kaya naririnig ko ang maliliit na hikbi niya. Tinabihan ko siya. "Bakit?"

Nagulat ako. Inangat niya ang ulo niya at  basa ang mukha niya ng luha. Pinunasan niya ito. "Shete, ang sakit Nes." Suminghot siya saka tumawa. Kanina umiiyak, ngayon tumatawa na.

"Nabaliw na?" Nasabi ko na lang.

Pinahid niya pa ang mga luha niya habang nakangiti. "Brokenhearted ako, totoo na. Oo, sulat lang ito, pero dahil kay Sir Salazar, alam mo ba 'yong sabi niya kanina?"

Kunwari hindi ko alam. "Kinausap ka niya?"

Tumango siya. "Ang saya ko nang una kasi tinawag niya ako, akala ko kung ano pero ganon pala. Sabi niya ayaw niya ng mga sulat ko. Huwag na huwag na raw ako magbibigay. B-binalik niya sa akin."

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon