Chapter 8

32 0 0
                                    

Pagtapak ko pa lang ng school ay excited na akong makita si Des. Ipapakita ko sa kanya ang perfect score ko sa seatwork namin ni Sir Salazar kahapon.

Usually, siya ang unang sumasalubong sa akin dahil maaga siyang pumapasok. Nagtaka ako, pagpasok ko sa room para ilapag saglit ang bag ko, wala ang kanya. Absent ba siya?

Bumaba na lahat ng junior and senior highschool sa quadrangle. Friday ngayon at may flag ceremony kami.

Hindi ako sanay na wala si Des! Ang lungkot lungkot. Para akong nobody sa buong umaga. Nang dumating ang recess, hindi na nga ako bumaba para pumuntang canteen dahil wala akong kasama.

"Fruta!"

Kinunutan ko nang noo ang paparating na si Mike kasama si Andrade. Inikot nila ang upuan papunta sa harap ko at umupo doon.

"Absent si Des kaya loner ka dyan. Kawawa naman si Nesfruta." Pang-aasar pa niya.

"Weh, tumigil ka nga!" Nakakairita! Ipamukha daw ba na kawawa ako.

Inilahad niya ang niya kamay sa harap ko kaya nagtaka ako. "May ipapabili ka?"

Napangiti ako. "Okay lang?"

Tumango siya. "Syempre, para sa maganda na kagaya mo ay gwapo ako."

Tinawanan ko na lang siya at binigay ang pera ko. "Ewan ko sayo! Sandwich saka juice lang, orange ah!"

Umalis na siya kaagad. Minsan malaking tulong talaga iyang si Mike.

Hindi nagtagal sina Mike at Andrade. Inilapag agad ni Mike ang sandwich at juice ko, mayroon pang paborito kong chips.

"Oh? Hindi naman ako nagpabili nito ah!"

"Libre ko na iyan!" Sabi niya.

Inilahad ko ang kamay ko. "Asan ang sukli ko?"

"Ha? Wala ka ng sukli! Dinagdagan ko na nga para dyan sa chichirya mo eh!" Sumbat niya.

"Wala naman akong sinabing bilhin mo ito eh!"

Tumawa na lang sila ni Andrade. "Tara na Mike, gala na tayo!"

Kahit medyo inis kay Mike ay nag-thank you pa rin ako.

Tapos ko nang kainin ang chichirya at sandwich ko nang magulat ako sa biglang pagpasok ni Sir Salazar. Siya nga pala ang next after recess. Pito lang kami sa loob ng room na bumati sa kanya.

Karamihan ay wala pa, unaware ata sa oras.

"Asan ang iba?" He asked. Nakatingin sa akin? Tumingin pa ako sa likod ko, ako lang pala ang nasa row na iyon kaya malamang ako ang tinatanong niya! Ano ba iyan, Natasha!

"Nasa canteen pa po ata." Ngumiti siya saglit nang sagutin ko.

"Yong mga nasa labas hindi ko na papapasukin. Magsisimula na tayo sa seatwork. Get your notebook." Kita mo itong teacher na ito, ngumiti sa akin pero ang sungit pa din.

Nag-react si Jelai. "Hala, wala pa si Melai!" Sinabi niya iyon pero nakatingin siya sa likod ni Sir na nagsusulat.

Ang dami pa ngang wala. Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat. Since madali ko lang natutunan ito kahapon, game na game ako sa pagsasagot.

Natigil ang pagtibok ng puso naming lahat nang may marinig kami. Tatlong mababagal ngunit mabibigat na katok. Napalingon kami sa pintuan, ang ibang kaklase namin, nandoon. "Good morming, Sir Salazar! May we come in?" Pangunguna nang lokong si Andrade.

Humarap si Sir sa kanila. Ilang sandali pa nandoon na halos lahat ng classmate ko. "Walang papasok. Late na kayo sa klase ko. Legaspi, isara mo 'yong pinto."

Stumbled MistakenlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon