Chapter 3

48 0 0
                                    

Nagising ako ng maalala ko ang letter na dapat ipa-sign ko kay mama. Wala, hindi ko naipakita. Okay lang, hindi naman ako nagsisisi. Ayoko nga talaga sa tutoring na iyon.

Kumakain na sina Mama at Nate na kapatid ko ng madatnan ko sila. Kumakain lang ako ng tahimik ng magsalita si mama.

"Tasha, ihatid mo na itong si Nate, exam ngayon eh, maaga. Isakay mo na lang dyan sa sakayan, may ihahatid pa kasi ako sa kapitbahay natin."

"Sige, pero anong ihahatid mo, Ma?" Curious na tanong ko.


Ngumiti siya na parang excited. "Yong bayad ko dyan sa kapitbahay, bumili kasi ako ng tupperware sa kanila."


Nabitawan ko ang kubyertos ko. "Mama naman, tupperware na naman?! Puno na nga yung cabinet natin ng tupperware mo tapos bili ka pa ng bili?"



"Hayaan mo nga."

"Bahala ka, magagalit si papa pag-uwi niya."



"Shh, huwag kang maingay sa papa mo!" Saway sa akin ni mama na parang kinokontsaba pa ako sa isang kasalanang ginagawa niya.


"Malalaman pa rin ni Papa kasi puno na yung cabinet natin." singit ni Nate sa usapan. Natawa na lang ako.


"Oo nga pala Tasha, wala ka bang nakakalimutan?" tanong ni mama sa akin.

"Wala, meron po ba?"

Kumunot ang noo niya. "Sigurado ka bang bata ka?"



Sandali akong nag-isip, nagawa ko naman na ang assignment sa English, may requirements na din ako ng pinapadala sa Science, wala talaga akong nakalimutan. Pinapakaba ako nito ni mama! "Wala nga po ma, ano ba iyan?"

Nginitian niya lang ako. "Sige na, pumasok na kayo. Goodluck sa first day ng tutoring mo, Tasha."


Nilingon ko si mama na gulat ang mukha. "Ano po, Ma?"


"Wala, sige na, umalis na kayo."


Tumakbo ako papalapit sa kanya. "Ano nga iyon, ma? First day of tutor ka dyan? Alam mo ba?" medyo kinabahan ako. Paano niya naman nalaman?



Tumawa si mama. Hala, naloka na. "Ikaw ha, hindi mo sinabi sa akin. Papayag naman kami ng papa mo."

Hinatak ko siya papaupo. "Mag-usap nga tayo saglit, ano ba iyan, ma? Anong payag kayo?" alam ko naman ang tinutukoy niya, kailangan ko lang ng clarity.

Pinitik niya ang noo ko. "Ang tigas talaga ng ulo mo, kunwari ka pang hindi mo alam. Ano, asan yung letter? Ilabas mo nga!" utos niya. Nilabas ko naman sa bag ko at nagulat ako ng makitang may pirma na. Cheetah times thirty!

"Nangealam ka ng gamit ko, ma?!" Gulat kong tanong.


Pinitik niya ulit ang noo ko. "At kung hindi pa nagsend ng e-mail ang school mo, hindi ko pa malalaman? At kung hindi ko pa pinakealaman ang gamit mo, hindi ko pa malalamang may letter pala?"


"Eh ma, ayoko nga ng tutoring eh! Ayoko magtutor! Sabi ko na nga 'di ba? Mag-aaral na ko ng mabuti, promise nga na hindi na ako babagsak sa Math? Pagsisikapan ko po! I'm not a kid! Pwede namang si Nate na lang!" tinuro ko si Nate.

"Bakit ako? Mas magaling pa nga ako sa Math kesa sayo." Nate said, hinampas ko siya ng letter.

"Ikaw na bata ka, gusto mo huwag kitang ihatid sa sakayan, ha?" pananakot ko sa kanya.

"Tama na iyan!" Saway ni mama. "Tasha, alam kong mas matututo ka kapag nagpatutor ka kay Sir Salazar mo, siya pa mismo ang nagvolunteer, wala na ngang bayad eh. Anak, isipin mo na lang yung scholarship."



Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon