Chapter 17

31 0 0
                                    

Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad sa hallway, papuntang room namin. Pinagbubulungan ako ng iba, 'yong iba wagas na kung makatingin sa akin. Cheetah.

Binilisan ko na lang ang paglalakad. Alam ko namang kumakalat na 'yong tsismis na may something na sa amin ni sir. May mga nagtatanong din sa akin lalo na ang mga kaklase ko. Iba kasi talaga siya sa akin. Kapag nagtuturo siya, kapag mapapatingin siya sa akin ay ngingitian niya ako. Naghihinala tuloy ang mga kaklase ko.

"Close lang kami." Sagot ko sa nakasalubong kong si Melai at Jelai. Ito na lang ang paulit-ulit kong sagot sa mga nagtatanong kung anong meron sa amin.

"Talaga?" Hindi naniniwalang tanong ni Melai.

"Nakakainggit naman! Buti pa kayo!" Sabi naman ni Jelai. Nginitian ko na lang sila at nauna nang maglakad.

"Close daw, baka nilandi kaya close na."

Nakuyom ko na lang ang kamao ko sa mga naririnig ko at mas dinoble pa ang bilis sa paglalakad. Bakit ba kasi ang haba haba ng hallway namin na ito?! Namalayan ko na lang dumiretso na pala ako sa cr.

"Alin 'yong Natasha Legaspi ng grade 9 section B?" Narinig kong pag-uusap pa bago ako dumiretso sa isang cubicle. Nahinto tuloy nila ang pag-uusap nang makita ako. Narinig ko rin na umalis na sila. Doon na ako humikbi habang umiiyak.

Ang sakit. Isang linggo bago ito masaya pa kaming dalawa ni Sir Morgann. Pero ngayon ito na, madami na akong masasakit na salitang naririnig.

Siguro narinig nila ang pag-sasagutan namin ni Des. Siguro may nakakakita sa amin sa library. Siguro pansinin lang talaga kasi iba si sir sa akin.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Kirot. Hindi ko alam kung tama pa ba lahat. Mahalaga sa akin si Sir Morgann—gusto ko siya. Napailing na lang ako. Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Pero masaya ako kapag kasama ko siya at ayoko siyang mawala sa akin.

Pero paano ang sinasabi ng iba sa akin? I feel so humiliated. Isama pa itong sakit na nararamdaman ko. Kada maglalakad ako, rinig na rinig ko ang pangalan ko, kahit saang sulok ata ay ako ang topic nila.

"Sabi matalino raw iyon ewan ko kung bakit ganon siya kay Sir Salazar." Sabi ng ilang babaeng dinig kong kakapasok lang ng cr.

"Bata bata pa eh."

"Baka tine-take for granted lang iyon ni sir. Ganyan pa naman kapag mga gwapo." Tumawa pa silang dalawa.

Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko, binuksan ko ang pinto at tumingin sa kanilang dalawa. Plastik pang ngumiti ang dalawa sa akin bago ako umalis. Akala nila bingi ako? Hindi ako nakakarinig? Na hindi ako nasasaktan sa mga pinagsasabi nila sa amin ni sir?

Tinakbo ko na ang room. Wala pang tao except sa dalawang lalaking nakaupo sa middle row. Si Andrade at Mike.

Napatingin sila sa akin. Tumayo si Andrade at nilagpasan lang ako habang naiwan naman si Mike.

Hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa loob. Ayokong may makakita sa akin. Alam ko namang huhusgahan lang nila ako.

Hindi pa ako nakakaalis pero nagsalita siya. "Natasha"

Lumingon ako, naglalakad siya papalapit sa akin. Straight na tumingin siya sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin.

"Natasha gusto kita."

Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya. Nakakagulat dahil bakit niya sinasabi ito? Tiningnan ko lang siyang nagtataka.

"Natasha gusto kita." Hahawakan na sana niya ang kamay ko pero umatras ako.

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon