Chapter 10

34 0 0
                                    

"Natasha, bilis!" Pagmamadali ni mama sa akin.

Binuksan niya ang bag ko at siya na mismo ang naglagay nang baon ko. "Itong blue na bag, ibigay mo kay Sir mo ha. Ikaw na bata ka, bilisan mo at male-late ka na!"

Nagsusuklay pa ako ng buhok nang lumabas ako. Napasarap kasi ang tulog ko kakatitig sa mga papel ko sa Math! Ang tataas ng scores ko eh, feeling ko ang saya saya ko parati.

Hindi naman ako na-late, pero nakaakyat na lahat ng kaklase ko sa room. Lumapit agad si Des sa akin at tinabihan ako since absent si Rena.

"Nes, tagal mo! Basang basa pa iyang buhok mo!" Kinuha niya ang buhok kong basa pa nga. "Hmm, teka, ang bango ng buhok mo ah! Bagong shampoo mo ba ito?"

"Oo, binili ni mama." Kahit sa totoo lang ay niramihan ko lang ang shampoo at conditioner ko. Isa pa ito eh, muntik na akong ma-late dahil sa tagal ko sa pagligo.

Hindi nagtagal ang ang pakikipag-usap ni Des sa akin dahil dumating na si Ms. Catacutan bilang first subject namin para sa araw na ito.

Binati siya ng lahat saka siya nagsalita. "Bago ko simulan ang bagong topic natin ngayon, may sasabihin lang ako. May gusto akong klaruhin sa inyo. Una sa lahat, alam ko na masama ang tingin niyo sa akin, alam ko na iniirapan niyo ako at sinasabihan ng masasakit na salita sa tuwing nakatalikod ako."

Tumikhim siya bago magpatuloy. "Hindi niyo ba naisip na kagaya ni Gat Jose Rizal at lahat ng tao sa mundong ito ay may damdamin din? Na nasasaktan ako sa bawat naririnig ko sa inyo at sa lahat ng estudyante dito? Oo, naririnig ko, kahit saan."

Sinara niya ang libro niya at isa-isa kaming tiningnan. "Pangalawa, hindi ako malandi o flirt o kung anumang tinatawag niyo sa akin. " Sandali siyang napasapo sa noo niya.

"Sir Salazar, we're just friends. Ganon lang talaga ako sa lahat, o kahit itanong niyo pa sa ibang teachers. Sana wala na akong maririnig pa na kahit ano, ha?" Walang sumagot ni isa sa amin kaya inulit niya ang tanong sa pasigaw na paraan.

"Naiintindihan ba?" Napa-opo na lang kami. Sa totoo lang, pangalawang beses ngayong taon na niya kinlaro ang mga iyon. Hindi ko alam kung may maniniwala pa ba. Pero isa lang ang alam ko, tama naman talaga siya. Tao din siya at nasasaktan.


Gigil na gigil si Des habang kumakain na kami ng lunch. "Nako, nakakainis! Akala ba niya mauuto niya pa lahat ng estudyante dito after ng mga sinabi niya? Asa siya! Flirt pa rin siya!"

"Des! Huwag ka ngang maingay dyan! Tama naman siya, tao lang siya at nasasaktan." Paalala ko.

"No, Nes, tingnan mo nga o, hindi lang naman ako ang ganito sa kanya eh." Tiningnan ko ang mga babae sa canteen, halos lahat nga ay topic si Ms. Catacutan.

"Alam mo ba 'yong pinakanakakainis sa mga sinabi niya? 'Yong friends daw sila ni Sir Salazar at ganon daw siya sa lahat ng teacher. So kay Sir Enriquez ganon din siya, hahawakan niya ang dibdib at malanding kakausapin ito?" Naiinis siyang tumawa.

Si Sir Enriquez ay ang teacher ng elementary na naging topic din ng highschool students. Biyudo ito sa edad na 25, maputi at hindi gaanong payat, minsan na rin naging subject teacher ng ilang senior highschool students.

"Kaya nga in-explain niya ang side niya para maramdaman naman natin siya." Sabi ko pa.

"Nes? Naririnig mo ba ang sarili mo? Oo, nasasaktan siya pero ganyan na din ang ginawa niya noon 'di ba? Ms. Aiko Catacutan is not a teacher for me pa rin." She said. Hindi na ako nakipagtalo.

Pagdating ng hapon ay hinatid na naman ako ni Des sa library. Sasamahan niya raw ako para makita niya ang love of her life niya. Ang harot, 'di ba?

"Good morning, Sir!" As usual, ngiting-ngiti na namana ng kaibigan ko.

Tumango lang si sir. "Huwag masyadong maingay."

"Ay, sorry po." Bulong ng kaibigan ko at tumingin sa akin ng nakangiti. "Hindi po ako magtatagal, hinatid ko lang po siya. Una na po ako." Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang umalis.

"Mahirap ba pumunta dito at nagpapasama ka pa sa kaibigan mo?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hindi naman po, siya lang ang may gustong sumama." Sabi ko at umupo na. Nilabas ko ang pen ko habang nilabas niya naman ang papel ko kahapon. Kagaya nang sinabi niya kahapon, i-ch-check namin ito ngayon.

Nag-uumpisa pa lang kami nang pumasok si Ms. Dima, short term sa surname niyang Dimagaan. Ayaw niya kasing tinatawag siya non. Si Ms. Dima ay ang adviser ng grade 10.

"Sir, excuse lang?" Napalingon kami sa kanya ni Sir Salazar.

Bumati naman ako at binati niya rin ko. "Papasok pala mga estudyante ko dito, mag-re-research sila ng books. Asan logbook mo?"

"Ay, sige. Sandali lang." Tumayo si Sir Salazae at inabot ito sa kanya.

Kasabay ng pagpapasalamat ni Ms. Dima ay ang pagpasok ng mga grade 10 students.

Ang iba ay diretso sa section ng books na hahanapin, habang ang iba, nag-fan girl na naman kay Sir at nginingitian, binabati ito. Ang iba, nakatingin sa akin na parang inaalala kung sino nga ba ako, 'yong iba kakilala ko at nginingitian ko at ganoon din sila sa akin.

Ay, iyan pala 'yong tinu-tutor ni Sir Salazar?  Matalino iyan, 'di ba?  Bakit may tutor pa siya?  So totoo pala 'yong balita na babae ang tinu-tutor ni sir.  Swerte naman ni Legaspi! —May mga naririnig akong mga ganon. Nakakailang tuloy bigla.

Ang daming tao sa library bukod sa amin ni Sir Salazar.

Using his deep and nakakatakot voice, nagsalita si Sir. "Grade 10, huwag maingay. No one's allowed to talk loudly. Library ito, naiintindihan?" Nag-opo naman 'yong nga grade 10.

"Proceed na tayo." Bulong niya sa akin. "Huwag mo na silang pansinin." Parang nakikitaan ko ng concern ang mga mata niya. Cheetah!

"Nakakailang pala na may ibang tao dito." Sabi ko.

Tumawa siya ng kaunti. Iyan na naman siya. Iyan na naman ang tawa niya. "Oo nga eh, tingnan mo itong number four mo." Nagsimula na siyang magturo, in-e-emphasize ang bawat mali ko.

Sa tuwing may mali ay pinapaliwanag niya sa akin kaya naman na-review talaga ako. Kahit may ibang mga estudyante, focus pa rin siya sa akin, pero hindi na sa tuwing nagsasagot ako.

Hindi pa natatapos ang tutorial namin ng isa-isa nang nagsi-alisan ang mga grade 10, nag-log lang ang mga ito at unti-unti na din silang nawala.

Para akong nakahinga ng maluwag. Pati siya.

Ewan ko? Parang mas kumportable na kaming dalawa lang eh.

Nang nagtuturo siya ulit, mas lumapit na naman siya sa akin. Kanina kayang nandito ang iba, hindi siya ganyan kalapit.

"Sir, ang lapit mo po." Bulong ko.

Medyo lumayo naman siya at nagpatuloy. Ay, bakit parang malungkot siya nang sinabi ko iyon? Hay nako, ano ba itong pinag-iisip ko.

Nang magpa-seatwork siya, naramdaman kong nilalaro na naman niya ang dulo ng buhok ko, unti-unti din niyang inilapit ang upuan niya sa akin.

Saktong paglingon ko, ang mukha niya. . .sobrang lapit. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Kasabay nang pagngiti niya, at paghagod niya sa buhok ko. Bakit po kailangang ganito?

Parang naramdaman ko ang epekto niya. Ang hirap i-explain. May something sa loob ng tyan ko. Ano ito? Natatae ba ako?!

Tumingala siya at naramdaman kong sinighot niya ang ulo ko. "Ang bango ng buhok mo." Napangiti na lang ako. Worth it naman pala ang effort ko sa buhok ko.

Nahinto ang ngiti ko, kasi naman, naramdaman kong ano eh. Hinalikan niya, 'yong buhok ko.

"Cheetah times thirty!" Bulong ko. "Sir?"

Naramdaman ko ang vibration ng boses niya sa tuktok ng ulo ko. "Hmm?"

Tumawa muna ako, ang awkward na eh. "Huwag niyo pong ubusin 'yong amoy."

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon