Chapter 9

33 0 0
                                        

Hindi ko alam kung anong i-re-react ko doon sa sinabi niya about recap ng lessons. Hindi ko na nga matandaan 'yong iba eh!

Hinilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. "Sorry, nakatulog ako."

"Okay lang iyon sir, alam kong pagod ka na. Sorry po ah, napatagal 'yong paglilinis ko." Sabi ko, nagi-guilty tuloy ako.

"Weh?" Pang-aasar niya. Tinawanan ko lang siya.

Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman siyang pinagawa sa akin. Makinig lang daw ako. Ayon, siya lang ang nagsasalita at pinapaalala ang lessons namin last week. Madali lang natapos ang pagsasalita niya at pag-e-explain ng kaunti. Wala nga akong masyadong na-gets.

"Tomorrow, I'll make it all clear to you." He smiled assuringly.

Nag-heads down na naman siya sa table at kinuha ang pinaglalaruan kong papel.

May natitirang minuto pa naman kaya kinausap ko siya tungkol sa nangyari kanina. "Sir?"

"Hmm?" Tumingin siya sa akin na ganoon pa din ang pwesto.

"Bakit mo pinapasok 'yong mga kaklase ko kanina kahit late sila?" Sir Salazar hate late students. Dati-rati hinahayaan niya lang ang mga late sa labas ng room o hindi kaya dinadala sa guidance office. Kaya nakakapagtaka talaga 'yong ginawa niya kanina.

Kinusot niya ang mata niya. "Sabi mo, 'di ba?"

Sabi ko?

"Kawawa sila, eh." Sabay ngiti ng matamis.

Matamis? Matamis ba ang ngiting iyon, Natasha?

Kakaiba, ito ba 'yong sinabi ni Des na kakaibang ngiti nga ni sir?

"Bakit parang ang bait mo ngayon, sir?" Natatawang tanong ko.

"Grabe," Umayos siya ng upo at isinuot ang eyeglass niyang nakapatong lang sa libro kanina. "Iyan talaga ang maling tingin niyo sa akin, 'no?"

Tumawa ako. "Hindi lahat sir. Alam ko namang mabait ka eh. Ayieee!" Pang-aasar ko. "Masungit ka lang po talaga, sir Salazar sungit!"

Umiling-iling siya habang nakangiti. "At ikaw? Natasha daldalita?"

"Grabe, iyan talaga ang maling tingin niyo sa akin, 'no?" Panggagaya ko sa linya niya kanina kaya tumawa siya, natawa na rin ako.

Inilapit niya ng konti ang upuan niya sa akin, he crossed his arms. "Ano daldalita? Mukhang may tanong ka pa."

"Hindi ako daldalita!" Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Pero may tanong ako."

Ngumiti muna siya. Bakit ba ganon ang ngiti niya? "Ano iyan?"

"Pwede nang umuwi?"

Kumunot ang noo niya bigla. "Ayoko, hindi pwede! Dito ka lang."

Hala

Tumawa ako. "Sungit talaga!"

Pumalumbaba ako sa table at nginitian lang siya.

"Bakit ka nakangiti, ha?" Tanong niya. Ginaya niya ang pwesto ko. Pumalumbaba din siya at ngumiti sa akin.

His eyeglass. His eyes. His stare.

Ibinaba ko ang tingin ko. Cheetah, ang bastos ata!

"Uuwi na po ako, ha?" Paalam ko at kinuha ang bag ko.

Ginulo niya muna ang buhok ko kaya medyo kumunot ang noo ko. Tumawa siya. "Sige, uwi na daldalita."

"Ang sungit na ang kulit pa, hindi nga ako daldalita!" Nakangiti kong sabi.

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon